Sa wakas. Ang panahon ng pagkawasak ay sumapit na. Ang matagal na pagtitiis ng mundo ay umabot na sa sukdulan. Kaliwa't Kanan ang nangyayaring delobyo na sumira sa lahat.
Mula ng lumubog ang araw ay hindi na muli itong sumikat. Uminit ang mundo at naaapektuhan nito ang paligid. Nalanta ang mga puno at tuluyang namatay. Lumakas ang hangin at nabalot ng buhangin ang paligid. Lumipad ang mga bubong at nagkasira sira ang mga bahay dahil sa sunod sunod na lindol.
Nalason ang hangin at ang direktang paglanghap dito ay lubhang delikado na maaaring ikamatay. Kaya ang paglabas ay naging limitado at kung kailangan ay may suot silang protective suit.
Tuluyang natuyo ang mga ilog at lawa. Lumayo ang dagat sa dalampasigan at lumikha ito ng malalaking alon. Maraming namatay na isda na nagpaitim at nagpabaho dito.
Dahil sa mga mangyaring ito. Tuluyang na bago ang pamumuhay ng mga tao. Nawalan ng silbi ang maraming teknolohiya at naging mahirap ang pagpalit dito.
Ang pagligo araw araw noon ay naging paghugas na lang sa isang linggo. Yun ang resulta ng pagkatuyo ng Lupa at pagtigil ng ulan.
Ang mga sasakyan na pangunahing ginagamit sa araw araw ay nakaharang na lang sa kalsada.
Pero sa isang iglap ay nabago ang lahat ng may isang maliit na bagay na mabagal na bumabagsak ang biglang sumira sa kadiliman na matagal ng nakabalot sa mundo. Isa iyong meteoride na nagliliwanag pero hindi masakit sa mata. Tunay na kamangha mangha kahit na iilan lang ang nakakita.
Subrang liit lang nun pero ang linikha nitong pinsala ay talagang kakila kilabot. May kung anong malakas na pwersang dala ng meteor na kasamang tumama sa Lupa at labis na sumira sa mundo. Lumutang sa ere ang mga tao at malalaking tipak ng Lupa. Sa kabutihang palad ay walang gaanong epekto sa tao ang nangyari maliban sa makaramdam ng labis na pwersa na parang iniipit sila hanggang sa umikot ang paningin nila. Animoy kinokoryente rin sila at parang sasabog sa di malamang dahilan. Parang dinudurog din ang mga buto sa katawan nila at parang hinahasa iyon. Walang tigil mo yung mararamdaman hanggang sa sarili mo mismong katawan ang bumigay at mawalan ka ng malay.
Inasahang marami ang mamamatay pero ang pagtulog nila ang hindi inaasahang nagligtas sa kanilang lahat. Naging malalim ang tulog nila at sa hindi malamang dahilan naging daan iyon para makabagay sila sa pagbabago. May mga kaunting pagbabago ang nangyari sa katawan nila.
YOU ARE READING
SKYSTONE (The Predicted Future)
Science FictionFor so many years, we along with our ancestors build and develop everything that we need to make our daily lives so easy. We invented every things that we need seeing 'I can't live without it' thing. But what if we lost all of it? What if it...
