Speaking of. Napatingin ako kay Kiro na payapang natutulog. Kinapa ko ang noo niya at hindi na siya gano'n mainit.

"Ah si Kiro po kasi nilalagnat kanina."

"What?" bulalas niya. "How is he? Is he okay?"

"Ah, eh, mukha naman po. Hindi na po siya gaano kainit."

"Mabuti naman. Thank you for taking care of him, sweetie."

"Ah, hindi ko po—"

"I have to go, sweetie. I'm kinda busy kasi."

"Sige po. Salamat."

"Sige. Take care, okay?"

"Kayo rin po. Bye."

Pinatay ko ang tawag at bumaba mula sa kama.

Lalabas na sana ako ng kwarto ng tumunog na naman ang cellphone ko.

"Where in the Earth are you?" bungad na sigaw ni Hirl.

"Nasa condo pa, bakit?"

"Condo? Do you even know what time it is?"

"Hindi, eh. Kakagising ko lang kasi." Kinamot ko ang ulo ko.

"What? It's almost 10 in the morning, Talia! And what are you saying kagigising mo lang?"

"May sakit si Kiro."

"Okay then," mabilis na bawi niya mula sa pagkakasigaw. " See you tomorrow. Bye."

"Tek—"

At pinatayan na naman niya ako ng tawag. Hay.

Ang bastos talaga ng babaeng 'yun.

Lumabas na lang ako ng kwarto at nagluto ng agahan namin ni Kiro.

At ngayon dahil may lagnat na talaga siya ay nagluto na ako ng lugaw.

Bumalik ako sa kwarto at naligo at nagbihis. Kahit basa pa ang buhok ko ay pumunta ako gilid ni Kiro.

"Kiro?" mahinang yugyog ko sa kanya.

"Hm..."

"Gising ka muna."

Dahan-dahan naman niyang iminulat ang mga mata niya.

"Tayo ka muna kakain na tayo." Ngiti ko.

Tumango siya at dahan-dahang umupo.

"Giniginaw ka pa rin ba?"

"S-Slight."

"Ah, sige, dito ka na lang at dadalhin ko na lang 'yung pagkain mo dito."

Akmang bababa na ako sa kama ng hawakan niya ang braso ko.

"Bakit?"

"I-I'll come with you."

"'Wag na dito ka na lang."

" S-Sama ako," pagpipikit niya.

"Okay," buntong hininga ko. Ano pa nga ba?

Bumaba ako sa kama at inalalayan siya hanggang sa makarating na kami sa dining. Pinaupo ko siya sa upuan at hinanda ko na ang mga makakain namin.

"Thank you for taking care of me."

"Hm." Tango ko habang ngumunguya.

"And I just want to say sorry for last night."

"Okay lang." Ngumiti ako.

Tapos na akong kumain kaya tumayo na ako at inilagay sa lababo ang kinainan ko.

"Ah...Kiro pwede na ba akong pumunta sa school kasi mukhang okay ka na man na."

Tumigil siya sa pagsubo sa lugaw at tumingin sa 'kin. Hindi ko mawari kung anong emosyon 'yong nakikita ko sa mukha niya.

Every NightWhere stories live. Discover now