Kabanata 26

1.1K 36 3
                                    

Pagkatapos kong painumin ng gamot si Kiro ay nakatulog na siya.

Nagbihis ako at lumabas ng kwarto. Umupo ako sa sofa para tawagan si Hirl.

Isang ring pa lang ay sinagot na niya.

"Bruha, why did you left me here?" bungad na sigaw niya.

"May sakit nga si Kiro. Alangan naman piliin kita na masigla kaysa sa may sakit, 'di ba?"

Humiga ako sa couch at ipinatong ang paa ko sa sandalan ng sofa.

"Ang sabihin mo nag-aalala ka lang talaga kay Kiro."

"Oo naman, Hirl," walang pagdadalawang isip na sagot ko. " Nag-aalala naman talaga ako roon sa tao, namumutla na eh at saka ayaw umuwi hangga't 'di ako kasama."

"Ang sweet naman pala."

"Saan ang sweet doon?" tanong ko at tumagilid.

"'Di ba sabi mo ayaw niya umuwi hangga't 'di ka umuuwi? Edi sweet nga. Ayaw niyang iwan kang mag-isa at baka may makilala ka pang ibang chick."

Tumihaya na naman ako "Seryoso ka ba riyan?" takang tanong ko.

"Oo naman, 'no? Kailan ba ako nagbiro?"

"Ah okay." Tango-tango ko kahit 'di niya ako nakikita.

"Daan ako riyan ngayon."

"Saan?"

"Diyan sa condo niyo. Actually paakyat na nga ako, eh."

"Okay. See you here. Bye."

"Ready a beer."

"Sira!" Tawa ko.

"Seryoso ako."

Seryoso pala siya. Akala ko biro lang. Ano kaya ang trip nito?

"Fine," walang choice na sabi ko.

Pinatay ko ang tawag at tumayo. Gaya ng sinabi niya ay naghanda ako ng isang beer.

Dala-dala ko ang isang bote ng beer ng buksan ko ang pinto ng may nag-doorbell.

"Talia—"

"Sh," putol ko sa tili niya.

"Bakit?" sigaw niya.

Nasapo ko na lang ng noo ko. Ano ba ang babaeng 'to! Dire-diretso siyang pumasok.

"May kasama ka ba rito? Sino, ha? Pinalitan mo na ba si Kiro?"

"Tigilan mo nga 'yang pagsigaw mo, nakalimutan mo ba'ng may sakit si Kiro at nagpapahinga?"

Isinarado ko ang pinto at lumapit sa kanya na nakaupo na sa sofa.

"Hala! Sorry—"

"What's that noise?"

Napalingon ako sa pinto ng kwarto ko at ibinalik ko ulit kay Hirl ang tingin.

"Sorry na, Talia, nakalimutan ko lang naman."

"So someone's visiting..." mahinang saad ni Kiro at naglakad palapit sa 'min.

"Hi, Kiro!" Hyper na bati niya. "Sorry at nagising kita sa kaingayan ko."

"You should be. Kitang nagpapahinga 'yung tao dahil may sakit, nag-iingay ka!" asik ko.

"It's okay, Tata, I'v oversleeped already." Umupo siya sa tabi ko at umakbay.

"Ang sweet niyo." Ngiti ni Hirl.

"Sweet? Nasaan ang sweet dito? Hindi pa nga kami nagbabati nito eh pero dahil may sakit siya wala akong magagawa kundi pagpasensyahan."

Every NightWhere stories live. Discover now