"Thanks"

[Kinakausap ka na niya?] naging seryoso na ang boses niya

"No" mapait akong ngumiti

[Don't worry, I can be the father of your baby too, Cous]

"Thank you talaga, penge pang gatas HAHA char!" Pagbibiro ko para mabawasan naman ang lungkot na nararamdmaan ko

Agad akong nakaramdam ng pag akbay mula sa likod, Si Jace

"Oh, tapos na kayo kumain?" Tanong ko kay Jace at mukang nakikinig sa amin ni Kuya Lavi

"Yes" sagot niya habang nakaakbay

[Kamusta? Matalim na ba ang tingin? Nag hahamon na ba?] natatawang tanong ni Kuya Lavi kay Jace, narinig ang boses

"Matalim ang tingin, 'wag ka mag alala pagbubutihin ko pa trabaho ko haha" sagot naman ni Jace "Don't move, nasa likod sila" bulong ni Jace, mas lalo pa niyang iniyakap ang kaniyang braso sa akin mula sa balikat

[Osige, mag enjoy muna kayo ingat kayo, paalis na ako] sagot ni Kuya, agad naman na din kaming nag paalam at pinatay ang tawag

Ramdam ko ang matalim na tingin ni Aj, si Jen naman ay walang kamalay malay na masama na ang tingin ng boyfriend niya sa amin

"Tara na, nadito na ang bangka" aya ni Jess sa amin, tumingin din ito kay Aj at tumango naman si Aj. Lumakad ito na hindi kasabay si Jen

"Babe, wait for me!" Hiyaw ni Jen nang makita si Aj na paakyat na sa bangka

May pupuntahan kaming isang magandang cave, kami ang naka-schedule at hanggang mamayang hapon kami doon

"Why did you left me!? You're so nakakainis" dabog nito nang makasakay sa bangka

Kami naman ni Jace ang huling sumakay, inalalayan niya ako paakyat at si Kuyang bangkero ang humawak sa akin para tuluyang maka-akyat.

"Back part, maganda doon pumwesto" wika ko sabay turo sa likod ni Sindy na walang ibang ginawa kundi mag selfie, pinipilit si Mark

"Mark, dali kunan mo ako ng picture. Naka side view dali" wika nito at agad nitong binigay ang cellphone niya kay Mark hindi pa man din sumasagot

"Sa susunod mag dala ka ng photographer mo" reklamo ni Mark, kinuha din ang cellphone ni Sindy

"Dami mong reklamo, susunod ka din naman" sagot ni Sindy at agad naman siyang tumingin sa karagatan habang si Mark ay kinukunan siya ng picture

"Wait, I'll take a picture of us" wika ni Jace, agad niyang inilabas ang phone niya

Nasa likod ko siya kaya naman ako ang may hawak ng phone

"Akina, kayo nalang muna.... Smile" wika ni Sindy

"Isa pa, side view tapos suot mo shades ni Jace" wika ni Sindy, agad naman binigay ni Jace ang shades niya

"Jace, buksan mo dalawang botones" wika ni Sindy, sumunod naman si Jace.

" one, two Smile" si Sindy

"Thanks, look Babe, bagay sayo shades ko" wika ni Jace at pinakita ang photo

Napalingon ako sa lalaking tumayo mula sa harapan ko, si Aj

Si Jen busy sa sariling cellphone

Tumayo si Jess at pumunta sa likod kung nasaan ang cooler at ang ibang pagkain. Nadoon din Si Aj.

Beautiful In WhiteWhere stories live. Discover now