Chapter 12

1.3K 61 0
                                    

Ella POV

Nang makarating kami sa parking lot ay agad ko siyang pinasakay sa loob ng sasakyan. Tahimik lang ito habang nakayuko.

Umikot ako sa driver seat saka pumasok sa loob ng kotse. Sinulyapan ko siya ngunit nanatili lamang itong nakayuko habang pinaglalaruan ang daliri sa kamay.

Napabuntong-hininga ako saka humarap sa kanya.

"Nadine."

Hindi ito nagsalita ngunit alam kong nakikinig siya sa akin kaya naman nagpatuloy ako sa pagsasalita.

"Bago kita ihatid sa bahay nyo, dadaan muna tayo sa ospital. Kailangan matingnan ng doctor yang mga pasa at sugat mo. Kailangan makasigurado tayo."

Tumango lang ito ng marahan kaya napahinga ako ng malalim.

Inabot ko ang kamay niya saka ito pinisil. Iniangat ko rin ang baba niya upang makita ang mukha niya.

"Meron ka bang gustong sabihin sa akin? Huwag kang mag-alala makikinig ako. At ipinapangako ni ate na wala ng mananakit sa inyo ni Nadia. Nandito ako, poprotektahan ko kayo, okay."

Nagpunas muna siya ng luha saka mariing tumingin sa mata ko.

"A-Ate, thank you po kanina. Sorry po kung... Kung n-nakaabala ako sayo." sabi niya habang nilalaro ang dulo ng palda niya.

Nginitian ko siya saka hinaplos ang buhok niya. "Its okay, Nadine. I'm your ate now and anytime pwede mong istorbohin si ate. At isa pa hindi papayag si ate na maapakan lang kayo ng ganon. Kaya kahit anong problema pwede nyo akong tawagan."

Tumango ito at tumingin muli sa akin. May pag-aalangan sa mata niya kaya naman tinanguan ko siya upang malaman niyang okay lang.

"A-Ate Ella, p-pwede bang huwag mo na lang sabihin kay kuya yung nangyari. K-Kasi marami nang iniisip si kuya na problema at ayaw kong makadagdag pa sa mga alalahanin niya."

Napangiti ako dahil sa sinabi niya. Ramdam ko kung gaano nila kamahal ang kuya Nathan nila, kaya hanggat maaari ay ayaw nila itong bigyan ng problema.

Ngitian ko siya saka hinaplos ang pisngi niya. "Nadine pasensya ka na, pero kasi yung mga ganitong bagay ay dapat malaman ng kuya nyo. Dapat niyang malaman kung ano ang nangyayari sa inyo ng ate Nadia mo. Lalo nat siya ang tumayong magulang sa inyong dalawa. Alam kong masasaktan siya kapag inilihim nyo sa kanya, at lalo siyang masasaktan kung malalaman pa niya sa ibang tao."

"P-Pero ate, sobra na pong nahihirapan si kuya sa amin. Kaya ayaw na namin dagdagan pa ang mga burden niya. Simula pa noon, inalagaan na niya kami at alam namin kung gaano siya naghirap sa amin."

Bumuntong hininga ako at yumuko.

Sa isang banda ay hindi ko maiwasang mainggit sa kanila, dahil mayroon silang kuya na mahal na mahal sila at hindi sila iniiwan kahit anong mangyari. Naisip ko tuloy kong mararanasan ko pa ba ang uri ng pagmamahal na tulad ng pagmamahal ni Nathan sa mga kapatid niya.

"Sige ganito na lang, sasabihin natin sa kanya pero kaharap ako. Tutulungan kitang ipaliwanag sa kanya yung nangyari. Okay ba yon?" Pagkukumbinsi ko sa kanya na tinanguan naman niya.

Tumingin siya sa mata ko ng ilang segundo saka nagsalita.

"Mahal mo talaga si kuya noh. Kasi kahit mahirap lang kami at ganyan lang siya, iniisip mo pa rin ang mararamdaman niya."

Nginitian ko siya at napailing dahil sa sa sinabi niya.

Mahirap maipaliwanag kung gaano ko siya kamahal. Basta isa lang alam ko. Yon ay kaya kong tanggapin ang lahat ng tungkol sa kanya.

Mr. Right (Under Revision)Where stories live. Discover now