"Bakit ganyan ka makatingin, aber?" Tanong ko sa kanya.

Umiling-iling ito saka lumapit sa akin bago sumagot sa tanong ko habang hinahaplos ang aking buhok.

"W-Wala naman. Masaya lang ako kasi may kakaiba sa mga mata mo habang nagsasalita ka. Para kasing hindi ikaw yung kausap ko." Sagot nito.

Inikutan ko siya ng mata kaya tinawanan niya ako. "Ano ka ba? Ngayon pa ba tayo magdadramahan? Kailangan ko ng umalis. Basta ikaw na ang bahala dito at sa lahat ng bilin ko, okay."

"Oo na. Don't worry ako na ang bahala dito. Go! your sister in law is waiting for you." Pang-aasar pa niyang ani sa akin.

Napailing na lamang ako at nagmamadaling lumabas ng opisina.

Lahat ng empleyadong nakakasalubong ko ay bumabati sa akin. At lahat din sila ay napapatigil at natutulala sa tuwing ngingiti ako at tatango sa kanila.

Napailing at natawa na lang ako sa mga naging reaksyon nila. Hindi tuloy maalis sa isip ko na ganon na ba ako naging kasama sa paningin nila para mamangha sila sa simpleng pagngiti at pagtango ko.

Siguro nga nagtataka sila kung anong masamang hangin ang nasinghot ko dahil sa laki ang ipinagbago ko. At aaminin kong dahil iyon lahat kay Nathan. Siya ang dahilan ng lahat kung bakit ako biglang nagbago. Kung bakit, simula ng dumating siya ay hindi ko na maramdaman na nag-iisa ako.

Nang makarating ako sa eskwelahan kung saan nag-aaral si Nadine ay agad kong itinanong kung nasaan ang principal's office na binanggit nito.

Hindi na ako kumatok pa at basta lamang pumasok sa loob ng silid nang walang paalam. Nakataas ang kilay at walang emosyon ang aking mukha na humarap sa mga taong naroroon.

Agad kong iniikot ang aking paningin upang hanapin si Nadine. Nakita ko siyang nakaupo sa isang sulok habang tahimik na nakayuko. May ilang pasa din ito sa mukha at braso.

"Nadine!"

Nang mag-angat ito ng mukha at tumingin sa akin ay agad na nag-unahan ang luha nito sa mata. Kaya nakaramdam ako ng awa sa kanya.

Agad ko siyang nilapitan at niyakap. Gumanti din ito ng yakap sa akin habang humagulgol ng iyak.

"What happened? Ha? Bakit may mga pasa ka? What happened to you?!" Nag-aalala kong tanong sa kanya habang tinitingnan ang bawat pasa niya sa katawan.

Umiiyak lamang ito habang nakayakap at nanginginig ang katawan sa takot.

Napatingin ako sa mga taong nasa loob ng opisina. May dalawang estudyante na galit na nakatingin kay Nadine habang nasa tabi ng mga ito ang sa tingin ko'y mga magulang nila.

"Kayo po ba ang guardian ni miss Fernandez?" Tanong ng isang babae na nasa mid thirties na ang edad na lumapit sa akin.

"Yes, at kapatid ko siya." Nanginginig ako sa galit habang nakatingin sa mga ito.

Hindi ko alam kung bakit ganon ang aking nararamdaman. Basta hindi ko maipaliwanag. At isa lamang ang malinaw sa akin ng mga oras na iyon. Iyon ay ang protektahan si Nadine at ang lahat ng taong mahal ni Nathan.

"Pwede po ba naming malaman kong sino kayo at anong pangalan nyo?" Tanong ng lalaking nakaupo sa harap ng mesa. Naka pangalumbaba ito habang nakatingin sa amin. Para bang bagot na bagot habang kaharap kami.

Sinulyapan ko ang pangalan niya na nakapaskil sa desk name plate. Mukhang ito ang principal at sa hilatsa pa lang ng mukha nito ay hindi na mapagkakatiwalaan.

"I'm Daniella Alegre!" Galit kong sagot sa tanong niya habang hindi inaalis ang tingin sa mukha nito.

Agad na napaayos ito sa pagkakaupo at napatayo din ang ilang teachers na naroroon.

Mr. Right (Under Revision)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon