Nang ayos na ay inayos ko ang sarili, naramdaman ko ang kamay ni Jace na nakahawak sa aking bewang para alalayan ako

"Pre ako na mag drive, Ysa needs you" wika ni Mark, agad naman tumango si Jace at pinag bukas ako ng pinto.

Si Sindy ang pumalit sa akin sa harap. Si Jess, ako at si Jace naman sa pangalawa.

Nang makaakyat ay naramdaman ko ang nakatutusok na tingin ni Aj sa akin. Napalingon ako dito ngunit agad ding umiwas.

Tulog ang kasama niyang si Jen, may hilik pa.

Pinag patuloy na ulit ang byahe. Hindi na binitawan ni Jess ang kamay ko. Sa kabilang kamay naman ay hawak ko ang bottled water na iniabot ni Jess sa akin kanina.

Nakahilig ako sa balikat ni Jace, ang kamay naman niya ay nakaalalay sa nagbabantang pag bagsak ng ulo ko.

Nakatulog ako saglit at iyon ang nakita ko, kamay ni Jace.

Nagising nalang ako at wala na si Jess, Sindy at Mark dito sa sasakyan, kami nalang ni Jace at sina Jen at Aj

Napalingon si Jace sa akin nang kumilos ako

"Ayos na ba ang pakiramdam mo?" May pag aalala niyang tanong, tumango ako

"Thank you" wika ko at ngumiti, hindi ito nag salita ngunit umangat ang kaniyang kamay para hawiin ang kawala kong buhok, Nakaharang na kasi sa muka ko.

Narinig ko ang pag buntong hininga ng nasa likod. Napatingin ako sa paligid. "Nasan sila?" tanong ko kay Jace tinanggal ang ulo sa pagkakahilig sa kaniyang balikat.

"Kinakausap ni Jess ang Tita niya na mag hahatid sa atin sa hotel na tutuluyan natin" sagot ni Jace at umayos din ng upo, napalingon ako sa bandang kanan at doon nakakita ako ng duyan.

"Saan ka pupunta?" tanong ni Jace nang makita niyang tumayo ako at akmang lalabas ng sasakyan

"May duyan" wika ko sabay turo na parang bata na nakangiti. agad akong lumabas at naramdaman ang kaniyang pag sunod

Nang makarating ako ay agad niya akong inalalayan sa pag upo, hinawakan niya ang duyan nang umugoy ito dahil sa biglang pag lakas ng hangin. Lubid at malapad at makapal na bakal ang mismong upuan nito.

"Naks! Strong ka na ngayon ah" puri nito nang tahimik akong inuugoy sa duyan, tumingin ako dito na may pagtataka

"Ah, ayoko naman mag paapekto. magkakaanak na ako at ayokong madamay ang anak ko" positibong sagot ko dito, agad din siyang tumango at ngumiti.

Tumingin siya sa akin at inilipat ang mata sa seryosong muka ni Aj na kababa lang ng sasakyan kaya naman agad akong sumagot nang maintindihan ang ibig niyang sabihin

Hindi na ito nagsalita pa tungkol doon, pero kita ko sa ngiti niya ang pag sang ayon sa sinagot ko

"Tara na" aya ni Jess sa amin ni Jace nang makita kaming nasa may duyan, may kasunod siyang lalaki na naka-Mio

Agad kaming nag sunuran pag pasok sa sasakyan

Tito ni Jess ang nag lead sa amin para ihatid sa aming tutuluyan na bahay. May kamag anak din siya doon na nakatira malapit sa tutulugan namin.

Beautiful In WhiteWhere stories live. Discover now