X: Nasaan Ang Daddy Mo?

Start from the beginning
                                    


Ramdam ko ang hangin na niliban ang aking sistema. Kumalabog ang puso ko bila at huminto, sabay umarangkada ng ubod ng bilis. 


"Nasa wallet ka daw." bulong sa akin ni Lacey habang tumatango sa madaldal na si Justine.

Umiling ako. Ayokong maniwala. There's no room for us.  


Dumaan ang mga araw na masaya ako at tuwing uuwi ay may ngiting abot hanggang langit na dala. Nagkikita kami palagi ni Justine, kasi. Alam kong bawal pero gusto kong bumawi man lang sa kanya. Saka hindi ko naman siya pinipilit, siya naman itong kusa at pabor sa akin iyon. Minsan, sinasabihan ko pa rin naman siya na mag-ingat kahit na isang bahay lang ang pagitan ng kanyang panggagalingan mula sa apartment namin. Tumango naman siya at masayang nakikipaglaro ng kahit ano sa'kin. Lego - monopoly - longboard. Her father would get real angry. But I don't have any choice. Ngayon lang dininig ang mga panalangin ko.


Nang minsang nagkita ulit kami sa park ay naitanong ko sa kanyang, "Justine? Okay lang ba sayong si----Tita Justice ang kasama mo at hindi mga kaedad mo? Kasi 'diba, baby ka pa lang. Dapat, mga baby din ang kalaro mo' diba?" Dumila ako sa ice cream na aking hawak. Dumila din siya sa kanya at pinunasan ko gamit ang aking panyo ang mga lagpas-lagpas sa kanyang labi.


"Ewan ko po. E, mabait ka po kasi e, Gusto kita mommy ko!" Lumundag siya sa swing atsaka nagpuntang slide. 


Ang puso ko, mabilis na mabilis ang tibok.


Sa mga araw na dumadaan ay mas lalo ko pang nakikilala sa Justine. Gusto niyang idawdaw ang fries sa ice cream. Gustong idawdaw ang tinapay sa coke. Madaling makatulog. At hindi ito mahilig sa mga barbie at mga masyadong pambabaeng laruan. Gusto lamang nito ay simple at hindi nagmamayabang. Parang si Ishmael. Napailing ako. Alam kong tumatakas lang si Justine sa kanyang bodyguards and she's great at that pero minsan ay kinakausap ko siya na minsan-minsan na lang dahil delikado. Baka mapano pa siya.


"Bakit kaya bawal kita makita, ano, Tita Justice?" Sabi niya minsang nagpunta ulit siyang apartment. Hindi ako kumibo at tinapik na lang ang kanyang hita upang makatulog sa hita ko.


"Mahal na mahal na mahal ka ni mommy, anak. Mahal na mahal." mahina kong sabi nang makitang tulog na siya. Tumingala ako. These tears shouldn't touch such perfection.


Ngayong araw ay weekdays kaya naman wala si Lacey saka apartment. Tumambay ulit akong park ngunit para makapagpahangin. Dala-dala ko ang laptop ko ay mamaya ay ipapadala ko na sa editors para matapos na. Hindi ko naman inaasahan si Justine ngayon dahil sabi ko nga ay may weekdays. May pasok siya sa preparatory - pangmaga. I can't imagine. Ang talino niya. She's a bit mature on her age at ayokong mag-isip kung bakit ganoon na lamang na-stretch ang utak niya.


Nang maggagabi na ay sa fastfood na lang ako kumain dahil male-late ng uwi ang kaibigan ko. Nagtake-out na lang rin ako para sa kanya, tapos, sumakay na ng taxi.


Habang nasa taxi ay inaayos ko ang laptop ko. Madilim na, sakto lang para makauwi pero  laking gulat ko nang masulyapan si Justine na nakaupo sa tapat ng malaking gate. Sinilip ko ang gate at nakitang ito pala ang eskwelahang kanyang pinapasukan.


"M-Manong! Dito na lang ho. Ito ho bayad." Nanlalaki ang mga mata ko. Kinusot ni Justine ang mga mata at sumimangot. Bumaba na 'kong sasakyan. Para 'kong aatakihin.


Halos liparin ko papunta kay Justine. Naaninag ko kaagad ang luha sa kanyang mga mata dahil sa buwan. Wala kasing streetlights. Kinurot ang puso ko. Hindi na 'ko nakapaggisip at binalot ko na si Justine sa bisig ko. Ang lamig niya! Umiyak ng malakas ang anak ko sa leeg ko at ako mismo ay naiyak na din. Sobra akong nagaalala. Shít.


Lumayo ako ng kaunti upang tingnan siya. "Kanina ka pa dito Justine? Bakit ka ba naman nandito, baby? Anong ginagawa mo dito?" Para akong nagsuaumbong dito. Suminghot ang anak ko at lumabi. Umiyak nanaman ito.


"Nasaan mga yaua at bodyguards mo?" Namumungay ang mga mata kong tanong. Umiling si Justine at humikbi.


"Si D-Daddy..." Napasinghap ako.

"Nasaan ang daddy mo?"

Umiling si siya at umiyak ulit.


"S-Sabi niya, p-pupunta siya s-sa p-parents meeting! T-Tapos binully a-ako ng nga kaklase ko k-kasi wa-wala akong Daddy! Kawawa naman si Tine! Wala na ngang mommy, wala pang daddy..." Humahangos ito habang nagsasalita. Panay ang singhap niya tapos ay umiyak nanaman. Napakagat ako sa labi ko at yinakap ulit ang anak ko. Nararamdaman ko ang mga pantal sa kanyang kamay dulot ng lamok at malamig pa din siya. Nahamugan na si Tine dahil sa tagal ng kanyang ama.


Hindi na ko nag-isip. Pumara na 'ko ng taxi at inuwi siyang bahay. Masiraan sana ng bait si Ishmael kung saan niya hahagilapin ang anak niya.

The MayorWhere stories live. Discover now