Pagod akong suminghap, masyado na akong maraming iniisip. Kung daragdag pa 'to ay makakagulo na sa isipin ko. Gusto kong makita si Papa, gusto kong malaman lahat ng rason nya. Doon ko ibabaling ang atensyon ko at hindi sa mga bagay na ganito.

"Pasensya na." si Ayesha.

Tumango ako at tipid na ngumiti. Nag paalam na din naman ako sa mga ito pagkatapos kong kumain at dumiretsyo na sa room, walang tao akong naabutan kaya naman tumungo na ako sa upuan ko at umub-ob doon.

Hindi ko na alam ang gagawin ko. Hindi ko alam kung saan ako mag sisimula ulit, tila umulit ako sa mga pangyayari. Ang gulo-gulo na, at mas lalong gumugulo pa.

Iniangat ko ang ulo ko ng maramdaman ang pag vibrate ng phone sa bulsa ko. Kinuha ko iyon at namataan ko ang mensahe galing na naman kay mystery texter. Sa ilang buwang lumipas wala syang pinalampas, kaya nasanay na din ako at hinayaan sya sa mga gusto nyang sabihin. Dahil hindi ko din naman alam kung paniniwalaan ko iyon.

Unknown Number:

Nahanap mo na ba ang ama mo?

Sa mensahe na iyon ay tila natigilan ako, naisip ko agad kung papaano nya nalaman na hinahanap ko si Papa? Ganon ba ako ka kilala ng tao na ito para pati iyon ay malaman nya?

Unknown Number:

Nasa paligid mo lang, tinatago lang nila sa'yo. Ingat ka Chanel, subukan mong humarap para hindi ka nila gaguhin patalikod.

Napalunok ako. Kinabahan sa sinabi nya, hindi mapakali ang puso ko sa sobrang bilis ng tibok nito.

Ako:

Anong ibig mong sabihin?

Unknown Number:

Gising na Chanel, tuklasin mo na ang lahat. Lahat... Lahat.

Nangingining ang kamay kong tinawagan ang numero nya, nasanay na ako sa mga sinasabi nya. Ang mga paulit ulit niyang pag tatanong sa akin kung kilala ko na ang sarili ko, pero ang bagong text nya ngayon, hindi ko maiwasang hindi mag isip ng kung ano.

"Sumagot ka..." ramdam ko ang panginginig ng boses ko, sa kaba at sa kung saan man.

Napatayo ako ng makinig ko na hindi ako binabaan nito.

"Chanel Marcell Lee–"

"Sino ka? Naguguluhan na ako sa'yo! Pwede bang diretsyahin mo na lang ako? Ano bang kailangan kong malaman?" pagpuputol ko dito.

"Sinabi ko sa'yo na uunti-untiin ko hindi ba?"

Hindi ko kilala ang boses nya, masyadong malagong at nakakatakot ang boses nya. Parang boses ng mga napapanood ko sa mga palabas.

"Kalmahan mo lang, darating din tayo dyan. Sa ngayon gawin mo ang sinabi ko, binibigyan lang kita ng idea. Ikaw na ang bahalang tumuklas ng lahat." pagkasabi nyang iyong ay binabaan na ako nito.

Anong tutuklasin ko? Anong aalamin ko? Anong kailangan kong malaman?

Habang dumadaan ang mga araw mas lalong lumalalim ang iniisip ko, mas lalo akong nahihirapan kung papaano ko tutuklasin ang sinasabi ng mystery texter na iyon sa akin.

"Where are you going for Christmas?" tanong ni Drake sa akin habang abala ako sa pagluluto ng cookies.

Nandito sya sa bahay ngayon at nag request sa akin na igawa ko daw sya ng cookies, christmas break namin ngayon kaya tambay lang ako sa bahay at binibisita lamang ng lalaking ito.

"Dito lang kami sa bahay ni Mama," sabi ko at hinango na sa oven iyong mga cookies na gawa ko. "Ikaw? Uuwi ba ang Mommy at Daddy mo?"

Inilapag ko na iyong mga cookies sa isang lalagyan at hinapag na sa kanya.

Accidentally Fall In Love (Love Back Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon