Love Messages 2

1 1 0
                                    

Isang linggo nalang bago ang first examination ni Tanya. Kaya naman panay ang review niya, seryoso si Tanya kapag grades na ang pinag-uusapan. Ito ang magiging unang exam niya sa grade 12 kaya dapat na magreview talaga siya. Hindi sanay si Tanya na hindi nakakaabot sa honor rolls. Mula grades school kasi ay nasa list na siya ng mga honor rolls.

Hindi naman siya ganun kagaling tulad ng iba diyan pero thankful siya kasi until now nasasali parin siya sa list ng mga nakakatanggap ng honors. Oo nga pala, hindi pa pala siya sigurado ngayong grade 12 niya kung masasali pa siya. But then she'd do her best as always.

"Tanya! c'mon sis recess na."

Tumango siya kay Leah at tumayo sa kanyang upuan. Doon niya naramdamang gutom na rin pala siya. Leah dragged her away into the canteen. Bumili sila ng chili hamburger na favorite nilang dalawa at malamig na soft drinks.

"Sis, pwede bang pahiram ng notes mo sa math kasi hindi kompleto yung sakin e."

Napataas ng tingin si Tanya sa bestfriend niya.

"Please?" dagdag nito with puppy eyes.

"Sige na nga, basta balik mo bukas ha? yun na next irereview ko." sabi niya rito habang nilalabas ang notebook niya.

"Promise." nakangiting sagot ni Leah.

"Okay."

Inopen ni Tanya ang Facebook at messenger niya. Tinignan niya kung may mga messages siyang narecieve mula kay Dustin. Yes, she's been chatting with Dustin and it's a miracle for Tanya that they last long till now.

Napangiti siya ng hindi namamalayan nang makitang may unread messages siya at isa doon si Dustin. Hindi niya binigyang pansin ang ibang nagchat sa kanya, kundi kay Dustin lang siya tumutok.

Ganda? ano na gawa mo?

Tila may nagrambulang paru-paro sa loob ni Tanya nang mabasa ang nickname ni Dustin sa kanya. Oo, Ganda ang linagay nitong nickname niya.

Having my breaktime with my bestfriend.

Leah?

Oo, haha ikaw? anyway kumusta ang klase mo?

Nothing special G, may meeting ang mga teachers ngayon kaya nasa gym kami ng grupo.

Sana all ha.

Vc tayo?

Napatingin si Tanya sa paligid at sa bestfriend niyang linalantakan ang burger nito habang may katext. Siguro ang manliligaw nitong si Jeson, boto naman si Tanya kay Jeson kasi mabait ito kahit payat pero atleast may itsura naman. Higit sa lahat kita mo sa mga galaw nitong may pangarap sa buhay dahil seryoso din ito sa pag-aaral.

Sorry. Hindi pwede kasi nasa canteen ako ngayon. Siguradong susugurin ako ng mga kaklase ko kapag makita nilang may ka Vc akong lalaki. They are all a curious cats.

Ahh ganun ba.

Oo e.

Anong kinakain mo ngayon? healthy ba?

Pffttt haha grabe ka naman Dustin. Burger lang ts malamig na soft drinks.

Soft drinks isn't good for your health Ganda.

Wow ha!

"Oi sino yan sis? ayyiehh! may nahanap kana ba Natanya?"

Napaangat siya ng tingin kay Leah nang marinig itong magsalita. Tila kinikilig ito habang nakatingin sa kanya. Agad niyang nilayo ang cp niya nang subukan nitong sumilip sa cellphone niya.

"Leah anu ba."

"Omg! ibig sabihin niyan may—ummm!"

"Tumigil ka nga Leah. Wala pa akong nahahanap. Si Heidi tong kachat ko, updating me about sa nangyayari sa kanila ng boyfriend niya." Rason ni Tanya. Tinanggal niya ang kamay sa bibig ni Leah bago pa ito gumawa ng hindi nakakatuwa.

"Hmpt humanap kana kasi sis, dami namang gwapo sa campus ah." Nakasimangot nitong sabi.

"Don't worry okay? soon magkakaroon din ako." Nangangarap na saad ni Tanya.

"Soon? tch kailan pa kaya yang soon mo ha sistah?"

"Basta! ubusin mo na nga lang yang drinks mo Le."

Hey, nandiyan ka paba G?

Ganda?

Uh oh. Busy?

G?

Sorry Dustin. Kausap ko lang si Leah kanina.

Okay lang nu kaba G.

Sige na muna Dustin, tapos na ang breaktime.

Pagkatapos magpaalam ni Tanya kay Dustin ay tumayo na silang dalawa ni Leah saktong nag-ring ang bell ng school.

Pinili ni Tanya na maglakad nalang kaysa magpasundo sa kuya Matt niya na maaga raw natapos ang klase nito. Her kuya Wyatt has already graduated and now an architect that newly working on a project he got, while her kuya Matt is still in college, second year student.

Maraming estudyante ring naglalakad sa highway pauwi katulad niya.

Você leu todos os capítulos publicados.

⏰ Última atualização: Mar 02, 2021 ⏰

Adicione esta história à sua Biblioteca e seja notificado quando novos capítulos chegarem!

Love Messages (Ongoing) Onde histórias criam vida. Descubra agora