Love Messages 1

1 1 0
                                    

Kanina pa abala si Tanya sa pagkalikot sa cellphone niya at kung ano-ano ang pinopost sa Facebook. Paano ba naman kasi, iniwan siya ni Leah ang bestfriend niya dito sa maingay nilang classroom kasama ang kaklase nilang si Alice para lamang bumili ng pagkain sa canteen. Actually hindi nga pala iniwan kasi siya pala ang tumangging sumama sa dalawa. Mahirap kaya maglakad lagi ng nakatakong sa skul nila, halos nga araw-araw sumasakit ang paa niya dahil minsan pataas baba siya sa pag-akyat sa hagdan ng skul building nila.

Nangunot ang noo ni Tanya nang makita ang post ni Heidi ang pinsan niyang nasa cebu kasama ang isang gwapong lalaki. Oo gwapo, as in kasi talagang may itsura ito kahit hindi masyadong maputi.

Gosh! hoyy Dy sino naman yung lalaking kasama mo sa last post mo ha?

Tanong niya kay Heidi sa chat niya sa messenger. Hindi mahilig si Tanya sa pagkocomment sa mga post kasi nang minsang nagcomment siya sa isang post ng isang pinsan niya ay dinagsa siya ng mga messages ng kung sino-sinong mga lalaki. She hated that of course. Tamad pa naman siyang magbasa ng mga mensaheng kung anong laman na hindi manlang siya mapangiti kundi naiirita tuloy siya.

Tumunog ang messenger ni Tanya, binasa niya ang reply ni Heidi at ganun nalang ang gulat niya sa nabasa.

Seriously? tanong niya sa isipan niya.

Hey! don't you ever flirt my man my dear cousin. He's my boyfriend.

Oh wow!

Like oh my gosh Heidi!!

Gulat na gulat ganern?

Hindi syempre.

My gosh! nakahanap ka agad?

So what?

Hehe wala. Bored ako e

Maghanap kana kasi Natanya Serrani, siguro naman nakamove on kana dun sa ex mong manloloko diba. It's been three years Natanya, find someone better now.

Tsk! ilang ulit ko na bang narinig yan sa inyo ha. Nakamove on na ako, it's just that wala lang akong natitipuhan sa ngayon.

Bahala ka, marami naman sigurong gwapo diyan diba?

Ewan.

Huh?

Wala. Sige na babye na.

Bye then. Vc tayo after my class okay? I been missing you so much Nat. Tagal na akong di nakakapunta jan eh.

I miss you too cous.

Bye.

Take care  Nat. Bye.

You too Dy.

Napabuntong hininga nalang si Tanya at napailing ng ulo nang maalalang akala ng lahat ay hindi pa siya nakamove on sa ex niya, ang manlolokong naging unang boyfriend at ngayon nga ay ex-boyfriend nalang dahil siya mismo ang kumalas sa relasyon nilang dalawa.

Love Messages (Ongoing) Where stories live. Discover now