"Ewan ko. Nasstress lang ako kakaisip", saad niya, halatang problemado.

"Babae ba 'yan?", tanong ko at akala ko ay iirapan niya ako o kung ano man pero tumango lang siya.

Nanlaki pareho ang mga mata namin ni Shawn kaya hinatak namin siya papunta sa couch. Ngayon lang ito magku-kwento tungkol sa love life niya kaya sinamantala na namin ni Shawn.

"So hindi kayo pero feeling mo kayo?", tanong ko sa kanya.

"Hindi kami pero may something 'e"

"Ay! Walang label. Oh 'e hindi naman kita ija-judge diyan 'no dahil choice niyo namang dalawa 'yan. Mas curious ako kung sino 'yung girl!", sambit ni Shawn kaya nakitango rin ako.

"Basta. Huwag niyo nang alamin", saad niya kaya pareho naming tinitigan nang masama si Troy.

"Kulit niyong dalawa. Ayaw ko munang sabihin dahil baka ma-jinx pa. Tsaka ko na lang sasabihin 'yung pangalan kapag kami na", sambit niya at sa huli ay sinukuan na rin namin ni Shawn ang pagpapaamin sa kanya.

Kalaunan ay may mga kakilala kami na nakita rito kaya pinasama na namin sa table. Ang iba ay mga kaibigan ni Shawn at ang iba naman ay mga kasama ko sa showbiz.

"Taken na ako", saad ni Troy nang tanungin siya ng isang kaibigan kong artista.

Taken daw 'e hindi nga sila. Natawa ako pero pakiramdam ko nakakaproud din pala na makita siyang ganito. Hindi ako nagkamali sa kanya. May paninindigan talaga ang lalakeng ito.

Dumami bigla ang mga kasama namin at nang tumagal ay nagkayayaan na magsayaw. Ayaw ko na talaga dahil baka may mga makakilala lalo sa akin pero dahil halos mga artista lang din ang nakikita ko ngayon dito, hindi na rin masama.

Lasing na yata itong si Shawn dahil minumura mura niya ang bago niyang boyfriend. Nahuli niya kasi na may ka-date na babae noong isang araw pero pinatawad niya pa rin. Ngayon, naglalabas siya ng hinanakit at sama ng loob dito.

Pare-pareho pala kaming hindi okay ngayon.

I was dancing with my friends when I spotted Theo inside the same club. He's not alone. Kasama niya si Helena Tan at kung hindi ako nagkakamali ay pati ang mga pinsan nito. Sa ilang beses akong nagresearch tungkol kay Helena, parang kabisado ko na yata ang family tree nila.

May binulong si Helena kay Theo at tumawa silang dalawa.

"Okay ka lang?", tanong ni Troy nang makita kung saan ako nakatitig.

"Do you think he's happy?", I asked, still staring at Theo and Helena laughing about something.

"Hindi ko alam. Tumatawa siya kaya baka masaya siya. Alis na tayo rito, Clara", sambit niya pero hindi ako gumalaw.

"Ayoko. Gusto ko silang makita. Hanggang sa magsawa akong titigan sila, hindi ako aalis dito", saad ko.

Unti-unting namatak ang mga luha ko at sa tuwing pupunasan ko ang mga iyon ay may panibago ulit na papatak. Nakatayo lang ako roon at minsan ay nasasagi na kami ng ibang mga nagsasayaw pero sinamahan lang ako roon ni Troy.

Ito 'yun. Ito 'yung sinasabi ni Sofia sa akin. Hanggang kailan ako magiging ganito na iiyak na lang ako sa tuwing makikita kong magkasama si Theo at Helena?

Hindi ko rin alam. Magkaiba siguro kami ni Sofia. Siguro sanay siya na ipakita na malakas siya at wala siyang pakialam kahit na nasasaktan na siya. Hindi ko siya huhusgahan kung ganoon.

Pero iba ako.

Wala akong pakialam kahit bumaha ng luha rito mula sa kinatatayuan ko. Hindi ko papansinin ang iisipin ng mga taong nakakakita sa akin na umiiyak. Dadamahin ko ang sakit. Sasanayin ko ang sarili ko na nakikita ko silang dalawa.

Lose to Win (Trazo Real Series #2)Where stories live. Discover now