Prologue

1K 22 3
                                    

Date Started: January 2, 2021

Date Finished:


THE DOWNFALL OF VANESSA



Prologue


"You're six weeks pregnant, Ms. Arganza. Congratulations!" napatulala lang ako sa doctor nang sabihin nito sa akin ang balita.

Kung ang ibang babae ay matutuwa sa balitang ito, pwes ako ay hindi. Naisip ko iyong future ko, my modelling career, my Dad and my Mama. Ano kaya ang magiging reaction nila? Matatanggap kaya nila ang kalagayan ko? What will happen to my life now?

My parents will be disappointed for sure. Gulong-gulo ang isip ko lalo na't hindi naman kami okay ni... Raphael.

The father of my baby.

Kung sasabihin ko bang buntis ako ay may posibilidad na bumalik siya sa akin? Will he choose me over her?

Hindi ko na napigilan ang mga luha ko na tumulo. I'm scared. The thought of having a baby without the guidance and support of its father is scary.

"Are you okay?" the doctor asked me. I quickly wiped my tears away.

"I-I'm fine Doc. I just can't believe that I'm going to be a mother" I said to her.

"It's normal for a pregnant woman to be emotional. Aside from that, you may feel morning sickness and tiredness so you must be very careful. Ganoon ako kapag buntis ako"

Marami pang sinabi sa akin ang doctor tungkol sa pagbubuntis. Hindi ko magawang magsalita o magtanong dahil gulat pa rin ako sa nalaman ko. Lumilipad din ang utak ko.

I've been feeling drowsy these past few days. Naisipan kong magpadoktor dahil palagi rin akong nagsusuka tuwing umaga kaya naghinala na akong baka buntis ako. I was lowkey wishing na sana ay may sakit na lang ako pero alam kong napakaimposible dahil heto nga't totoo ang hinala ko.

I am going to be a mother.

I sighed.

It was all my fault in the first place. Pinilit kong pumasok sa buhay niya at ito ang napala ko ngayon sa sarili kong katangahan.

May namuo na namang luha sa mata ko pero pinigilan ko. I don't want to waste another tears.

Bakit kasi nagawa ko pang mahalin ang tulad niya?

Niresetahan ako ng doctor ng mga vitamins at gamot na makakatulong sa pagbubuntis ko. Ni hindi ko nga maalala ang mga sinabi niya kanina dahil tanging si Raphael ang nasa isip ko.

Ang hirap ng sitwasyon ko. Next month was supposed to be my contract signing to an international modelling agency. I was also offered to play the role of a main character of an upcoming drama series.

Ang ganda sana ng future ko kaso nangyari nga ito.

At ngayon ay hindi ko alam kung ano ang susunod kong gagawin.

Walang sigla akong umuwi sa condo. Napasalampak ako sa sofa at umiyak ng umiyak. Ang dami kong pang gustong gawin, ang dami ko pang gustong marating and having a baby will change everything. Paano na iyong mga plano ko sa sarili ko?

Ano kaya ang sasabihin ni Dad? Umalis ako sa bahay niya para may mapatunayan pero heto ako't nalugmok lang.

At si Raphael? May iba siyang mahal pero kung sabihin ko kayang magkakaanak kami ay iiwan niya ito? Babalikan niya ba ako?

The Downfall of VanessaWhere stories live. Discover now