"It's okay. Are you scared of me? Natakot ba kita? Gusto mo bang umalis na ako?" Puno ng pag-aalala ang boses nito.

Hindi niya alam kung bakit mas lalo pa siyang naiyak, hindi naman niya kilala ang lalake, hindi niya rin alam kung anong kaugnayan niya rito at bakit nasasaktan siya.

"I'm so sorry. Please, don't cry. Aalis na lang ako. Hindi na dapat talaga ako nagpunta," bulong nito sa huling pangungusap.

Akmang aalis na ito nang hawakan niya ng mahigpit ang mga kamay ng lalake. Yumuko siya at pinagsiklop ang kanilang kamay.

"You want me to stay?" tanong lalake at mas lalong lumapit sa kanya.

Tumango siya. Mas lalong bumuhos ang luha niya.

"Why are you crying, then?"

Hindi niya rin alam.

"I don't know," napapaos niyang sabi.

Hinawakan ng lalake ang baba niya at inangat ang kanyang tingin. Nagsalubong ang mga mata nila at may nakita siyang kakaibang emosyon sa mga mata ng binata. Malakas ang pintig ng puso niya at sobrang pamilyar ng mga kayumanggi nitong mga mata, parang sanay siya na lagi itong nakatingin sa mga mata niya.

"It's been a long time since you let me hold you this close. I missed you so much, I thought I already lost you for real. I'm so glad you are already here. Akala ko hindi na ulit kita makikita. You scared me,"  sabi nito at hinalikan ang noo niya.

Niyakap siya nito ng may pag-iingat. Gusto niya ang init ng mga yakap nito, para bang nasa ligtas siyang lugar sa mga bisig nito.

"I'm sorry kung natagalan ako, hindi dapat ako sumuko kaagad. Naaalala mo pa sana ako ngayon," bulong nito.

Sino nga ba ang lalakeng ito?

Tatanungin na sana niya ang lalake ng bumukas ang pinto at pumasok sa kwarto ang tatlong lalake na napakapormal ng suot. Yumuko ang mga ito sa binata. Kumalas ito sa pagkakayakap sa kanya at pintuhan ang mga lalake. Nakita niyang inabot ng mga ito sa lalake ang mga pagkain, kaagad na nagwala ang tiyan niya. Nagugutom siya!

"I bet you are hungry. Buti na lang at pinayagan ka na ng doktor na kumain ng mga pagkaing galing sa labas ng ospital. Here..." Inabot nito sa kanya ang kutsara at tinidor.

Natakam siya sa mga pagkaing nakahain sa harap niya. Hindi niya alam kung ano ang uunahin niyang tikman.

"These foods are all on your preference. You can eat all of them, they are all for you."

Nawala ang mga natitirang hiya sa katawan niya at mabilis na tinikman lahat ng pagkain. Masasarap lahat... Pinapanood lang siya ng lalake habang magana siyang kumakain. Napahinto siya at napatingin rito. "Hindi mo ba ako sasamahang kumain?" nahihiya niyang tanong.

Bakit ngayon niya lang naisipan na yayain ito?

"I thought you will never ask. Kuntento na akong pinapanood ka pero kung mas gaganahan kang kumain nang may kasabay, sige." Kumuha na rin ito ng kubyertos at sinamahan siyang kumain.

Wala sa sariling napangiti siya. Napaiwas siya bigla ng tingin nang mapatingin ang lalake sa kanya. Nag-init ang pisngi niya, kinagat niya ang pang-ibabang labi at tinuloy na lang ang pagkain. Busog na busog siya nang matapos sila. Nginitian siya ng lalake kaya naman napaiwas siya ng tingin. Kanina lang ay hindi naman siya apektado sa mga tingin nito pero bakit ngayon ay naiilang na siya?

"Gusto mo na bang bumalik sa kama?" tanong nito na halos nagpatalon sa kanya sa gulat.

Tumango siya at nanatili siyang nakayuko.

"May problema ba? M-May masakit ba sa iyo?" tanong nito at dahan-dahang lumapit sa kanya.

Lalong lumakas ang pintig ng puso niya at amoy na naman niya ang mabango nitong amoy. Mabilis siyang tumayo at kahit nahihilo ay diretso niyang tinungo ang banyo at mabilis na ni-lock ang pinto. Sumandal siya sa nakasaradong pinto at hinawakan ang dibdib. Ano bang nangyayari sa kanya? Bakit napakalaki naman yata ng epekto sa kanya ng lalakeng iyon?

The Royal NannyWo Geschichten leben. Entdecke jetzt