Nang natanggal ang bomba sa katawan ni Jairon ay lumapit sa 'kin ang kanyang tauhan at ikinabit 'yon sa katawan ko. Muli nilang dinagdagan ang kadenang nakakabit sa 'kin kasama ang bomba dahilan para imposible nang maalis sa 'kin 'yon nang basta.

"Wala ito sa plano, Rose!" sigaw ni Aycxe.

Nasisigurado kong napapanuod nila ang nangyayari rito sa loob sa pamamagitan ni Noella. Malungkot akong napangiti.

"Wala rin sa isip ko na ganito ang aabutan ko rito," mahinang anas ko habang nakayuko.

Narinig ko ang sabay-sabay nilang pagmumura ngunit hindi ko na napagtuunan pa ng atensyon dahil muling naglakad palapit sa 'kin si Farro.

Nagsukatan kami ng tingin. Nangungutya siyang tumawa habang pinagmamasdan ang kabuuan ko.

"Ano'ng pakiramdam na mamamatay sa sarili mong eksperto, bomber?"

Gustuhin ko man siyang ismiran ay hindi ko ginawa sapagkat natatakot ako na gamitin nila si Jairon bilang ganti sa 'kin.

"Dahil nagdidilang anghel ako ngayon, may huling mensahe ka ba na gustong sabihin?" Marahan siyang naglakadpaikot sa p'westo ko.

I tilted my head causing my hair to landed on my back. I stared at him when he stopped in my front of me.

"See you," I said.

Nakita ko ang pagtataka sa kanyang mukha, asta siyang magsasalita nang natuon ang mata niya sa 'king gilid.

His lips rose as if he was blessed at that moment. "Nagdala ka pa ng regalo."

Hinawi niya nang maayos ang buhok ko at marahang hinaplos ang aking tainga hanggang sa tumigil 'yon sa suot kong piercing.

Hindi niya mapapansin ang earpiece na gamit ko sapagkat hindi 'yon isang normal na earpiece. Maliit lang ito at nakakabit sa paloob ng tainga, idagdag pa ang katotohanan na masyado siyang tutok sa suot kong hikaw.

"Diamond," manghang usal niya at umismid.

Naramdaman ko ang pagtanggal niya rito at saka dumistansya sa akin nang nakuha na ang gusto.

"Sa lahat nang ginawa mo, ang pagsusuot ng diamond lang ang nagustuhan ko," nakangiti niyang saad at inilagay sa maliit na bulsa ng suot n'yang polo ang hikaw na kinuha sa 'kin.

Napapikit ako at sumandal sa aking inuupuan. Nagpakawala ako nang malakas na tawa bagamat naiiyak ako sa umaapaw kong emosyon.

"Masyado ka namang masaya sa kamatayan mo," pangungutya man 'yon ay hindi nakaligtas sa akin ang kalituhan sa kanyang tono.

I looked at him and smirked. "Syempre, makakasama kita, sino'ng hindi sasaya?"

Three...

Two...

Nangunot ang kanyang noo sa aking binitiwang salita.

"Now."

Napangiwi ako sa malakas na pagsabog mula sa harapan ko. Kitang-kita ko ang pagkawasak ng itaas na katawan ni Farro dahil sa sumabog kong bomba—ang piercing ko na inilagay n'ya sa kanyang damit. Dahil sa lapit ng p'westo niya sa akin ay halos maligo ako sa kanyang dugo.

ATRÓMITOS ORGÁNOSI #2 : BOMBER (COMPLETED)Where stories live. Discover now