Nagulat kaming lahat nang mabilis na ilabas ni Aycxe ang kanyang baril at itinutok sa 'kin. "If you die, I will also kill your love ones using this gun. Keep that in mind," she spoke coldly then lowered her gun.

Seryoso n'yang sinalubong ang mga mata ko. "I am dead serious, Rose. Now, fix yourself and we're going to make the move now."

Napailing ako at napangiti habang inaayos ang mga gamit ko.

Mas delikado pa 'yong pasensya niya kaysa sa mga bomba ko. Tsk!




MATTHEW'S information was right. Farro Roque, the man that I hated the most in my life was living underground. Alam kong inaabangan nila ang pagdating ko kaya kailangan kong magdobleng ingat sa 'king pagkilos.

"I am going in," bulong na pag-imporma ko sa mga kaibigan ko sa suot kong earpiece.

"We're at your back," Shiela said.

"Be safe." Nahihimigan ko ang pag-aalala sa tono ni Sophia.

Maingat akong kumilos para hindi matunugan ng kalaban. "Magka-vibes kami ni Pareng Kamatayan kaya 'wag kang mag-alala," pagsusumubok kong magbiro.

"Didn't know that we're close," Aycxe murmured.

Umismid ako at umirap sa logic n'ya.

Tuluyan na akong nakapasok sa kabahayan ni Farro makailang saglit, nagtago ako sa isang pader at pinagmasdan ang mga nakakalat na tauhan. Iniangat ko ang aking paningin sa itaas para suriin din ang ilan sa mga security cameras na nandoon.

"Noella, kindly turn off the TV," I whispered.

"TV amphotta," aniya kasabay nang maingay at mabilis niyang pagtipa sa isang bagay na nasisigurado kong laptop niya.

"Done," she informed after a couple of seconds.

Napangiti ako at inayos ang hawak kong baril. "Can you locate where he is right now?" pagtukoy ko kay Jairon.

"Pinapasok ko pa ang system nila. Give me a minute. Mag-ingat ka rin sa kilos mo, any moment from now alam kong mapapansin na nila ang pagloloko ng mga surveilance nila," aniya.

Tumango ako kahit pa hindi n'ya nakikita 'yon. "I will make my move..." Sinalat ko ang nakahiwalay na kalaban gamit ang baril kong may nakakabit na silencer.

"Now." I pulled the trigger then the man I was pointing earlier fall down on the floor as  blood rushed from his forehead.

Nagtago muli ako sa pader at pinunterya naman ang nakahiwalay pang dalawa sa kaliwa. Hindi ako gano'n kabihasa pagdating sa baril ngunit nagagamit ko naman ito nang maayos.

Itinutok ko ang baril sa isang tauhan at sinipat ang parte na gusto kong patamaan. Nang makalkula ko ay agad ko itong ipinutok at mabilis na ikinasa muli para paputukan ang katabi niya. Pagkatapos n'yon ay dali-dali akong lumipat ng puwesto para suriin naman ang iba pang natitira na kalaban.

Isa nalang ang natitirang nagbabantay sa parte kung saan ako naroon. Mukhang napansin niya ang hindi pagbalik ng ilan niyang kasamahan kaya naging alerto s'ya sa paligid.

Napaismid nalang ako nang maingat s'yang kumilos patungo sa lugar kung nasaan ang una kong pinatay. I aimed my gun at him and smirked when I saw his eyes widened in shocked as he saw the dead man lying on the floor. Bago pa s'ya makatingin muli sa paligid ay kinulbit ko na ang baril ko.

ATRÓMITOS ORGÁNOSI #2 : BOMBER (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon