Hindi naman ako nanlaban o tumutol pa. Ramdam na ramdam ko ang pagod sa 'king sistema. Doon ko lang napagtanto ang mali kong pagkilos. Ang mga taong masasaktan ko sakaling natuloy ang plano kong pagpapakamatay.

I weakly encircled my arms around his neck and buried my face on his chest. "Let's go home, Dela Merced," I whispered as my vission started to blur.

"Yeah, we'll go home. Rest now. I am just here," namamaos niyang pang-aalo.

Tipid akong napangiti at hinayaan ang sarili kong kainin ng kadiliman.

And I thank you for being there always...








NAGISING ako sa marahang paghaplos sa 'king mukha. Mabagal kong idinilat ang mga mata ko at nakita ang maamong mukha ni Jairon.

"Sorry. Did I wake you up?"

Hindi naman ako sumagot at hinayaan lang ang sarili ko na pagmasdan s'ya. "Why do you love me?" I asked.

He stared at me for a second then let out a deep sigh.  Inayos niya ang pagkakatukod ng kanyang siko sa aking tabi.

"Hindi ko rin alam kung ano ang isasagot ko r'yan. Nakakatawang isipin na tulad ng mga pelikulang napapanuod ko ay nagising na lang ako na mahal na kita," sinserong tugon niya.

Muli niyang hinaplos ang mukha ko at tipid na ngumiti. "Isa pa ay hindi ba't pinahulog mo ako sa bitag mo?" panunuya niya.

I rolled my eyes and lightly pushed him a little. "It's called charm, Jairon," pagtatama ko.

Ngumuso s'ya saka yumakap sa 'kin. "You're not calling me bae anymore," he said.

Hindi ko maiwasang ngumiti sa sitwasyon namin ngayon. Tulad noon ay tila walang problema na dumaan sa 'ming dalawa kapag magkasama kami.

Ganito pala ang nagagawa ng pag-ibig. Ganito pala ang pakiramdam kapag nasa tabi ka ng mahal mo, para bang lahat nang darating na pagsubok ay mapapagtagumpayan mo basta kasama mo s'ya.

Ito ang bagay na napagtanto ko ng lubos bago pa man ako mawalan ng malay. Kailangan kong pahalagahan ang mga taong nasa paligid ko. Ubusin ko man ang panahon ko sa kaproprotekta sa kanila kung hindi ko rin sila paglalaanan ng atensyon ay wala rin.

Hindi ko hawak ang buhay nila lalo na at traydor ang kalaban namin. Ayaw ko na tulad ng ama at anak ko ay wala man lang akong nagawa para iparamdam sa kanila ang pagmamahal ko. Iyon siguro ang bagay na pinagsisisihan ko ng husto maliban sa kakulangan kong mailigtas sila.

"I love you, bae..."

Naramdaman ko ang pagtaas ng balikat niya sa gulat. Hindi s'ya agad nakakilos, nang tuluyan s'yang nakalma ay humiwalay siya sa 'kin at sinalubong ang mga mata ko.

"W-What did you say?" ilang beses s'yang kumurap sa maikling tanong na 'yon.

I gave him a small smile then moved closer to gave him a peck on his lips. "Sabi ko mahal kita. Sa anong lenggwahe mo ba gustong sabihin ko sa 'yo ito para maintindihan mo?"

Nagulat ako nang mabilis niya akong hilahin para yakapin. "Fvck! I am not dreaming, right?"

For the first time again after all the struggles that I'd been through, I chuckled.

ATRÓMITOS ORGÁNOSI #2 : BOMBER (COMPLETED)Where stories live. Discover now