Chapter 1

2.9K 69 12
                                    

Manila, Philippines

Four years, apat na taon na ang nakakaraan simula ng umalis si Hannah at Lia kasama ang mga bata. Naaalala ko pa noong makita ko si Hannah noong araw din na iyon na nakatingin sa labas ng bintana, hindi ko sigurado noon kung umiiyak ba siya ng mga sandaling iyon. Pero ngayon parang sirang plakang paulit ulit kong naririnig ang mahihinang hikbi niya.

I miss her, I miss her damn much that I could have gone crazy if my cousin is not beside me. Pareho lang naglayas ang mga asawa namin kasama ang mga bata, hindi ko mapigilang mag-isip kung ano na ba ang kalagayan ng asawa at anak ko ngayon.

"Alec?" Someone called my name with the constant knocking on my office door.

"Come in."

Drake barge into my office looking like a beggar, his clothes full of dirt and holes. Ano ba ang nangyayari sa pinsan kong ito. Lately, Drake goes to the company looking like shit, hindi na nga siya nakapag-ayos ng maayos kaya halos hindi na siya makilala ng mga empleyado namin.

"Ano na naman ang ginawa mo?" Inis kong singhal dito.

"Hindi ko alam, Alec ano na ang gagawin ko? Miss na miss ko na sila." Halos bulong na sabi niya at tila wala sa isip.

I sigh trying to recall what happened for us to be in this kind of situation, trying to live our lives without the womens who loved us wholeheartedly. Ano nga ba talaga ang rason para iwan nila kami ng hindi nagpapaalam?

"Tumigil ka nga! Pinapahanap ko na nga sila hindi ba! Can you just please wait until they got something to report!?"

"Bakit? Sigurado ka ba na mahahanap sila ng private investigator na kinuha mo? Apat na taon na ang nakakaraan Alec! Wala parin tayong balita sa kanila."

Gusto ko sana siyang batukan at singhalan. Hindi lang naman siya ang ganyan ang nararamdaman ngayon, mas mabuti pa nga siya nakita at nayakap niya pa ang mga anak niya. Eh ako? Hindi ko nga alam kung ano ang kasarian ng anak ko! Hindi ko nga alam kung ligtas na naipanganak ang anak ko. Hindi ko nga alam kung nahirapan ba ang asawa ko sa panganganak.

"Alec naman! Hindi ko na kayang maghintay nalang dito ng walang ginagawa. Paano kung may makakita si Lia o Hannah ng ibang lalaki kung nasaan sila ngayon? Ano ang gagawin natin? Ano hahayaan mo nalang sila na agawin ang asawa mo, ganun nalang ba yun?"

May punto si Drake, pero ano naman ang magagawa namin? Hindi nga namin ma-trace kung nasaan sila four years ago, nitong mga nakaraang araw lang nagkaroon ng balita ang imbitasyon na ginagawa ng PI ko at hindi pa tukoy ang eksaktong lokasyon nila sa bansang iyon.

"Saan naman natin sila hahagilapin? Malaking bansa ang England, Pilipinas nga mahirap nang maghanap. Paano pa kaya pagdating sa ibang bansa?" Walang gana kong sabi na ikinaangil naman niya.

"Stop being childish, Alec. Sa nakikita ko sa'yo ngayon, parang masaya ka nga na hindi na nagpaparamdam at nagpapakita si Hannah sa'yo. Hindi ko lang kayang paniwalaan na ganito kang klase ng tao." Tumayo na si Drake at humakbang papalapit sa pinto ng aking opisina, habang naiwan naman akong tulala at hindi makapag-isip ng tama.

Am I acting like what I've been doing before? I nearly forgot that I'm the one who pushed her away for years, natural lang siguro na ayaw niya akong makita pero hindi ko maintidihan ang sarili ko, hindi ko na alam ang nangyayari sa'kin. Sa dinami-dami ng mga kasalanan at kagaguhang ginawa ko sa kanya, hindi ko na alam kung paano siya haharapin. Hindi alam ni Drake kung ano ang nararamdaman ko ngayon. Gusto ko siyang hanapin pero hindi ko alam kung paano ako magpapakita sa kanya.

Kamusta na kaya ang buhay niya ngayon? Masaya kaya siya kahit wala ako? Naaalalagaan ba niya ng mabuti ang sarili niya?... Ano ba ito iniisip ko, malamang masaya na yun ngayon. I know Hannah wouldn't hate me even if I try to kill her, which only adds up to the guilt that I'm feeling.

Ilang oras na akong nakatulala sa labas ng bintana ng opisina ko, ang hirap palang mawalay sa mga taong mahal mo. Sadly I ruined the perfect family that my wife is trying to portray. I can't promise to be a perfect father and husband, but I'll do my best to be deserving of their love, if I can see then again. I hope.

"Kuya? Your private investigator is here. I would also like to inform you that we're going to London. Birthday ng kaibigan ni mama." Karisha said briefly.

"Kayo lang? Kailan ba ang alis ninyo sasama kami ni Drake."

She rolled her eyes and crossed her arms. "Seriously speaking! Mommy and daddy doesn't want to see you until you found ate Hannah. Hindi ba ikaw naman talaga ang may nagawang kasalanan para layasan ka niya, she's pregnant that time and you even think about cheating on her." Napailing-iling pa ito at sarkastikong napatawa. "You and kuya Drake are really alike. You both are a sex starve monster."

Pagkatapos niya iyong sabihin ay walang lingon likod itong umalis. Nasasaktan man ako sa ikinikilos ng kapatid ko pero alam kong may karapatan siyang magalit sa'kin. Kahit naman ako ay kinamumuhian ang sarili ko.

Tumikhim ang private investigator sa gilid ng mesa ko dahilan upang balingan ko ito ng tingin. May hawak siyang tatlong folder na sigurado akong naglalaman ng impormasyon tungkol sa mga asawa namin ng pinsan ko.

Bringing Her Back (on-hold)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang