"Mabuti kung gano'n. Tumayo ka na r'yan at nagmumukha akong Diyos dito na niluluhuran n'yong apat," iritadong sambit niya.

Sabay-sabay kong narinig ang pag-ungot ng mga kasama ko saka sila tumatayo. I looked at them as I am the last one who stood up.

"Give me some space for now." Malungkot akong ngumiti sa kanila.

"Naiintindihan ka namin," Shiela spoke then lightly tapped my shoulder.

"Nandito lang kami. Lagi mong tatandaan," pagdugtong ni Noella at tinapik din ang kabila kong balikat.

"Condolence," namumungay na matang wika ni Sophia.

"Babantayan ka namin at ang pamilya mo mula sa malayo," ani Aycxe at nagpakawala nang malalim na hininga. "I know you're in pain. Kung may nakakaintindi man ng sitwasyon mo, kami 'yon. Be strong, Rose."

I forced a smile and nodded. "Thanks," I said simply.

But I don't know anymore where to get the strength. I am losing everyone in my life one by one.



PINA-CREMATE rin namin agad si Daddy. Halos hindi ako makausap sa loob ng mga araw na pinaglalamayan namin s'ya. Para akong sanggol na kailangan ng paggabay para kumilos. Tulad nang hiniling ko sa mga kasamahan ko ay hindi nila ako ginulo kahit pa nararamdaman ko ang presensya nila sa paligid, maski si Jairon ay paminsan-minsang dumadalaw sa 'kin ngunit kailanman ay hindi ko binigyan ng atensyon.

My mind is in turmoil. Gulung-gulo ang sistema ko sa nangyayari sa buhay ko, sa pamilya namin. Punung-puno ng galit ang puso ko ngunit mas nangingibabaw ang sakit at pagdadalamhati.

"Sana pala ay hindi nalang tayo nagka-ayos," bulong ko sabay tungga nang iniinom kong alak dito sa bar area ng bahay namin.

It's been a week since my father died. Ilang araw na rin buhat nang kaugalian kong uminom nang uminom hanggang sa katulugan ko 'to. Pakiramdam ko ay hindi ako makakatulog nang kusa, palagi ko lang sisisihin ang sarili ko, iisipin ang mga bagay na hindi ko alam kung nasaan ang solusyon.

"Required ba na maging mabait bago mamaalam? Sana pala ay inaway nalang kita nang inaway." Pagak akong tumawa kasabay nang pagluha ko.

Nilunod kong muli ang sarili ko sa alak habang paulit-ulit na kinakausap ang aking ama sa kawalan. Puros paghingi ng tawad ang ginawa ko at paghiling na sana ay bumalik siyang muli sa 'min kahit napaka-imposible niyon.

Nasa ika-anim na bote na ako nang iniinom kong alak nang narinig ko ang pagtunog ng telepono ko. Sinilip ko ito sa 'king tabi at hilaw na napangiti nang nakita ang pangalan ni Jairon doon.

Tinitigan ko lang 'yon hanggang sa matapos ang tawag n'ya. Tulad ng normal na ginagawa niya ay isang voicemail naman ang sumunod doon.

I slowly pressed the button to hear it.

"Bae..." Namamaos na panimula niya sa boses na mensahe. "I love you," sinserong pagtatapos niya.

Gano'n palagi ang mensahe niya gabi-gabi. Walang palya buhat nang tanggihan ko s'ya noon sa ospital.

Muli akong ngumiti nang malungkot at sumandal sa bar stool na inuupuan ko. Nilaro ko ang bote ng alak sa 'king kamay saka muling tumingin sa telepono ko na para bang nakikita ko ang kanyang mukha roon.

"I love you too, Jairon," mahinang anas ko at pumikit. "But I need to stay away from you. Ayaw ko na dumating ang araw na pati ikaw mapahamak dahil sa 'kin. Ayaw ko na isang tao na naman ang mawala na hindi ko nagagawang protektahan."

Asta akong iinom muli nang nakaramdam ako nang matinding pagkirot mula sa 'king tiyan. Nangangatal kong inilapag ang hawak kong bote saka hinawakan ang sinapupunan ko.

"Fvck!" I cursed out as the pain doubled.

Narinig ko ang mabilis na kaluskos sa paligid. Sa galaw pa lang ng presensya nila ay kilala ko na 'yon.

"Ahhh!" naiiyak kong daing nang tila pinipilipit ang sikmura ko.

"What happened?" nag-aalalang usisa ni Noella at umalalay sa 'kin.

"M-My stomach hurts. Ang... ang sakit," lumuluha kong usal.

"Are you pregnant?" Aycxe asked that made me stilled as my face went pale.

"Fvck! Come on. Let's bring her to the hospital," agad niyang dugtong no'ng hindi ako nakasagot.

"Kaya mo ba lumakad?" tanong sa 'kin ni Shiela.

Marahan akong tumango, sa kabila nang nararamdam kong kirot ay naroon ang lakas ko para kumilos.

"Oh my ghosh," humihikbi kong usal habang nakahawak sa 'king tiyan.

Doon ko napagtanto na halos isang buwan na akong hindi dinadatnan. Nagsimula akong mangatal ng todo habang inaalalayan nila ako palabas ng bahay. Lalo pa akong nakaramdam ng panghihina nang naramdaman ko ang pagdaloy ng mainit na likido sa 'king hita.

"Everything will be okay, Rose," pagpapalubag-loob ni Noella bagamat hindi nakaligtas sa 'kin ang takot sa kanyang tono.

Oh Diyos ko. Huwag niyo namang kuhanin ang lahat sa 'kin, pakiusap. Nagmamakaawa ako. Parang awa niyo na, Panginoon.

"I'm sorry... I'm sorry. I didn't know," lumuluha kong pagkausap sa nilalang na nasa aking sinapupunan.

ATRÓMITOS ORGÁNOSI #2 : BOMBER (COMPLETED)Where stories live. Discover now