PROLOGUE

161K 2.8K 73
                                    

Chasing The Rude Boy

By: Ace Domingo

Tiningnan ni Biboy ang ginuhit kong lay-out ng first floor ng hotel na papasukin namin mamaya. Hinarap niya ako bago nagdududang tumingin sa akin. "Sigurado kang tama to?" mayabang niyang sabi. Napailing na lang ako at nginuya ang bubble gum na nasa bibig ko.

"Kailan ba nagkamali itong si Iris ha?" pagtatanggol ni Coco sa akin. Ngumisi lang ako at inagaw ang bond paper sa kanya.

"Memoryado ko yan. Mamayang alas syete darating na si Mayor kasama yung kabit niya. Abangan na lang ninyo sa kwarto nila. Nakadrawing na rin diyan lahat ng exit na pwede ninyong takbuhan kapag pinahabol kayo ni Mayor. Basta siguraduhin ninyong may picture ha?" tuloy tuloy kong sabi sa dalawa. Sabay lang silang tumango at nagbihis na para sa mamaya.

This is my work. Sa tulong ng photographic memory ko at sa kakayahan kong magdrawing, nakakaya kong memoryahin ang itsura ng isang lugar kahit sa unang kita ko pa lamang. Kinukuha kami ng mga matrona para sundan ang mga asawa nilang nangagaliwa. Kinukuhanan namin sila ng litrato at pinapakalat iyon sa media.

Minsan nagsusulat rin kami ng mga scandal at blind items. Sa trabaho naming ito, nagmumukha kaming mga stalker at criminal dahil sa mga body guards ng mga sinusundan namin. Kaya nga buti na lang at maganda ang memorya ko dahil alam ko ang mga pwedeng lusutan.

"Mauuna na ako sa hotel." Sabi ko at nagbihis na rin para sa aming misyon. Sinuot ko na ang earpiece ko at nauna ng lumabas.

Nang makarating na ako sa Alokozay, iyong hotel na pupuntahan ni Mayor, ay agad na akong pumwesto sa entrance. Kaswal akong naglakad habang linilinga kung narito na ba siya at ang kabit niya. Paliko na sana ako sa pasilyo noong nabangga ko ang isang chamber maid doon. Agad ko siyang inalalayan patayo at pinagpagan ang damit kong nadumihan sa nangyari.

"Salamat iha." Nakangiti niyang sabi. Tumango lamang ako at maglalakad na sana noong hinawakan niya ang braso ko.

"Mag-iingat ka."

Nanlaki ang mata ko at agad akong sinalakay ng kaba sa sinabi niya. Pinilit kong hilahin ang braso ko pero humigpit lamang ang hawak niya sa akin.

"Mahuhulog ka sa lalaking wasak." Dagdag niya pa. Napalunok na lamang ako at lumayo ng kaunti sa kanya. Ngumiti siya at inayos niya ang kwintas na suot ko.

"A-ano po?" anas ko. Pilit kong iniiwas sa kanya ang mukha ko pero tinitigan lamang niya ako.

"Pero hindi mo mapipigilan kahit umiwas ka. Tinali na kayo ng tadhana. Hindi ka na makakatakbo--"

Hinila ko ang braso ko at nakabitaw na siya. "Ate..wala po akong pera. Wag niyo na po akong hulaan." Nagpapanic ko ng sabi. Umalis ka na diyan Iris! Takbuhan mo na yang baliw na yan.

"Hindi ako baliw." Madiin niyang sabi. Lumapit ulit siya sa akin at tiningnan ako ng diretsyo sa mata.

"Mahuhulog ka sa lalaking wasak. Kapag sinubukan mong buohin siya, siguraduhin mong hindi ka masasaktan." Aniya pagkatapos ay tinalikuran na ako dala dala ang bedsheet na pampalit niya. Nanatili lamang akong nakasandal sa pader at kinakalma ang sarili--

"Iris?! Ano ba?!"

Napangiwi ako ng biglaang sumigaw si Biboy sa earpiece ko. Pinindot ko iyon at agad na sumagot.

"Bakit?"

"Tumatakbo na si Mayor! Itim na Sedan. Bilisan mo." Pagkatapos ay naputol na ang tawag niya. Hindi na ako nagdalawang isip. Agad na akong tumakbo papunta sa parking lot at hinanap ang Sedan na sinasabi ni Biboy. Noong makita ko iyon ay paalis na ito sa parking lot.

Tinanggal ko ang sapatos ko at tumakbo sa harapan ng sasakyan bago malakas na pinukpok ang takong sa salamin ng kotse nito. Narinig ko ang malakas na pag crack ng salamin bago ko naramdaman ang pagbunggo ng gilid nito sa may balakang ko. Natumba ako at napangiwi sa sakit.

"Fucking damn!" narinig kong pagmumura ng driver. Pinilit kong tumayo noong narinig ko ang boses ng lalaking galit na galit ngayon. Bumukas ang pintuan ng sasakyan at tanging sapatos lamang ang nakikita ko mula sa pagkakahiga ko sa semento.

"Nag-iisip ka ba? Walang utak!" bwisit niyang sabi. Napapiyok ang boses ko sa sobrang bagsik ng lalaki sa itaas ko. Hindi ko siya masydaong makita dahil sa dilim ng parte ng parking lot pero wala na akong pakialam. Tiningnan ko siya at pinanlisikan ng mata ko.

"Hello? Nabangga mo kaya ako. Baka ikaw yung walang utak sa ating dalawa." Sagot ko. Sinubukan kong tumayo pero bumagsak lang ulit ako.

"Kung hindi ka ba naman bobo. Bakit biglaan ka na lang tumalon sa harapan ng kotse ko." tanong niya habang nakatayo lamang sa harapan ko, walang balak na alalayan ako. Umupo ako at sinilip ang loob ng kotse niya para hanapin si Mayor sa loob. Nanliit ang mata ko ng mapansin na walang tao roon.

"Nasaan si Mayor?" tanong ko. Hindi ko nakita ang ekspresyon niya dahil sa dilim pero narinig ko ang pagmumura niya.

"Tanga mong babae ka." Inis niyang sabi at yumuko para magkapantay kaming dalawa. Sumabay ang ilaw ng buwan sa langit kaya nasinagan ang mukha niya. Napahinto ako ng makita ko ang itsura niya. Perpektong chinitong mata. Alon alon at magulong buhok. Maninipis na labi.

Napalunok ako ng hindi sa oras. Lalo na noong dumanti ang kamay niya sa ilalim ng mga hita ko at binuhat ako papasok ng kotse niya.

"Y-you're..i-ikaw.." hindi ako makapagsalita ng diretsyo sa sobrang kaba na nararamdaman ko. Pumasok na siya sa kotse at pinaandar iyon.

"H-hindi ikaw si Mayor?" tanong ko kahit obvious naman ang sagot. Nilingon niya ako at napabuntong hininga na lang.

"Uso gamitin ang utak Miss. Mukha ba akong si Mayor?" balik tanong niya. Napatango na lamang ako at hindi na nagsalita.

"Dadalhin kita sa ospital para diyan sa hita mo. Pagkatapos ay ihahatid na kita sa pulis." Madiin niyang sabi bago pinaandar ang kanyang sasakyan. Agad akong napasigaw.

"B-bakit?!"

Nilingon niya ako at ngumisi na lamang. "Two hundred seventy five thousand. Bayaran mo ang kotse ko." bwisit niyang sabi. Biglaan akong nawalan ng hangin sa narinig kong halaga.

Ngumiti lamang siya at nag-enjoy na sa gulat kong ekspresyon. Biglaang kumulo ang dugo ko sa kanya! Anong karapatan niya! Hindi porket AEGIS siya ay gaganyanin na niya ako! Ang kapal ng mukha!

Fucking Shaw! Damn you Iñigo Shaw!

----------------------------

*pen<310

Chasing The Rude Boy (AWESOMELY COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon