20. Change Plans Protective Rain

Start from the beginning
                                    

SYNDI'S POV

Sino naman kaya itong si Teddy Bear? At bakit sa theater niya pa napiling makipagkita? Naku naman! Hindi sana kita pupuntahan peru dahil makulit ka pa-prangkahin na kita. Ang kulit kasi eh! Hindi ako tinitigilan sa mga letter at rose ng lalaking ito.

Mas maganda na habang maaga tatapusin ko na ito.

Anong oras na ba?

5 na pala, Ano ba yan. Malalagot na naman ako kay mama nito.

Dinalian ko nalang ang paglalakad.

Pag-dating ko sa theater, maliwanag lang peru walang tao. Nagpalinga-linga ako. Saan naman kaya yun. Napatingin ulit ako sa orasan ko. I don't have much time. Kailangan ko na talagang umuwi. 

"Saan na ba yun?"

Naglakad pa ako sa gitna. Wala talaga.

"Hello!! May tao ba diyan?"

"Hi Syndi"

Napalingon ako sa may stage. Sa gulat ko ba naman...si GIAN pala. Oh my gash! Don't tell me iisa lang sila ni Teddy Bear na nanliligaw saken sa mga sulat. Dapat ba akong kiligin o matuwa. Kasi naging crush ko naman siya. Peru bakit parang shock lang ako. Hindi ako makapagsalita.

Bumaba siya ng stage.

"Gian? Ikaw si Teddy Bear, peru bakit?"

"Isn't it obvious? I like you."

"Gusto mo ako? Peru bakit di mo naman agad sinabi saken. Pwede naman nating pag-usapan."

Lumapit siya saken, sobrang lapit na nakakailang na. Hinawakan niya ako sa magkabilang balikat. Napatingin ako sa kanya. Bigla nalang nagbago ang expresyon niya sa mukha. Bigla akong kinabahan.

"Pag-usapan?!" diniinan niya pa ang hawak "Kakausapin mo ako? Sinong niloko mo,ha?"

"Ano ba nasasaktan ako Gian.." ang sakit talaga "Bitiwan mo nga ako, at ano ba yang pinag-sasabi mo hindi kita maintindihan."

"Lagi nalang ang RAIN na yan ang KASAMA MO!! PURO NALANG RAIN!"

"ANO BA GIAN NASASAKTAN AKOO! BITIWAN MO NGA AKOO!!"

"ANG GAGONG yun!" bigla siyang ngumisi, kinakabahan na talaga ako "Tignan nalang natin kung sinong mas ma-utak sa aming dalawa."

Inaalis ko yung kamay niya "Gian, hindi kita maintindihan bakit kasama si Rain? Ano bang ginawa sayo ni Rain?" ASAR ha!

"Alam mo kung bakit?" inilapit niya yung mukha saken "Dahil ginawang impyerno ng lalaking yun ang buhay ko! And I want to return the favor. Sisirain ko din ang buhay niya."

Montague Brothers - COMPLETED 2013Where stories live. Discover now