20. Change Plans Protective Rain

Magsimula sa umpisa
                                    

"Makinig ka nga kasi!" ibinato niya bigla saken yung unan, nasapo ako kaya niyakap ko nalang yung unan para may silbi naman "We're friends now and I respect our friendship, kaya hindi ko nalang siya sasaktan ng kagaya noong naunang plano."

"Ano ba yan! Akala ko pa naman ititigil na natin ang truce. Gagawin mo lang palang mild ang dosage ng sakit na ibibigay mo kay Syndi. Wala ka paring puso Rain. What's with me courting Myka if you make Syndi your girl. Parang ang swerte ng Myka na yun pagnakaganoon. Magiging boyfriend niya ako habang ang bestfriend naman niya ang nasasaktan. I don't get the logic."

"Ang dami mo namang reklamo. Noon pag-ginagawa natin ito wala ka namang reklamo. Aish, kaya nga hindi ko nalang siya sasaktan. Ganito kasi ang plano ko, instead of making Syndi my official girlfriend ay hihintayin ko nalang na pumayag siyang manligaw ako sa kanya. Kapag pumayag na siya withiin this month, panalo na ako."

"E adik ka pala eh!" ibinato ko pabalik sa kanya ang unan "Pagkatapos ano? Sasabihin mo sa kanya hindi ka na pala manliligaw kasi mas importante sayo ang friendship nyo? Ang OA mo, ha. Anong tingin mo sa ginagawa natin teleserye sa primetime? Sa tingin mo matutuwa si Syndi?"

"E kung hindi siya pumayag edi okay. Hindi ko naman siya pipilitin. Magalit man siya o maunawaan man niya. Bahala na... pag-iisipan ko nalang ang susunod kong gagawin kapag dumating na tayo doon. Basta yun ang change of plans ko."

Sa lahat ng truce na ginawa namin ni Rain ito ang umabot ng ilang buwan. Kaya nagtataka talaga ako kung bakit gustong-gusto niyang e-pursue ang truce na ito. Hahayaan niyang may masaktang iba para lang sa isa. Ano bang connection ni Rain kay Myka? O gusto lang talaga akong pag-tripan ng gagong kambal kong ito? Which is which, soon I'll found out.

Inikot ko nalang ulit paharap sa laptop ko ang swivel chair "Bahala ka sa buhay mo! Hindi kita ma gets, na ste-stress ang mga neurons ko sa utak."

"Kapag nanalo ako kailangan mong tuparin ang napagkasunduan natin Ryan."

I sighed "E may magagawa ba ako? Truce is Truce." narinig ko nalang na isinirado ni Rain ang pintu.

I search Myka's facebook.

Nakangiti siya sa profile picture niya at ang nakasulat sa cover niya ay "You're cute when you're wearing Red". Ako yata ang nag-sabi sa kanya nun. Hindi din halatang gustong-gusto niya ako ah. I scrolled down, puro mga love quotes na binabara ni Syndi. Napunta ako sa mga albums niya.

"Isa ka din palang dakilang vain, hmm..."

Marami silang pictures ni Syndi na magkasama, mostly solo lang niya. Teka, ano ito? 

"Old Pictures? Voice of the Youth...Holy Cow! Now I know kung saan ko siya nakita."

And I smell something weird...

Hindi naman siguro nagkataon lang yun, ano?

Kailangan kong malaman yun.

Montague Brothers - COMPLETED 2013Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon