“O-oo. Nanay mo ang nagbigay sa ‘kin nito. My secret!” pasinungaling ngunit pautal kong sabi habang ginagawang baton twirling ang scroll na hawak ko. Tinitigan muli ako ni Papa Jace hanggang sa dumako na ang tingin niya sa mismong Scroll. Kung makatitig lang sa papel e akala mo’y ulam na hindi niya natikman ng isang taon.

“Akin na ‘yan....” lumapit siya sa ‘kin at kinuha ang papel. Hindi ako nakapalag at hindi na ako sumalungat nang kunin niya ito. “’Dun tayo sa loob at mag-usap tayo. ‘Pag nakita tayo ng Kuya mo dito sa labas baka maghamon pa ng away,” seryoso niyang sabi.

“Sure!” sagot ko while waving my hair. Medyo nawala ‘yung guiltiness ko nang ayain niya akong pumasok sa kanyang beautiful house.

Nang makapasok kami ng bahay ay agad niyang binuksan ang Scroll. Carefully niyang binuksan ang takip na transparent nito at maiging inilabas ang may kalumaang papel dito. Binuklat niya ang mahiwagang papel na akala mo’y nagmamadali dahil sa pananabik.

“Anyare?” wika ko habang seryosong pinagmamasdan ni Papa Jace ang Scroll Map. Medyo inangkin ng lolo mo ang buong espasyo ng pagkakatingin sa Mapa. Hindi man lang ako binigyan ng space upang makita ito dahil sa lapad ng kanyang very muscular body, o sadyang ayaw niya lang ipakita sa ‘kin ang nilalaman nun?

“CONGRATULATIONS! ITO ANG UMPISA NG MATINDING PAGSUBOK NA PAGDARAANAN NIYO. MAHAL KONG MGA ANAK, ‘WAG KAYONG SUSUKO DAHIL  HINDI BIRO ANG GAGAWIN NIYO PARA MAKITA ANG NATATAGONG KAYAMANAN NG NINUNO NATIN....”

Mabagal ang pagkakabasa ni Papa Jace ng nakasulat sa Scroll. Para siyang may pag-aalinlangan na basahin ito.

“Sinasabi ko na nga ba! Meron nanamang mga challenges, parang Amazing Race slash Fear Factor lang ang peg?” sabat ko.

“STAGE 1: PUPUNTA KAYO NG NEW YORK.....”

Napa OMG ako sa sinabi ng lolo mo. Stage 1: New York? Is it real, is it real? Or Am I only dreaming? Kinilig ako ng bongga sa nalamang detalye. This is it! Sasama ako sa New York no matter what happens.

“Seriously? Oh my god? We’re going to New York? OMG!” napayakap ako kay Papa Jace sa sobrang pagkasabik. Nauga-uga ko tuloy ang lolo mo, mabuti na lang kahit OA ang reaksyon ko e hindi niya ako siniko dahil sa pagkairita sa lola mo.

“Anong tinitili tili mo diyan?” pakunot nuo niyang sabi.

“We’re going to New York diba?” eksaherada kong sabi.

“Hindi ka kasama! Atsaka hindi pa tapos. STAGE 1: PUPUNTA KAYO NG NEW YORK.... STREET CUBAO para sa Unang Clue. Ito ang address ng bahay........”

False alarm? Akala ko ayun na! Sayang naman at mukhang chipipay ata ang lugar ng unang pupuntahan namin. Sana nag aim higher si Aling Corazon, sana man lang trip around the globe para ma-enjoy naman namin ang pinapagawa niyang kaekekan. Bigla tuloy nagdrop ang excitement ko.

How to Seduce a Hunk Again [Book 2] COMPLETEDWhere stories live. Discover now