Mayamaya pa ay naramdaman ko ang paghawak ng maraming kamay sa balikat ko. Sinilip ko 'yon at nakita ang mga kasama kong malamlam na nakatingin sa 'kin.

At some point, I saw and felt their silent supports from their eyes. Nabaling naman kay Jairon ang paningin ko na nakadistansya sa 'min. Tulad ng mga kasama ko ay naroon ang suporta sa kaniyang mga mata. Tipid niya akong tinanguan bilang pagtutulak na magpatuloy.

I breathe and composed myself. Ilang beses ko 'yong ginawa hanggang sa maging handa ako. Mabagal akong humakbang hanggang sa tuluyan na akong nakapasok ng silid.

Gusto kong manlambot at tumigil ngunit kailangan kong makita ang ama ko. Nakaupo sa tabi ng higaan si Mommy, tahimik s'yang lumuluha sa harapan na isang nakabalot na bulto ng katawan.

She glanced at me, without any words my tears fall with hers at the same time. Ilang hakbang pa ang ginawa ko at tuluyan na nga akong nasa tabi nang nakakumot na katawan.

With my trembling hand, I slowly took off the blanket.

Napapikit ako nang mariin nang nakita ang 'itsura ng ama ko. Nanghihina akong napahawak sa hospital bed at malakas na napahagulhol.

Halos hindi makilala si Daddy. Sunog at lapnos ang kanyang mga balat, ilang bahagi rin nawasak. Base palang sa itsura ng ama ko ay alam ko ang hirap na pinagdaanan niya mula sa pagsabog.

Mabilis na umalalay sa 'kin si Gerald at Mommy.

"Fvcking tell me. Who the hell did this?" pumipiyok kong tanong at tumingin sa mga kasamahan ko.

Malaman na tumingin sa 'kin si Aycxe.

"AHHH! P*TNGNA! LAHAT NA LANG!" malakas na sigaw ko kasabay nang pagsabunot ko sa 'king sarili.

Napasalampak ako sa sahig at umiyak nang umiyak. "W-wala na naman akong nagawa," garalgal kong wika sa gitna ng aking pag-iyak at sinuntok nang sinuntok ang sahig ng hospital, hindi alintana kung magdugo man ang kamay ko.

Agad na yumakap sa 'kin si Mommy at Gerald, pilit nila akong pinakakalma ngunit imposibleng magawa ko 'yon ngayon.

Nanghihina kong isinandal ang sarili ko sa 'king ina. "Sa ikalawang pagkakataon, wala na naman akong nagawa para sa pamilya ko," pumipiyok kong wika, puno nang paninisi sa sarili.

"Marami ka nang nagawa para sa 'min, ate. Please, don't blame yourself," bulong ng kapatid ko.

Umiling ako at muling inalala ang kapabayaan ko nitong mga nagdaang araw. "Kasalanan ko... kasalanan ko ang lahat ng ito. Naging pabaya ako, masyado kong inasikaso ang kaligayahan ko kaysa sa kaligtasan niyo."

"Ssshh. Tao ka lang, anak. Hindi mo kami kayang protektahan lagi. 'Wag mong sisihin ang sarili mo," ani Mommy habang hinahaplos ang buhok ko.

Paano ko hindi sisisihin ang sarili ko? Nakagalaw sila dahil sa kapabayaan ko.

Awtomatikong nagtama ang mata namin ni Jairon. Nakita ko ang takot at paninimbang sa kanyang titig, wala pa man ay alam kong alam niya ang iniisip ko.

Magpahinga muna tayo...

Ilang minuto akong nanatili sa gano'ng sitwasyon saka ako tuluyang tumayo.

"Asikasuhin mo ang lahat dito sa hospital. Makikipag-usap lang ako sa mga kaibigan ko," walang emosyon kong utos sa aking kapatid.

Tipid siyang tumango sa akin. I looked at my dad again and smiled sadly.

Kukuhanin ko ang hustisya para sa inyo, Daddy. Isinusumpa ko.

Muli kong ibinalik ang taklob sa kanyang katawan saka bumaling sa mga kasama ko. I gave them a meaningful look. Nakita ko ang pagbuntonghininga ni Aycxe at nanguna sa paglabas. Mabilis na sumunod ang mga kasama ko samantalang nagkatitigan kami ni Jairon.

"Come with me," malamig na usal ko at inunahan siya sa paglabas.

I saw my friends three meters away from the room. Alam kong ibinibigay nila sa akin ang panahon na ito para kausapin si Jairon.

"Bae," namamaos na tawag ni Jairon at hinaplos ang braso ko.

Umiwas ako ng tingin at maingat na lumayo sa kanya. Ramdam ko ang pagkatigil niya nang gawain ko 'yon.

"I don't..." I trailed off and looked at him.

Umigting ang kanyang panga habang nakatitig sa 'kin. I cleared the lump in my throat and averted my eyes again.

"Want to be your girlfriend," I whispered with my trembling voice.

Hindi siya umimik o sumagot kaya tiningnan ko s'ya ulit.

"Then I'll continue courting you until you accept my offer to be my girlfriend."

I can also feel that he's trying to be strong.

Nakagat ko ang dila ko sa loob ng aking bibig. "I... don't want to be with you anymore." I stared at him. "Stop courting me, Jairon. I am already rejecting you."

ATRÓMITOS ORGÁNOSI #2 : BOMBER (COMPLETED)Where stories live. Discover now