Prologue

15.8K 285 25
                                    

PROLOGUE

Hindi ko na kaya, pinapahirapan na nila ako, hindi ko na kaya...

Francis, mahal na mahal kita...

Tumulo ang aking luha kasabay ng pagbuhos ng malakas na ulan sa labas. Wala na akong pag-asang makalabas ng buhay dito...

"P-Pakawalan n-ninyo n-na a-ako..."

Napatawa lamang siya sa akin at tinignan ako ng diretso at tinaasan ng kilay.

"I havent kill you yet, at wala naman akong planong pakawalan ka, hindi ka makakalabas ng buhay dito, Phoebe."

Napahagulgol lamang ako, Francis tulungan mo ako. Ilayo mo ako sa demonyong kaharap ko ngayon.

"Sa loob na isang oras. Sasabog ang bomba na nakatali sa katawan mo. Then--BOOM! Youre gone."

Nakaramdam ako ng takot, ayoko pang mamatay. Ayoko pa.

"NAPAKA DEMONYO MO! PINAGKATIWALAAN KITA!"

Nakipagtitigan lamang ako sa kanya. Napakawalanghiya niya, demonyo siya. Wala siyang karapatang saktan ako!

"Boss! Nilooban na tayo ng mga pulis!"

O_O

Shit!

"Ano pang hinihintay ninyo! Magsikilos kayo! Bilis!"

Nilabas niya ang baril niya at tinanggal ako sa pagkakatali pero na sa akin parin ang bomba.

"P-Pakawalan mo na ako..." tinignan ko siya, nagmamakaawa.

"Hinding-hindi kita papakawalan, mamamatay ka muna."

Lumabas kami sa hide-out at pumunta sa kagubatan, napakadilim...

Napatingin ako sa isang lalaking tumatakbo at may hawak ng baril.

Francis...

"Ohmygosh, Phoebe hindi mo sinasabi sa akin na dadating ang prince charming mo. But its okay, sabay-sabay tayong mamamatay dito! HAHAHAHA!"

Tinapatan niya ako ng baril sa ulo, napaka demonyo niya talaga, pati si Francis idadamay niya sa kawalangniyaan niya!

"Pakawalan mo na si Phoebe, ako na lang ang patayin mo!" Sigaw ni Francis at napatitig ako sa kanya.

"Francis! No! Ako ang planong patayin dito, p-please Francis, t-tumakas ka na..." I look at him then I saw his eyes, damn I love him so much.

"Mahal na mahal kita, at kung mamatay ka man, dahil sa pagtanda yon, tatanda tayong dalawa diba? Hinding-hindi kita pababayaan." He said then napaluha ako sa sinabi niya.

"H-Huwag mong pag-aksayan ng oras ang isang babaeng katulad ko Francis, mahal na mahal kita pero ayokong nakikita kang nahihirapan dahil sa akin. Mas lalo ayokong makita kang nasasaktan. Hayaan mo na lang ako mamatay..."

"Hindi ko gagawin yon, mamamatay tayong dalawa dito. Hinding-hindi kita pababayaan..."

Napaluha lang ako, hindi ako ang karapat-dapat na babae sa kanya, madadamay lang siya dahil sa akin.

"STOP THE DRAMA! Lahat kayo mamamatay dito. Ilang minutes na lang at sasabog ang bomba na nakatali sa katawan ni Phoebe." Sabi niya at tumawa lang malakas.

"Huwag na huwag mong papasabugin ang bomba! Papatayin kitang hayop ka!" Pagkasabi ni Francis ay sinuntok niya ito, sa sobrang lakas ay nawalan ito ng malay.

Dali-dali niyang pinutol ang tali na sa katawan ko, hinagis niya ang tali kasama ang bomba sa malayo.

Inakap niya ako ng mahigpit, napangiti ako, I'm safe now.

O_O

"Ang sabi ko, walang makakalabas dito ng buhay."

Tinutukan niya ng baril si Francis, pumunta ako sa harapan niya. Ayokong masaktan si Francis.

Mahal na mahal ko siya...

"PHOEBE! HUWAG-----"

*BAAAAAAAAAAAAAAANGGGGGG*

-
Model In Disguise

All Rights Reserved 2015

Started at: Feb 28, 2015

Ended at: April 4, 2015

WARNING!!!!

PLEASE LANG, HUWAG MUNANG BASAHIN. UNDER EDITING PA 'TO. MAS PINAPAHABA KO KASI NAKOCORNYHAN AKO SA SARILI KONG STORYA. ✌

Model In DisguiseWhere stories live. Discover now