Chapter 9:2

Depuis le début
                                    

"HINDI KO YAN INIINOM.."

"SHUTT UP!! WAG KA NG MAGKAILA"

"SABIHIN MO NGA MUNA SA AKIN CHASE! ANO BANG TOTOO HUH! ANAK MO BA TALAGA ANG BATANG YUN?" I asked him.

"KAYA PALA HINDI KA MABUNTIS BUNTIS DAHIL INIINOM MO TO!!" pagdidiin niya.

""HINDI! MALI KA!" hinawakan ko ang magkabilang balikat niya.

"WALANG KWENTA LANG PALA ANG LAHAT NG GINAGAWA KO!!" mali ka Chase. Mali Ka. Tinanggal niya ang kamay ko at naglakad papunta sa closet. Nagbihis siya at lumapit sa pinto.

"Wag mo akong talikuran.." mahinahon kong sabi. Kumikirot talaga ang tiyan ko.

*TOK!TOK!TOK!* tunog mula sa labas.

"ANO BANG GINAGAWA NIYO JAN?!" kinakatok nila ng malakas ang pintuan. Tumingin ako sa mga mata ni Chase. Wala akong makitang emosyon. Galit siya. Galit na galit. Sobrang galit siya. Pero Chase please.. Makinig ka naman. Kahit ngayon lang.

"SAN KA PUPUNTA!?" mariin kong sabi sakanya. Naiiyak na ako. " Honey please.. Makinig ka muna sakin" dugtong ko.

"WALA NA AKONG GANANG MAKINIG PA SA KASINUNGALINGAN MO NATALIE.. NAGSISISI AKO KUNG BAKIT KITA PINAKASALAN.. NAGSISISI AKO.." masakit. Sobrang sakit. 'Nagsisisi' ba siya kamo ?? Ako nga dapat ang magalit sakanya e.

"Nagsisisi?" naiyak na ako.

"OO TAMA KA. NAGSISISI NGA AKO" muling sabi niya.

"Diba ? Ako dapat ang magalit sayo dahil sa picture na yun??" tinuro ko ang picture  sa PC kahit na umiiyak ako.

"CHASE! NATALIE! ANO BANG GINAGAWA NIYO JAN SA LOOB? NAGAAWAY BA KAYO" sigaw ni Lolo mula sa labs.

"WALA AKONG DAPAT IPALIWANAG SAYO..." pinihit niya ang doorknob.

"Saan ka pupunta?" muling tanong ko. Npaupo na ako sa sahig.

"KAY ANDREA! SA BABAENG HANDA AKONG BIGYAN NG MARAMING ANAK!" so totoo pala. Ngumiti ako. NG PILIT. So inaamin niya.

Hinayaan ko na siyang umalis. Nakita ko si Lolo, Mommy, Daddy at Ciarina sa labas ng pinto. Sinusundan ng tingin si Chase. Si Mommy halatang galit. Si Ciarina at Daddy naman awang awa sa akin. Nilapitan nila ako. Lumuhod saka niyakap ako ni Lolo.

"Anong nangyari Apo?" tanong ni Lolo.

"Lolo" niyakap ko siya habang umiiyak.

"Sinabi mo ba sakanya?" tanog niya.

"Wala po. Hindi ko masabi sakanya dahil galit na galit siya lolo" sabi ko habang umiiyak pa rin.

"ANG ALIN NATALIE?" biglang tanong ni Mommy.

"Mommy.." mahina kong sabi.

"SABIHIN MO SA AKIN. ANO NA NAMAN ANG GINAWA MO BAKIT NAGALIT SI CHASE?" tanong niya muli.

"Na-nakita niya po yu-yung pills sa basurahan" sabi ko.

"Umiinom ka ng pills apo?" tanong naman ni Lolo.

"Wala po.."

"ANONG WALA? KAYA GALIT SI CHASE DAHIL HINDI KA BUNTIS BECAUSE YOU'RE TAKING PILLS?!?" sigaw ni Mommy.

"OPO..Pero Bu-buntis po ako at hindi ko po ininom ang pills"

"SINASABI KO NA NGA BA" at naglakad siya palayo. Ngunit muli siyang lumingon. "KAHIT KAILAN WALA KANG NAGAGAWANG MATINO"

"STOP IT NATALIA! LINDON ISAMA MO MUNA YAN SA KWARTO" sigaw ni Lolo kay Mommy.

Umiyak ako ng umiyak.

"Ate ko" lumapit si Ciarina at niyakap ako.

"Iwan ko muna kayo Apo"

"Ciarina.." sabi ko at tinugon ang yakap niya.

"Ate call me Ayina.." she said. Matagal din akong umiyak sa balikat niya bago sya nagpaalam na umalis muna para mapag-isa ako at makapagisip-isip.

Umiyak lang ako ng umiyak. Madilim na. Hindi ko napansin na inabot na pala ako hanggang gabi sa kakaiyak. Tinawag ako ni yaya para kumain kanina lang pero hindi ako lumabas.

"Baby.. iniwan na tayo ng Daddy mo. Nandun na siya sa babae niya at sa anak niya Baby.." sabay iyak. Parang hindi nauubos ang luha ko e.

"Chase.. akala ko ba mahal mo ako? Bakit hindi ka man lang nakinig sa akin.."

Tumingin ako sa relo. 12:45 na. WALA PA RIN SI CHASE.

Tulog na ang lahat. Tumayo ako at tumingin sa salamin. Binuksan ko ang drawer at kinuha ang gunting.

NO. HINDI KO GAGAWIN ANG MGA GANUNG BAGAY.

Instead, nagimpake ako ng gamit ko. Pagkatapos kong mag-ayos, kinuha ko ang bag ko at susi ng kotse ko. Lumabas ako ng kwarto na tahimik.  At umalis sa bahay na tanging ang security guard lang ang nakakaalam.

|End of Natalie's POV|



Chasing Nathalie (She's Married To A Sex God)Où les histoires vivent. Découvrez maintenant