"Ahmm Ma'am, may gusto lang po sana akong itanong" wika ni Lina, hindi ako nag salita tumingin lang ako at kita sa akin ang kyuryosidad

"Pang ilang beses niyo na po ang pag susuka?" Dahan dahan niyang tanong, napaisip naman ako at inalala ang mga nakaraang pag susuka ko

"More than two" pag aalinlangan ko, hindi ako sigurado

"Eh ang pag kahilo po?" Tanong naman ni Lyn

"Napapadalas na eh" wika ko

"Ma'am ano po yung madalas na gusto niyong kainin? At 'yung mga ayaw niyo po na amoy?" Agad naman tinikom ni Lyn ang kaniyang bibig ng piitin ito ni Lina

Agad akong napaisip, naalala ko ang gustong gusto kong kainin nitong mga nakaraang araw. Mangga at asukal, 'yung amoy na ayoko. Napasimangot ako habang nag iisip.

"Ma'am dinalaw na po ba kayo nitong buwan na ito?" Tanong muli ni Lina, dahan dahan iyon na pagtatanong

"Nito po, w-wala pa po" wika ko at nakaramdam ng kaunting kaba

"Hindi po kaya, Ma'am juntis ka?" Kagat hintuturong tanong ni Lyn

"Ha? J-juntis? You mean buntis?" Sunod sunod kong tanong, napatingin naman ako sa aking tiyan. Hindi pa ganoon kalaki kung buntis nga ako

"O-opo" wika ni Lyn, agad itong muling piniit ni Lina

Muli ko silang tiningnan "May pakiusap lang po sana ako" wika ko at tiningnan silang dalawa, tumango naman "Hangga't hindi pa po natin alam kung anong nangyayare sakin please po sa'tin nalang po munang tatlo please" pakikiusap ko sa kanila, ngumiti naman sila at tumango

"Thank you po" pasasalamat ko at ngumiti.

Agad sila kumilos at kumuha ng plato nila at ako naman ay bumalik sa aking pwesto. Napasimangot ako dahil sa amoy.

"Ilayo mo muna kay Ma'am, Ate" wika ni Lyn kay Lina at kinuha kay Ate Lina ang ulam

"Pasensya na po" wika ko, ramdam ko ang tingin ni Lyn sa akin.

Alam ko ang ibig sabihin ng tingin na iyon. Hindi ko nalang muna pinansin ang tingin. Pinag patuloy ang aking pag kain.

"Tawagin ko po muna sina Rey at Boy" paalam ni Lyn, tumango naman ako

Umalis siya at kami ni Lina ang naiwan. Tahimik lang kami at kita ko sa peripheral ang pag sulyap nito sa akin.

Nasarapan naman ako sa aking kinakain kaya't tahimik akong ngumunguya.

"May anak po ba kayo?" Walang isip kong tanong kay Lina, agad itong tumingin sa akin at ngumiti

"Sana po meron, pero noong una gusto ko pero ngayon hindi na." wika nito, tumango naman ako at patuloy sa pakikinig

"Kung hindi niyo po itatanong eh may naging nobyo na po ako, hindi ko na po sasabihin ang pangalan. Noong sinagot ko po siya ay pinapili niya ako, sasama daw ba ako sa kaniya dito sa Maynila na kasama siya o si Lyn ay maiiwan" pag papatuloy niya

"Mas pinili ko po si Lyn, kapatid ko 'yan eh. Siya nalang ang pamilya ko" nakangiting wika nito

"Eh nasaan na po siya?" Tanong ko naman

"Nadito lang siya sa siguro sa Maynila, baka din may pamilya na iyon" sagot niya, tapos na kaming kumain. Dumating si Lyn at sina Kuya Rey at Kuya Boy kanina habang nag kukwento si Lina

Beautiful In WhiteWhere stories live. Discover now