Chapter 12

95 3 8
                                    


"DOC BARRON, we have an emergency. We really need you here." Pinasibad ko ang aking sasakyan patungo sa aking klinika na mahigit isang kilometro ang layo mula sa bahay ni Viola.

After our vacation, we already decided to go home because of our commitments.

We have fun together. We do fishing, swimming and other stuffs we can do in the middle of the sea.

'I hope that it will never end.' Sa isip ko habang nagpapatuloy sa pagmamaneho.

When I finally arrived at my clinic, I saw a dog na panay ang iyak habang walang tigil ito sa pagsusuka sa bowl na ibinigay ng aking assistant. It is also agitated and having a hard time to breath. Hindi lang ito ang unang beses na nakakita ako nito kaya alam ko ang nangyayari rito.

"Anong ipinakain ninyo sa aso?" Tanong ko sa amo nito after kong bigyan ito ng gamot at kasalukuyang nagpapahinga na.

"Ahmm."

"I'll rephrase the question. Ano ang kinain ng aso ninyo?" Seryoso kong tanong habang magkasalikop ang mga kamay ko na nakatukod naman sa armrest ng aking upuan.

"H-hindi ko po--"

"You're dog was poisoned." Putol ko rito.

Nakita ko ang panlalaki ng mga mata nito na tila hindi ito makapaniwala sa narinig.

"Sabihin ninyo ang kinain nito bago siya nagkaganoon."

Natahimik ang babae na tila nag-iisip. I sighed and pressed a button from the intercom to call Ciara.

"Ciara, pakidalhan mo naman ng tubig si Ms. Valdez."

Wala pang isang minuto'y may kumatok sa pintuan ng aking opisina kasunod ay ang pagpasok ni Ciara na may dala-dalang dalawang bote ng mineral water. Inilapag niya iyon sa lamesa at saka ito tahimik na lumabas ng kwarto.

"Drink some Ms. Valdez. You're so stiff and nervous. Hindi naman ako nangangain ng tao eh. Tinatanong lang kita." Pabiro kong saad sa namumutlang babae.

Pilit itong ngumiti at kinuha ang bote na may lamang malamig na tubig. Uminom ito habang ako naman ay lihim na nakatingin rito habang umiinom rin ng tubig sa bote na kinuha ko.

'I can sense that there's something's up.' Sa isip ko habang nakatingin ako sa mga daliri nito na may hawak ng bote.

I am not a man with a fetish through long fingers. Pero hindi ko maiwasang tumingin rito habang namumutla pa rin ang babae na naubos pa ang laman ng bote.

"Ilang taon ka na bang nag-aalaga ng aso?" Tanong ko rito.

"Ahmm. Nakuha ko si Steve noong birthday ko. Ahmm. I guess, its already a couple of months already." Sagot nito.

"Alam mo ba ang mga dapat at hindi dapat makain o kainin ng aso?" Tanong kong muli.

"Y-yes I do." Halata na kinakabahan ito na lalong nagpapalakas ng suspetya ko rito.

"Then... What happened?"

Natahimik na naman ito na lalong nagpasakit sa ulo ko. I slightly massaged my temple to ease the pain I am suffering already since we sailed back to the mainland.

Hindi ko alam kung bakit pero kahapon pa masama ang pakiramdam ko. At ayoko mailabas iyon ngayon.

Maybe... Maybe because I missed my dog, Zeus the Golden Retriever's brother na namatay sa pagkain ng theobromine-content chocolate na ibinigay naman ni Sanya rito noon.

I don't want to assume nor suspect that the owner of Steve the dog neglected the fact that chocolate is poisonous to dogs. Mapa-white o dark chocolate man ito.

The Wild Animal (Cross Enterprise #4) || CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon