chapter 13

37 3 0
                                    

"That bitch!" naiinis na sabi ni Clark. "I'm sorry Corona. This is all my fault."

Nginitian ko si Clark. "Hindi mo kasalanan Clark. Malas lang siguro ako ngayong araw."

"Dapat ihinatid muna kita para hindi ka napahamak."

"Ayus lang Clark." Sabi ko at ngumiti para hindi na nya isipin na kasalanan nya.

"Wag kang magalala Corona. Aalagaan ka namin at poprotektahan. At hindi namin hahayaan na saktan ka nila ulit."

Napangiti ako sa sinabi ni Mike napakasweet nila. Kanina pagdating ko dito sa clinic nagsipagsugudan sila agad papunta dito. Kahit si James andito.

Pero wala sya.

Bakit ba ako umasa na tutulungan o babalikan o pupuntahan ako ng walang pusong yun. Wala syang pakialam sa kahit sino. Sarili nya lang ang mahalaga sa kanya.

May benda ang kanang binti ko at kanang braso. May gasgas din ang siko at tuhod ko. At ang gilid ng labi ko ay may pasa.

"Hindi na namin aalisin ulit ang paningin namin sayo. Kaya magpagaling ka ha?"

Nginitian ko rin si Jade dahil napakasweet at caring nilang lahat.

"Napakababaero mo kasi Clark." Nakangising sabi ni James.

Sinamaan sya ng tingin ni Clark. "Fuck you James."

Natawa ako sa kanila. Ang kulit nila.

"Are you sure you're okey now?"

Nilingon ko si Joseph na nakaupo sa tabi ng kama ko.

Nginitian ko sya at tumango.

"I'm sorry I'm late." Parang nagsisising sabi nito saka yumuko.

Hinawakan ko ang kamay nyang nakapatong sa kama. Iniangat nya ang mukha nya at tumingin sa akin.

Ngumiti ako sa kanya. "Thank you."

"Pero huli na ako."

Umiling ako sa kanya habang nakangiti. "Hindi na mahalaga kung nahuli ka, ang mahalaga dumating ka."

Napangiti ito sa sinabi ko.

"Oyyyyy. Ano yan ha?"

Naiinis na binato ni Joseph si Mike na nakaupo sa sofa ng unan. Tatawa-tawa lang namang sinalag ni Mike ang binatong unan ni Joseph.

"Don't you have classes?" nakataas na kilay na tanong ni Joseph.

Sabay sabay na napatingin sa kanya ang apat.

"Oh shoot."

"Fuck."

"Shit."

Mura nila at agad na nagsipagtakbuhan palabas ng clinic. Alam nyo bang parang pang VIP room sa hospital ang clinic nila. Yung clinic nila na tinatawag ay parang isa ng hospital. Isang kwarto para sa isang pasyente. Grabe. Samantalang yung ibang clinic pinagkakasya ang lahat ng pasyente sa isang kwarto.

"Wag mo na lang pansinin ang mga ugok na yun. Mga wala lang silang magawa."

"Napakacute nila." Natatawa kong sabi.

"Cute silang iuntog sa pader."

Mas natawa ako sa sinabi ni Joseph. Natigil lang ako ng mapansin na nakatitig sya sa akin.

Tumikhim sya at umiwas ng tingin sa akin ng mapansin na nakatingin ako sa kanya.

Napangiti tuloy ako.

Sabay kaming napalingon ni Jose ng bumukas ang pintuan ng kwartong ito.

Nagulat ako ng makita kung sino ito.

Fall PlayWhere stories live. Discover now