Chapter 17

295 22 2
                                    

Heartbreak

Ijiel's POV

"Ok, ka na ba?" Putol ni Knite sa pag muni-muni ko. 

Napa dilat ako ng mata at sinilip siya sa kanan ko.

"Ay taray mag emote di magiba." Alinturan niya. Napaikot lang ako ng mata at napaismid.

Nandito kami ngayon sa may grandstand at kakatapos lang mag lunch. Mahangin kasi dito at maganda ang view dito sa oval kaya dito ko napiling magpag isa. Kaso may mapangasar na mang iinteroga na naman saakin. 

"Ano ba Knite, kung nandito ka lang naman para asarin ako. Maghanap ka ng iba wag ako, na nanahimik ako." Sabay namnam ng hanging sariwa na sumipol. 

Sa sobrang kinabos ng height ko, nagkakasya ang kalahati ng katawan ko sa baitang ng grandstand nabalandara tuloy ang katawan ko at nakasandal lang. 

Hindi ito nakuntento, pumwesto ito sa likuran ko at pinakealaman ang buhok ko. Hinayaan konalang, madalas niyang gawin ito. 

"Alam mo dai may nakita ako sa internet, ang sabi 'if that man is fruity, let that MANgo'" saka ito tumawa habang sinimulan na tirintasin ang buhok ko. 

Na gets ko naman siya kaagad napasimangot naman ako at agad na nag react.

"Satingin mo ba ganun lang kadali yun?! Wala naman pinagkaiba ang nararamdaman ko ah?! Sorry kung nainlove tayo, at sa dinami dami ng tao siya pa! Nanahimik na nga ako rito" 

"Aray!" Binatukan ako nito. Lalo lang ako napasimangot. 

"T*angina, defensive masyado. Huo na, ok valid ang nararamdaman mo, pero daii, bakit ba kasi sa bakla pa?" 

"Eh bakit napipigilan ba ang puso? At bakit hindi? Eh ano kung bakla? Anong pinagkaiba. So anong gusto mo ikaw?" Hinigpitan bigla nito ang tinirintas sakin. 

Natawa tuloy ako. 

"Ay kilabutan ka dai! Ayoko ko talaga sa pechay you cannot make me eat! Yuck!"  Tsaka niya tinapos ang hairdo saakin ng rubber band. Hinarap ko ito. 

"What if tayo talaga Knite?" 

"Ay depota Ijiel, wag ako, amacanna"

Diring diri ito. Inasar asar ko pa ito at hinawak hawakan ang mukha. 

"Isa! sige ka isusumbong kita sakanya!" Saka ako tumigil. 

"Ito naman. Parang tanga, pero kasi Knite mahirap, hindi mo gugustuhing malagay sa posisyon ko." 

"Alam ko naman, kaya pumayag kana kasi makipag blind date, p*ta to nag iinarte ka masyado. Kailangan mo lang mag hanap ng iba! Madami pa dyan!" 

"Ayoko ko nga! Feeling ko talaga binubugaw moko! Binibigay mo ba  sa iba ang number ko?! dumadami na ang random numbers na tumatawag sakin at nag tetext!" 

"Di no! Baka mga pinagkautangan mo yan! Hala ka sinisingil kana. Baka one day magulat nalang kami yung katawan mo sa Carlota tas ulo mo sa Enrique!" 

Hinampas ko ito sa may hita, "che! Ewan ko sa sayo!" 

"Ijiel, Ijiel ang funny noh Hindi ka pa nga niya nahahalata pinaiyak ka na niya agad." 

"Knite tumahimik ka na hindi ka na nakatutuwa." 

"Edi happy birthday sakanya. Masaya na siya eh, ano laban ko kay Hanz? Gwapo yun eh." 

 Pag impersonate niya sa pag emote ko sakanila nung nakaraan. Kuhang kuha niya ang ngawa ko, bwesit! 

Sinabunutan ko na ito para manahimik na. 

Love him, Definitely... (Carlota Series#1) [Under Revision]Where stories live. Discover now