Chapter 2

855 33 4
                                    

Thoroy

Ijiel's POV

Dalawang buwan narin Ang nakalipas simula ng unang araw ng pasukan.

Bagong yugto ito ng buhay ko, kaya nakakatiyak ako lahat magbabago, magbabago ang mga ganap ko sa buhay panigurado.

May mga bago din akong mga kaibigan na nakilala. Makalipas ang dalawang bwan lahat sila ay kilala ko na at kabisado ko na ang mga pangalan.

Maliban nalng sa isang tao, sa isang lalake.
Naririnig ko Ang apelyido nyang nasasambit ng mga teachers pero hanggang dun lang at never ang first name.

Pero every time na ina-aproach ko sya para tanungin ang pangalan nya. Umiiwas lang sya, iirapan lng ako at palaging may energy para ako'y walk outan.

O diba ang thoroy lang ng koyah niyo.

So happen, vacant namin ngayon pero galing akong canteen. Palabas na sya ng room at ako naman ay papasok.

"Hey there, Lafonti"
Bati ko together with my small wave to greet him.

Pero tamad lang na tingin Ang ibinigay nya, namulsa at nilagpasan ako. Naiwan sa ere ang kamay ko, na dismaya naman ako bakit ba kasi napaka isnob at taray nya hah!

"Hmph!,bastos"
Bulong ko sa sarili at nakipag apir mag isa
agad nalang akong umupo sa mga close friend ko ngayon.

Tumabi namn kaagad ako kay Celestia, at nasa kanan nya namn si Hayie.

"Matanong nga lang hah, ano ba kasi Ang problema ng Lafonti nayan at mailap sa tao. Kung umasta, para tayong may mga garapata, ang thoroy niya masyado."
Sabi ko habang maasim Ang mukha.

"Celestia, ikaw satingin mo??pinaglihi ba yun sa sama ng loob?"
Dugtong ko pa at binigyan niya naman agad ako ng pansin.

"Umm, I don't know what's with him...He is snobbish, kinda cold, yes. But I'm sure he is kind, it's just that maybe it is his thing not to mingle with others. Just let him be, maybe he is an introvert you know.".
Ang Thoroy nya Rin! tinanong ng Tagalog sinagutan ng English
Sabunutan nalng Kaya natin.

"Sino pinag uusapan nyo??"
Tanong Ni Hayie.

"Si Lafonti"
Si Celest Ang sumagot.

"Talaga??, anong meron sakanya?"
Parang pumalakpak naman Ang katawang lupa nya sa pag tanong nya. At talagang nangalumbaba pa talaga sya hah.

Naninkit naman ang mga mata namin ni Celest kay Hayie.

"Ano??!"
Biglang pag dedepensa nya sa sarili.

"Crush mo sya noh??"
Pag kumpronta ni Celestia sakanya.

"Oo nga noh..crush mo sya noh??"
Pang gagatong ko Rin.

"Eh kasi..ehe"
Sabi nya na Parang pusang nakalutang sa cloud nine.

"Confirm..."
Sabay naming sabi ni Celestia.

"Eh ano naman ngayon?!"
At tyaka sya nag roll eyes samin.

"His name is Juanito Fontano T. Lafonti, Lyrien..."
Agad Naman na dugtong ni Tia.

"Ahhh Fontano...pero ang pangit ng apelyido niya ano?, katunog ng panty. Tas may LA pa... sounds like-nevermind."

Natawa ito ng bahagya
"Font. Font in short, Lyrien."
Ngising-ngisi parin ito.

"Ang Gwapo nya Noh??"
Sulpot Ni Hayie na parang kabute.

"You know, madami ang nag kaka-crush sakanya at isa na ako dun"
Dugtong nya agad na parang sinusundot hindi naman ina ano.

"Diba Lyrien gwapo niya noh?"
Baling nya rin sakin kaagad habang nakalumbaba.

"Oo. Hindi ko Yun I-de-deny"
Pag amin ko, totoo naman. ayoko ko lang naman maging sinungaling period.

Walang malisya!

"Kayo lng but never me."
Pang ne-nega ni Celestia sa gitna namin.

Kaya napabaling kami ni Hayie sakanya ng sabay, with our WEHH?, Look.

"Di nga..,I've told you kayo Lang wag ako."
Tinaas nya pa ang dalawa nyang kamay.
Sabay kuha nya na ng libro namin sa science na nasa desk nya at binasa yun.

Wow kebait na Bata Ang sipag mag aral.

"Uy sis ayan na sya."
Almost patili na sabi ni Hayie.

Hinampas Naman sya Ni Tia ng libro sa kaliwang balikat sabay Sabi.
"Gago, kalma ka nga, puso mo, baka mapano!"

Nag peace sign lng si Hayie kay Tia at sinundan si Font ng tingin.
Ganun din naman ako.

"Font, babe! Smile ka naman! Pang Sabado de gloria lagi ang atake mo."
Hirit pa ni Hayie kay Fontano. Ngunit inirapan lng sya nito at tamad na umupo sa arm chair nya sa corner of the room at ininom Ang mountain dew na binili sa platsic bottle.

THOROY NYA TALAGA.
ANG LAKAS MANG SNOB.

Kaya eto Naman si Hayie geh. Kung ano-ano na Ang pinag sasabi, mahinang nag mamaktol na parang Bata.

Tinitigan ko lng ng mabuti si Fontano. Nahuli nya ako na tinititigan siya pero imbes na matinag nginitian ko na lang sya.
You know baka sakaling mag break in ang character at  tumawa naman ang koyah ninyo.

Di talab mga mhieee, napaka thoroy talaga ng koyah niyo! Kaya kinukutuban na ako na baka-nevermind.

End of Chapter 2.

__________________________________

Actually the photo above is Stellvester Ajero, but he is not the portayer of this story pero depende narin sa inyo. Ang Kailangan ko lng talaga Kasi Yung hairstyle nya dyan sa picture but then I can't find what his hair style is called. So basta ganyan Ang buhok Ni Fontano.

-IKAYꕥ

Love him, Definitely... (Carlota Series#1) [Under Revision]Where stories live. Discover now