Chapter 4

476 31 0
                                    

Kompronta Mayor

Ijiel's POV

Wala akong masamang intensyon kay Font o gamitin laban sakanya ang hinala ko.

Ang sakin lang naman kailan kaya siya magpapa katotoo sa sarili nya?

Mali ba ako na isipin kung ano ba talaga ang kasarian niya?

Nahihiwagaan lang kasi ako, my curiosity is out of the roof!
Naexcite ako sa idea na mag o-out siya and also with the thought that he can be a great friend!

I know in the deepest of his heart, he is a good person. Iniisip ko rin, if it happens na bakla nga siya, maybe he is not in a good situation to disclose himself and be out.

And there, I said it. feel ko talaga bakla ang mhieema niyo, from koyah to mhieema.

Masaya kaya pag may bakla, dapat may bakla.
it is the Spaniards colonial mentality that ruined it's virtue. Kung makasalanan ang pagiging bakla, bat di nakukulong ang mga pumapatay diba?

Make sense?
Make sense!

So happen, vacant na naman namin at galing na naman ako sa canteen. May empanada ako na kinakain nung mag kasalubong na  naman kami. My hand left in mid air when I tried to say hi to him, kaso nilagpasan niya na naman ako gaya ng dati. Lumabas siya ng room at pumasok nalang ako.

'Laging vacant na lang kami nag papang abot.'

May kausap siya sa phone nang umalis and it seems like an important thing because he left with a furrowing eyebrows at mukhang badtrip.

Almost time na sa homeroom subject namin pero ang tagal niyang makabalik. He is all in my thoughts pero nagulat akong may lumipad na springkler saakin.

"Ano ba!"

"Mag dilig ka na sa garden!, toka mo yun ngayon."
Utos ni Hanz.

"O bakit ako lang?"

"Eh ikaw lang naman present sa mga kasama mo."

Tumayo nalang ako mula sa kinauupuan. Sa badtrip ay inambahan ko ito ng springkler na hawak, natawa lamang ito.

Nagdadabog akong pumunta sa likod ng aming room kung nasaan ang garden may konting lalakarin. Kaya di na kita ang room namin mula sa gawing ito.

Padabog kong binuksan ang  de alabreng bubong na gate ng garden.
"Bakit ba lagi mag isa ko nalang tong kinakareer ang garden nato!"

"Di ba sila naawa sakin tas tulungan ako?, tong garden nato? Ano pati ba mga isda sa pishpond pakakainin ko pa?!" Pati ang hose pinanggigilan ko.

"Pakainin mo daw ang mga koi, sabi ni Sir, Lyrien!"
Sinilip lang ako Hanz mula sa gate at umalis. 

I throw up my hands,
"Bilat!" Alma ko nalang sa lahat ng gagawin.

Mabuti nalang at hindi masyadong mainit dahil may plant nets sa buong garden laban sa init. Kung wala siguro to nagwala na ako dito.



Marahas kong dinampot ang hose na nakita sa lapag,
hindi ko na ginamit, ang water springkler dahil, solo ko naman ngayon ang hose. Papaganahin ko sana ito ng may marinig ako na boses likod ng mga orchids.

Ang garden kasi may fishpond sa gitna, pero walang ibang daanan para makarating sa kabilang dako maliban sa maikling tulay na nag dudugtong kung saan ang mga orchids.

Binaba ko ang hose, at dahan dahang tinawid ang fiahpond.

"Ayaw ko pumunta dun ate, wag mong ipilit sakin na pumunta dun, ayaw ko!"
The voice tried to tone down but I'm still hearing parts.

May nakaharang na manipis na bakal at punong puno ng orchids at kung ano ano pang halaman kaya di ko makita kung sino ang nag sasalita.

"Bye" binaba na nito ang ang tawag, at eksakto na inikot ko na ang harang at nakita kung sino ang nasa kikod nito.

Nakatalikod ang tao nang magsalita.
"Bwesit!, nakakalurkey why do they keep me pushing to that woman?!, ingrata yun. Akala ko ba kakampi ko tong sissy ko? Pero bat niya ko inaasar ng sagad sa babaeng yun?!,
pag to talaga umuwi ng bahay di nako magdadalawang isip na ayain siya na mag sabunutan!"

And my Pudra? How dare him? Di niya alam diyosa ang anak niya hmph," nag hair flip ito sa imaginary long hair

"talagang ipapakita ko sakanya. Sasabihin ko, Pa I'm gay.  You have nothing to do with it and I'm proud of it!"

My jaw literally dropped the moment the person said it, alam ko na kung sino ang nagsasalita!!!

"Ahhhhh jusko nanggigigil ako, naistrestress beauty ko"

"Font" that's all I muttered.

"Ano?!?!" He snapped and faced me.

Ilang segundo kami nagkatinginan at ilang beses napakurap ng mata at saka ako nag react.

"You are Gay!!!!" Malaki ang ngiti tas impit akong napatili.

"Hoy gaga" mabilis ako nitong tinawid, he grabbed me by my shoulders and pressed me towards him.

"Anong sinasabi mong bakla."  Nanlilisik ang mga titig at Inalog pa ako nito, wala narin yung feminine voice niya kanina. Medyo kinabahan ako rito ah.

Marahan ko itong tinulak.
Lumayo naman ito, tyaka ko inayos ang sleeves ng uniform ko.

Hindi ko na pinuna ang mahigpit niyang diin sa mga braso ko kanina, alam kung nagulat lang siya-at natatakot.

"Ito naman, huling huli kanat lahat mag dedeny kapa, ako lang to. Wag ka mag alala" kinindatan ko pa, tensed siya masyado eh, alam kong nanginginig ang katawang diyosa niya, sabi niya yan eh. 

Lumunok ito, umayos agad ng tayo at namulsa. Humakbang siya papalit sakin, suot niya na naman ang usual na cold niyang mukha.

Di ko maiwasang hindi magreact sa mukha niyang yan, napalunok rin tuloy ako.

"You were eavesdropping, pero mali yung mga narinig mo. You are concluding nonsense." He tried to lean forward, and intimidate me eye to eye. Masyado siyang malapit, shet.

"Akala mo naman magagaslight moko, tanga." Gamit ang kanang kamay ay tinulak ko to ng marahan sa dibdib. 

"Magkano bayad mo para tumahimik ka?"

Ay shuta

"Ay shala, di moko kailangan bayaran, to naman. Sealed ang bibig ko."  I mimicked zipping my lips.

Teka nga sandali di ko alam kung matatawa ako or maawa.  Diyos ko ano ang dinanas ng anak mong toh at naghyhysterical ng ganito.

Tinitigan ako nito kung mapagkakatiwalaan ba ko or hindi.  Nakacrossed arm pa ang anteh.

"Bilat, ano ba, akala mo naman may mapapala ako kung gagamitin ko laban sayo ang pagiging bakla mo. Mhie kalma, kakampi moko." Kumbinse ko rito.

"Hindi ako homophobic. Atyaka alam mo bang ika100 episode na ng enchantadia mamayang gabi, mamatay na dun si Amihan."

"Pashnea! di no, ililigtas na siya ni PaoPao di pa siya mamatay. Di pa malaki tyan niya para mag break sa taping."

Inikutan ako nito ng mata at tinarayan na. Napangiti ako, nagbalik ang feminine voice niya. Mas kumportable ako sa ganito.

"Ayieeee..." Kinurot ko to sa braso.

"Bilat" tinampal niya lang ang kamay kung kumurot at tyaka napangiti.

"Di mo ipagsasabi ah."

"Clear as white."

"Anong clear as white."

"To naman, wag mo naman laitin grammar ko, tulungan mo nalang kaya ako dito ano, maawa ka naman sakin, kailangan ka ng mga isda ni sir."

"Geh dzae"

Atyaka kami lumabas sa gawing yun at inasikaso ang garden.

Love him, Definitely... (Carlota Series#1) [Under Revision]Where stories live. Discover now