Chapter 5

432 29 1
                                    

Hollow Space

Ijiel's POV

Ilang linggo narin naman ang nakalipas. Okay na kami ni Font, unlike before that he is nonchalant, he is his more likely chalant now, though in some aspects he is still not an open book. But we are good, I do consider calling him a friend now.

Classes over, location: oval, tumatambay at nakaupo ako rito sa mini grandstand kaharap ng aming open volleyball court to get some fresh air.

I want a moment with myself, gaya ng dating gawi nung nasa Davao pa ako. Atyaka mahangin dito eh, it calms me.

Halos wala ring namang tao rito. Usually the school's volleyball team would be here to practice but there is none today. Eto lang ako, with my sketch pad at nag dradrawing ng poster for an assignment in a subject.

"Ijiel..." Someone whispered in my right ear.

Dala ng reflex agad kong sinupalpal ang mukha ng taong gumawa nun.

"Putay!, bat nanampal?!?!"
Galit na angil nito habang hawak hawak ang kanang bahagi ng mukha.

"Eh bakit kaba kasi nangugulat yan tuloy!"
Sinubukan ko itong aluhin, lumuwag yata ang bagang.

"sorry na, wag ka kasing manggulat."

"Eh bakit kaba kasi nandito, uwian na ah"
Tinulungan ko itong ayusin ang upo.

"Eh nandito karin naman ah, bakit? sainyo ba toh at hindi ako pwede rito!?"
Pasigaw niyang sabi, hinilot hilot ang bagang.

I grimaced from what I did, malakas yata ang ngudngud ko sakanya. Lumuhod ako sa bench at tinulungan siya sa onting hilot sa pisnge at bagang niya.

"Sorry na kasi, wag mo nang ulitin yun"

"Nandito lang naman ako kasi parang kailangan mo ng kausap." Mahinang dugtong niya, kahit umiingit pa ito sa sakit.

Umayos ako ng upo sa tabi niya.

"Ako ba talaga ang may kailangan ng kausap o ikaw?"

Nagkatitigan kami atyaka siya nag ikot ng mata at nag iwas ng tingin.

Medyo ngumunguso ito, na parang bata.

Ako na ang napabuntong hininga sakanya.

"Spill na kasi akla, toh naman ako lang toh!"

"Nakakainis...sakal na sakal na ako."

Hinarap ako nito at binitawan ang pisnge. Shuta, namantal ang sampal ko. But I gave him a look that I am here, and I'm listening.

"Care to share, kung ano ang issues kung bakit di ka makapag out?"

"Hindi madali..."
Malungkot nyang Sabi.

"Ako lang ba ang nakakaalam?"

Marahan itong tumango.

Damn, mahirap nga umamin sa mga kinupit kong kita ni mama sa okoy, eto pa kaya.

"You could talk them out."
Suwestyon ko,
But I immediately gasped with this thought.

"Don't tell me!?, kaya kang saktan ng family mo kaya ayaw mong malaman nila?"
Seryoso ko itong hinarap at napameywang pa.

"Hindi ko alam...pero alam ng Ate ko."

"So anong say?"

"It's now our secret, Our Secret" he allude me out.

Tinarayan ko siya dahil don, akala parin niya talaga ilalaglag ko siya.

"Nang dahil kasi kay Papa."

"O tapos"

"-Ayaw mo siyang ma dissapoint."

"-Ayaw ko siyang ma dissa...point"

"Alam mo overrated na yang reason nayan, I don't know what are the issues with FaTHER's and Families who can't accept there bloodline for being gay and such. There is nothing to be ashamed for, ano ba! They are so misogynistic and homophobic to see gender identities unforbidden, nagmamalinis masyado"
Gigil na gigil kong figure of speech.

"Wow english, anyway" he shrugged

"Kalma hah, it's just that he is so unpredictable. I don't know what my father can do..."

"You will never gonna know until you give it a go." I tapped him in his left shoulder

"Tatay mo siya, dapat lang na maintindihan ka niya, what does matter to him the most? His pride? or his son. di nakakapremium"

"Eh kasi hindi din namang ordinaryong tao si Papa. He is a business tycoon. May mga businesses​ sya hindi lang sa syudad na ditey but in this country and also overseas."

Kahit papano siguro kumportable na siya sakin kasi gumagamit na siya ng gay linggo, kahit papano naiintindihan ko. Iintindihin ko...

"Palagi syang napapaligiran ng mga bigating tao. Eh ano nalang kaya kung malaman nya na at ng lahat!

Panigurado mag bibigay yun ng kahihiyan di lang sakanya kundi sa buong pamilya namin."
Malungkot nyang sabi sabay pangalumbaba habang ang mga siko nasa tuhod.

"Business ,business tycoon!, Che!, jusko! isipin mo nalang, dapat kahit ano pa ang status niyo sa lipunan dapat maintindihan at tanggapin ka parin niya kasi nga anak ka niya."

He laugh bitterly.

"It just proves that you have a good heart Font, putting someone else's will before yours. Kahit ano kapa, basta di nang aapak ng iba goods! na yun at dapat di nagpapakantot ng basta basta. Ok lang!"
Napa tayo at napa thumbs up pa ako.

Pero napangiwe sya sa sinabe ko. At ako naman natigilan nang ma realize kung ano yun

"Basta, study first wag muna landi"  At umupo ulit ako.

"Think about that!"

Pero inirapan nya lang ako, nag cross legs sabay mga kamay sa tuhod. Oh tignan nyo tinatarayan na ako.

"Hindi ko pa talaga Kaya eh..." Nagdrama ito ng bongga, yung OA na iyak pero di naman umiiyak.

"Madami kasi ang nagtitiwala sakin...eh ayoko naman silang mabigo. Di lang si Papa, mga Tito ko pa pati narin si Lolo hayyssstt!!! Nalulurkey na talaga ako."
Mataray na napapiga sya sa sentido nya dahil nalulurkey nga daw sya.

"Gulo mo, sige hihintayin nalang kita na ikaw na mismo ang magsabi sa lahat na sirena ka. Nandito lang ako okay"

Nag thumbs up ulit ako sakanya to assure him.

"Sure ka hah...swear?"
Paninigurado nya. At inilahad ang hinliliit nya sa kanang kamay.

"Clear as White"
Nakangiti kong sabi at nakipag pinky swear sakanya atyaka bumitaw

"Sayo ko nalang ipapalabas lahat ng sama ng loob ko."

"Sure!, anytime. Kahit sama pa ng..."

I gave him that look

"Gaga...ikaw pala yung malandi eh, yuckkk wag ako"  eksaheradang turan niya.

"Ewan ko sayo!"
Umirap lang sya at tumawa lang ako.

"Tara mag abang tayo ng chopopo sa labas."
Tumayo at nag aya siya then he lent me a hand.

"Ebasss, Mas malandi ka!"
Tinampal ko ang kamay nito.

"EEEdi wag!"
Binawi niya ang kamay na nag lahad, mabilis akong tinalikuran at bumaba na ng bleachers.

"Hoy Fontano, Hintayyy!!!"
Atyaka ako tumayo at nag ligpit ng mabilisan.

Bumaba na agad ako ng bleachers at nakatayo ito nang nakapamulsa, hinintay naman pala ako at di umalis kaagad. Natameme pa ako ng saglit. 

"Let's Dora da explorer na"
Pabalik huwisyo niyang turan

"Yeah of course."

Sabi ko nalang atyaka pumantay sakanya sa paglakad.

Bahagya ko syang tiningala sa kanan ko. Ngayon may suot na syang ngiting abot tenga...

Love him, Definitely... (Carlota Series#1) [Under Revision]Where stories live. Discover now