Chapter 16

287 24 1
                                    

Conceal, Don't Feel.

Ijiel's POV

    Now that I realize it, I realize that I already love him. I need to do everything in my very might, nakalimutan at ibaon sa hukay tong may malisyang ko ng pagtingin!

But still, alam ko naman na hindi ko siya basta bastang matatakbuhan. I will not comprise everything, especially our friendship, just because the kind of love that I have for him now is more than just friends. It doesn't mean na tatalikuran ko na ang lahat ng iyon at iwan siya sa ere. 

I don't have plans to confess, lalong lalo na i pursue siya. Bakit? Kasi I've already told you, walang patutunguhan ito. Anong laban ko? Dehado ako sa sariling kong kagagawan. 

Libre lang naman ang mag mahal sabi nila, pero sa ganitong kategorya, kailangan ko pa bang mag paliwanag? Wag na natin ipilit ang hindi naman dapat. Sapat na na naging tapat ako sa sarili atyaka utang na loob ko narin yun na hindi magpakatanga alang alang sa sarili kong kapakanan. 

At makakalimutan ko bang kaarawan niya ngayon? Malamang sa malamang hindi.  

I will set aside this feeling only to greet him a happy birthday, thanking God that he has given me a Font that I love. Matagal ko rin naman itong ginagawa...feelings ko lang naman ang nagbago. 

It is just that sometimes, some of the things we wish to happen. Never happens the way we want it to happen. 

I took a deep sigh, as the last time I looked at myself in the mirror.

"Ijiel...wag na hah, conceal don't feel, be mature. Just greet him a happy birthday, tas bigay gift, tapos! That's all!"

Then I smiled.

"Then after that, subukan mong dumistansya. Mahirap nang mapaghalataan, choose your friendship." 

At agad na akong tumalikod sa salamin. Nag paalam sa aking mga magulang at sumabay na sa aking kapatid para pumunta sa eskwelahan.

"Birthday ngayon ni Kuya Font diba?"
Sabi ni Lijiel habang nasakay sa likod ng tricycle. 

"Yeah" diretso ang tingin kong sabi.

"Yieeeeee kaya naman pala may pa gift ka, Mahal mo naman masyado.." asar niya pa at kinurot ako nito sa may likod ko. Pero lintik lang ang walang ganti kaya sinabunutan ko ito. 

"Giatay!" Hawak ni Lijiel sa anit niya. 

Pero hindi ko parin mapigilang kiligin, oo nga't mahal ko yung tao dati pa naman. Iba lang talaga ngayon ang epekto. 





Pagpasok na pagpasok sa room siya kaagad ang hinanap ng mga mata ko. Pero laking gulat ko ng malaman na hindi pala ito pumasok. 

Gamit ang napaglumaang na samsung na dekeypad na pink ni Celestia. Na binigay na saakin nung nakaraang linggo, napatext naman ako kay Font. 

Nandito na sa contacts ang number niya, kasi number pa ni Celestia sa smart ang gamit ko ngayon. Alam niya naman kasi nandun siya nung napagusapan namin to ni Tia. 

Hindi niya naman ugaling mag absent tuwing birthday niya, kaya nakakapagtaka at baka kung ano na ang nangyari dito at hindi pumasok. 

Pero wala naman akong natanggap na reply...

"Ay bongga, may pa gift kay Font." pansin ng isang kaklase ko sa gift bag na dala. 

On going ang discussion ngayon at ang regalo ko para kay Font ay nasa likod ko habang nakaupo at iniangat ingatan baka kung mapano. 

Love him, Definitely... (Carlota Series#1) [Under Revision]Where stories live. Discover now