6 ♥

32 2 2
                                    

November 22, 2014, iyon pala ang date ngayon. Sa sobrang dami kong issues sa buhay, pati birthday ko ay nakalimutan ko na. Well, hindi naman ako nag-eexpect as I mayroong makakaalala sa araw na 'to pero si John, natandaan niya at hindi lang iyon naghanda pa siya ng surpresa para sa akin. Kaya naman nung sinubukan niya akong halikan ay sinuklian ko ito hindi para makipag-flirt kundi para magpasalamat.

It was a series of sweet chaste kisses na kung isa kang normal na teenager ay sobra sobrang kikiligin ka na. Pero dahil ako si Sai Lauren Martinez at lagpas na ako sa pahinang iyon ng aking buhay ay masasabi kong normal na ito. Masaya lang ako na may isang taong nagpapahalaga sa mga bagay na may kinalaman sa akin... masaya ako dito sa surpresa niya, at masaya ako dahil iyon ang nararamdaman ko. Para sa akin, 'yung pakiramdam na pahalagahan ka ng isang taong malapit sayo ay sapat na para masabi mong kahit paano, may halaga ka pa pala – na hindi ka pala nag-iisa.

Pagkatapos ng tagpong iyon ay iiling-iling siyang lumayo sa akin habang hawak ang kanyang batok. Para siyang frustrated na... ewan!

"T-tara na... sa loob. K-kain na tayo," sabi ni John ng hindi man lang ako tinapunan ng tingin. Natatawa-tawa na lang akong sumunod sa kanya habang paulit-ulit na sinasabing "thank you!" pero iniirapan lang ako nito na para bang nakakairita 'yung pagmumukha ko. Kanina lang ang ganda ng mood nito, tapos biglang nagsungit. Bipolar!

Dumiretso na kami ng dining table at doon ko napansin na hindi lang pala sa hagdan nakapalibot ang mga rose petals, maging sa dining area rin ay mayroong mga pulang talulot na nakakalat. Makikita mo rin doon ang dalawang pagkain na naghihintay ng madaluhan namin kasama ng isang boteng white wine at dalawang kandila na nagsisilbing liwanag sa hapag. Tumingin ako sa kanya na ngayon ay naghila na ng upuan para sa akin. "Salamat!" Ngitian ko naman ito.

"I'm totally impressed! I never thought that you will be this cheezy," sabi ko sa kanya sabay halakhak. Tumaas naman ang kilay nito sa sinabi ko habang sumisimsim ng wine mula sa kanyang baso.

"Basta para sa'yo." Nagkibit-balikat na lang ito. Doon ako napatahimik mula sa pagtawa at agad tumingin sa kanya. Hindi ako tanga para hindi maramdaman ang kung anumang espesyal na tingin niya para sa akin pero ayoko namang kagatin ang ideyang may nararamdaman siya para sa akin para lang masalba ako sa kung anumang mayroon akong issue. Bumagsak ang tingin ko sa pagkain na inihanda para sa amin. "Anyway, let's eat!" anyaya niya sa akin na siyang bumasag sa katahimikan na namagitan sa aming dalawa.

Tahimik lang kaming kumakain nang biglang tumunog ang isang pamilyar na kanta.

I remember the times we spent together on those drives

We had a million questions all about our lives

And when we got to New York, everything felt right

I wish you were here with me tonight...

Ipinilig ko na lang ang ulo ko sa maaring maalala ko sa kantang iyon at ibinaling ang atensyon kay John na ngayon ay hindi man lang nag-aabala para sagutin ang kanyang cellphone. Saglit niya lang tinignan ito kung sino ang tumatawag sa kanya bago niya ito tuluyang pinatahimik.

"It must be important, ba't di mo sinagot 'yung tawag?" nagtatakang tanong ko sa kanya. Umangat naman ito ng tingin sa akin bago isubo ang steak na kanyang kinakain na parang wala akong sinabi. Ugh! Bipolar talaga. "It's not that important. And besides, we're eating. Tatawag naman 'yun ulit." O-kay. So that's his point. Fine. Ipinagkibit-balikat ko na lang iyon at ipinagpatuloy ang pagkain. Panaka-naka akong sumusulyap sa kanya. Laking pasasalamat ko talaga at may isang taong ganito magpahalaga sa mga bagay na binabalewala o nababalewala ko.

"Sai, what's wrong?" Naramdaman ko na lamang ang kamay ni John sa aking palad na nasa ibabaw ng mesa. Nakita ko sa kanya ang pag-aalala. Ngumiti na lamang ako ng pilit sa kanya at hinigpitan ang pagkakahawak sa kamay nito.

"I'm okay. I'm just happy. Pinaghandaan mo pa talaga ang birthday ko na ako mismo ang nakalimot. Umuwi ka pa talaga para dito."

Humugot siya ng malalim na hininga at tumayo na sa kanyang upuan. Sinundan ko lang siya ng tingin hanggang sa hinawakan nitong muli ang aking kamay at pinagsalikop ang aming mga daliri. Nag-squat ito sa harapan ko at hinalikan niya ang likod ng aking kamay. Pinagmamasdan ko lang siya habang ginagawa niya iyon.

Sa totoo lang, hindi naman mahirap magustuhan ang isang taong katulad ni John—mabait, maalalahanin, mapagmahal, 'yun nga lang sagad sa kakulitan! Pero 'yung kulit naman na mahahandle mo at hindi ka mabu-bwisit. Minsan nga iniisip ko, paano kaya kung mas nauna ko siyang nakilala kaysa kay Patrick? Siguro wala ako sa sitwasyong pilit kong tinatakasan... siguro, hindi ako ganito nasasaktan. Pero, pwede rin namang mas masaktan ako, mas mahirapan, mas tumakas sa sitwasyong binibigay sa akin. Siguro. Hindi naman natin masasabi kung paano iyon maiiba. Pwede kasing hindi o pwedeng mas higit pa ang nangyari kaysa sa kung ano ang nangyayari sa akin ngayon. Kaso, nandito na ako. Nauna si Patrick, we end up not together... I choose not to because I can't deal with the pain. Masyadong masakit ang nangyari sa aming dalawa at hanggang ngayon ay damang-dama ko pa rin ang lahat ng iyon na parang kahapon lang lahat.

If I can turn back time and I have to choose between two roads? I'd rather pick the road where the end will be heading to John. Kung mauulit lang ang lahat. Ang kaso... imposible iyon. Life has no undo button—na kapag nagkamali ka, ibabalik mo lang ang lahat sa dati at maitatama mo na iyon. We only have options—to move on or let yourself be trapped on the past. And in my case, I chose to move on but it's no good. Naiwan pa rin ako. Nando'n pa rin ako sa araw na nawala sa akin ang lahat.

"Sai, alam kong alam mo kung gaano ka ka-importante sa akin. Mahal kita, Sai Lauren Martinez. Hayaan mo sana akong tulungan kitang maging masaya ulit. Maramdaman mo na nandito ako... minamahal ka. Hayaan mo sana akong maging parte ng buhay mo kung saan ang papel ko ay higit pa sa kaibigan. Hindi man sa ngayon, pero maghihintay ako hanggang sa kaya mo ng magmahal ulit—"

"John..."

"...maghihintay ako, Sai. Hayaan mo lang akong gawin ang lahat para mapasaya kita sa abot ng makakaya ko."

Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko. Para akong sasabog sa saya na at the same time nadudurog sa sakit na maibibigay ko sa kanya. Alam ko naman ang lahat ng kanyang sinabi kaya lang ayoko siya ikulong sa isang bagay na walang kasiguraduhan. Ayoko siyang umasa sa isang bagay na maaring hindi dumating. Napunta na ako sa ganoong sitwasyon at ayokong maramdaman niya ang kung anong naramdaman ko. Pero sa kabila ng lahat nang iyon, gusto ko rin namang subukan. Maaring ito ang magiging paraan para makalimutan ko ang lahat... ito ang magiging daan para unti-unti kong mabuo muli ang aking sarili.

Hindi ko na alam! Wala na akong maintindihan. Maging ang sarili ko ay hindi ko na maintindihan.

Ngumiti ako ng tipid sa kanya at lumebel sa kanya. Dumapo pa ang kanyang libreng kamay sa aking mukha para punasan ang takas na luha mula sa aking mata. Pumikit ako ng mariin at ginagap ang mga salitang inipon ko para masabi sa kanya. Humugot ako ng malalim na hininga bago ko tuluyang mabitawan ang mga salitang iyon.

"S-sige. S-subukan... susubukan natin."

"Thank you, Sai. Gagawin ko ang lahat. Pangako," maluha-luhang sabi nito habang pinupog ako ng halik sa mukha pagkatapos ay niyakap ako nang mahigpit. Hinayaan ko na lamang siya at ang sarili kong maramdaman na sa pagkakataong ito, pinipili ko ulit magsimulang muli... kasama si John.

Tama ang desisyon ko ngayon... naniniwala akong tama ako.

CrossroadsWhere stories live. Discover now