1 ♥

67 4 2
                                    

"Whooo! Yeah! Let's party guys," sigaw ko habang itinataas ang bote ng alak na hawak ko. Sa bawat sayaw, sa bawat pagdaan ng alak sa aking lalamunan, hindi ko maipaliwanag ang kakaibang saya na nakukuha ko. Ang sarap sa pakiramdam.

"Sai, tama na 'yan lasing ka na," pigil sa akin ni Jhen, ang isa sa kaibigan kong dinaig pa ang manang kung makaasta. Siya ang tipo ng babaeng hindi mahilig sa ganitong mga kasiyahan. Kahit kailan talaga ang K.J ng babaeng 'to. Himala na ngang sumama ito sa akin ngayon sa ganitong okasyon. Marahil inutusan ito ni Eri na samahan ako para mabantayan kaya pigil siya nang pigil sa ginagawa ko ngayon. Bakit ka pa pupunta sa mga party kung hindi mo rin naman i-e-enjoy? Ayoko namang umupo na lang sa tabi at panuorin na lang ang mga taong nagsasaya tapos ako hindi. No way!

"Ano ba?! Hayaan mo nga ako. Mag-enjoy pa tayo! Dali na. 'Wag ka ng KJ d'yan. Nasa party tayo wala tayo sa opisina," nangangalumatang usal ko sa kanya habang hinihila siya papunta sa dance floor. Nakikipagtagisan pa ito sa akin ng paghila. Ayaw talaga nitong sumama. Puff! Kj. Inirapan ko na lamang ito at hinayaan na lamang siyang maupo doon. "Ano ba? Sinamahan mo pa ako ditto tapos—"

"Hay! Bahala ka na nga uuwi na ako," pagputol niya sa sinabi ko. Tinalikuran na lamang ako nito at umalis na. Ang saya–saya dito uuwi agad? Anti–social talaga 'yun! Bahala nga siya sa buhay niya. Tutal hindi ko naman siya pinilit samahan ako dito. Dumiretso na ako dance floor at doon ay walang sawang sumayaw nang sumayaw. Hanggang sa mayroong lumapit sa akin na isang lalaki—matangkad, chinito, depina ang kanyang katawan at posturang postura na kung titignan ay nasa mid-20's na ang edad. Woah! Isa na namang isda sa gitna ng dagat ang nakita ko. Kailangan magawa ko ang nahanap kong misyon ngayong gabi.

'I'm going to get you boy' napangiti ako sa naisip ko. Wala na akong sasayanging oras kailangan ng lubusin ito. Lumapit ako sa kanya at sinayawan ito. Mukhang nakuha ko naman ang atensyon niya sa ginawa kong pagdikit sa kanya kaya hindi rin nagtagal ay kinausap ako nito. Gotcha!

"Hi, Beautiful," bati niya sa akin habang sumasabay na rin ito sa sayaw. Cool! May mapapatunayan na naman ako. Kagaya ng ibang lalaking nakikilala ko sa loob ng mausok, madilim, at maingay na lugar, ang isa ring ito ay bolero. Sabagay, pare-pareho lang naman silang lahat ano pa nga bang ikinakapagtaka ko? Iisa lang naman ang gusto ng mga lalaking 'yan sa'yo, e, ang maangkin ka. At kapag nangyari na 'yun, malamang iiwan ka na.

"Hi, Handsome," mapang-akit na sagot ko lang sa sinabi niya. Ngumisi lang ito at kinuha ang dalawang kamay ko para ipatong sa balikat niya. "Aggressive, huh?" Ang nasabi ko na lang nang may silay na ngiti sa aking mga labi. Hinapit naman ako nito lalo sa baywang at halos magkadikit na ang mga mukha namin at kaunti na lang magkakalapit na ang aming mga labi. "You're hot," mapang-akit na sabi niya habang nakatingin sa aking mga mata. Unti–unti ng bumababa ang tingin ko sa labi niya at pinagmasdan iyon. Hindi ko napigilan ang sarili kong magpadala sa bugso ng nararamdaman ko at bigla ko na lang siyang hinalikan. Sa una ay hindi ito sumasabay pero hindi naglaon, ay nagiging agresibo na rin ito at ang kanyang mga kamay ay bahagya ng humahaplos sa aking likuran. 'Shit! I need to stop this!" sigaw ng isip ko. Bigla ko na lamang siyang naitulak. "Thanks for the kiss," sabi ko sa kanya habang habol–habol ang hininga ko. Ngumiti lang ito ng bahagya at akmang hahalikan na naman ako pero pinigilan ko ito gamit ang aking hintuturo. "Na–ah! Once is enough, twice is too... much," mapang-akit na sabi ko sa kanya. Kumalas na rin ako sa pagkakahapit niya at lumabas na ako ng bar.

"Hey, What's your name?" pahabol na sigaw nito. Lumingon naman ako para sagutin ang sigaw ni cutie. "I'm Sai Lauren Martinez. Nice to meet you, Sweetie," pagpapakilala ko sa kanya bago tuluyang lumabas ng bar na 'yun. Puff! B-i-n-g-o! May isang lalaki na naman ang nagpatunay na sila ay pare-pareho. Kailangan mo lang alamin kung paano sumabay sa laro at alamin kung paano sila maglaro.

CrossroadsWhere stories live. Discover now