3 ♥

45 2 0
                                    

"Girls, sa tingin niyo ba seryoso sa akin si Re—"

"Oo na! Si Renz na naman? Lagi na lang si Renz. Paulit–ulit mo na 'yang tinatanong. Unli ka yata, e. Shunga ka ba talaga o manhid ka? O' baka naman tingin mo everything takes time?" Ngumuso lang si Jhen sa sinabing iyon ni Erika. Ako naman ay natawa na lang dahil sa kabaliwan nitong si Erika. Kahit kanta ginagamit na para lang i-parealize kay Jhen ang nararamdaman niya. Matagal nang manliligaw ni Jhen si Renz. Hindi naman matatanggi ni Jhen na mayroon na rin siyang pagtingin dito kaya lang may takot pa rin siyang na baka lokohin lamang siya nito. Hindi ko rin naman siya masisisi kung ganoon ang iniisip niya na maaring mangyari pero wala namang mawawala kung susubukan niya. Kahit ilang beses kasi pagsabihan ito, hindi rin naman siya nakikinig dahil pinapangunahan ng takot.

Pabalik na kami ng kani–kaniya naming area pero hindi pa rin natatapos ang kwentuhang "pag–ibig" namin sabi nga ni Jhen.

"Narinig mo 'yun, Jhen? Verse na sa kanta ang ginamit sa'yo. Taray mash up pa ang napili, o. Haha! Sana magising ka na at makapagdesisyon ka na. Ang dami niyo pang arte. Doon din naman punto niyo, haha!" mapang–asar na sabi ko kay Jhen.

Bahagya lang itong umismid sa akin at pinanlakihan ako ng mata. "E, ikaw? Kailan ka magigising diyan sa pinaggagawa mo?" Aba't... talaga namang... hays! Napakunot na lamang ang noo ko sa tanong na iyon. Nagkatinginan pa nga sila ni Erika dahil sa bigla nitong sinabi. Ilang Segundo rin ang bumalot na katahimikan sa pagitan naming tatlo bago magpalipad muli ng salita si Jhen, "Joke!" sabi nito at nag-peace sign pa kasunod ng walang humpay niyang pagtawa. "A-ang seryoso niyo naman. Haha!" habol pa nito. Tahimik lang kami ni Erika na tinitignan siyang mukhang nababaliw na sa kanyang joke na siya lang ang natawa. Kakaiba talaga ang babaeng ito. Isip bata talaga at walang preno ang bibig kapag nagsalita.

Nanahimik lang ang daldalitang si Jhen nang biglang nilagyan ni Erika ng chocolates ang kanyang bibig. Bahagya kong pinipigilan ang aking pagtawa sa ginawang iyon ni Erika. Buti na lang at kasama ko siya ngayon kung hindi ay baka kinatay ko na si Jhen ngayon at tinadtad ng pino dahil lang sa hirit niyang hindi ko nagustuhan.

"Masyado kang maingay. Mamaya ka na ulit mag-ingay 'pag lunch break na," iritang sabi ni Erika. Tumango tango na lang si Jhen na parang isang batang nabigyan ng kendi dahil sa ningning ng mga mata nito. Napangiti na lang ako sa kanila. Kung wala ang dalawang ito sa buhay ko, sigurado akong sa isang institusyon na ako pupulutin.

"Maiba...di' ba malapit na ang birthday no'n? Sa makalawa na 'yun? May regalo ka na ba? Kung ako sa'yo, hindi na ako bibili. Sagot na "oo" na lang ang ireregalo ko. Tipid na, dual purpose pa. Sa'n ka pa! Haha!" Nangiwi naman ito sa sinabi ko at humalukipkip. Gotcha! Magaling nga siyang mang-asa pero pikon din naman. Ganyan siya ka-bipolar.

Nang makarating na kami sa aming mga kani-kaniyang area, mayroon akong napansing isang maliit na box na katabi ng aking mga folder. Nakabalot ito sa isang gold na gift wrapper at mayroong ribbon na gold din. Napataas ako ng kilay sa aking nakita. 'Ano na naman kaya ito?' nagtatakang tanong ko sa aking sarili. Tinanong ko naman ang ibang mga tao na hindi umalis sa kanilang pwesto pero ang sagot nila ay simpleng "hindi ko alam." Pero, sino naman kaya ang maglalagay ng ganitong klase ng regalo sa lamesa ko?

Kinuha ko ito at binuksan, dito tumambad sa akin ang isang pulang box na sa unang tingin mo pa lang, maaring alam mo na kung ano ang laman sa loob. Dahan-dahan ko iyong binuksan at tumambad sa akin ang isang singsing na mayroong nakapalibot na diamond sa gitna na nagpapaningning dito; Isang pamilyar na bagay na naging parte ng buhay ko. Kalakip ng singsing ay ang isang note na nakalagay sa ilalim ng foam na nilalagyan nito.

'I'm very sorry. Can I have another chance? Can we still be together?' Ang mga salitang nakalagay sa sulat na bumuhay sa galit na nararamdaman ko. Hindi ko na pala kailangang magtaka kung sino ang gagawa nito sa akin. Sulat pa lang, alam ko na agad na siya na naman ang may ideya nito. Agad kong nilamukos ang papel at ibinato ang dalawang bagay na 'yun sa basurahan. Hanggang kailan niya ba ako papahirapan? Gustong-gusto niya yatang nakikita sa sitwasyong nadudurog ako. 'Yun yata ang gusto niyang mapatunayan, e—ang kayang-kaya niya akong mawasak ng paulit-ulit.

Bumalik na ako ng aking table at isa-isang iniaayos ang mga gamit doon. Ugh! Masyado pang maaga para hayaan ko ang sarili kong tuluyan na itong masira. Mas mabuti pang bigyan ko ng atensyon ang kailangan kong gawing presentation para sa meeting mamaya.

Nakasanayan ko na ang making sa nakakarelax na kanta bago gumawa ng kahit na anong kailangan kong tapusin sa opisina. Mas maayos akong nakakapagtrabaho kapag sumasabay ako sa bawat lyrics ng kanta sa aking playlist. Binuksan ko ang aking playlist at nagpatugtog ng naka-shuffle mode.

Standing by my window, listening for your call. Seems I really miss you after all~

Ugh! Bakit ganito ang kanta? Seriously? Random na nga ang pagpili ko ng kanta, e. Nang-aasar yata talaga ang panahon ngayon. Nakakainis! Agad ko na itong inilipa muli. Sana naman this time medyo maayos na ang mapili.

Magaan na ba ang 'yong paghinga
Bumalik ka na sa'kin
Klaro na ba ang isip sinta
Bumalik ka na sa'kin

"Bwisit! Ayoko na!" Mas mabuti pang magtrabaho na lang ako ng tahimik. Hindi ako makakapagrelax nitong mga mapang-asar na kantang ito sa playlist ko, e. Tatapusin ko na itong report na ito ng walang music! Puff!

"Hoy! Halos wasakin mo na ang keyboard mo girl. 'Wag mo masyadong reypin ang computer mo. Wala naman 'yang kasalanan sa'yo. Haha! Ano ba nangyari?" nagtatakang tanong ni Erika sa akin. Binigyan ko lang ito ng matalas na tingin na ikinagulat naman nito. "Whoa! Hindi po ako lalaban, Ma'am," sabi nito at nagpanggap na natatakot habang humakbang ito paatras. Panandaliang nawala ang inis ko at natawa sa ginawa niya.

"Haha! Ewan ko sa'yo! Mamaya ko na nga lang ikukuwento. Tapusin muna natin ang trabaho." Sumang–ayon naman ito at bumalik na sa area niya. Seryoso kong tinatapos ang hinihinging report sa akin nang biglang tumunog ang cellphone ko.

From: John

Alam kong hindi ka fan ng surprises pero... we'll see.

Eh? Ano namang ibig sabihin nitong si John? Napakunot naman ang noo ko sa message niyang iyon. Dahil likas na hindi ako mahilig magtext, tinawagan ko na lang siya para malaman ang kung ano mang plano nito. Sana hindi siya gumawa ng bagay na hindi ko magugustuhan. Humanda talaga sa akin 'yang lalaking 'yan kapag nagkataon.

Sai: Hey, what do you mean by—

John: Basta. Haha!

Sai: John Benedict Robles, isa! Umayos ka.

John: 'Bye, my princess...

Sai: Tse! Kadiri ka. Ano nga kasi—Ugh!

Bakit napaka-weirdo ng mga tao sa paligid ko? Hindi pa ako tapos magsalita binabaan na ako ng telepono. Pasalamat talaga siya at malayo siya sa akin ngayon kung hindi masasakal ko talaga ang lalaking 'yun. Kung may makakakita lang sa akin sa ginagawa ko ngayon, malamang ay mapagkakamalan na rin akong kasapi ng mga putiang tao na nagkukulong sa apat na sulok ng kwarto at paulit-ulit na nagbibilang ng 1-100 dahil sa pagkausap ko sa cellphone na hindi naman sasagot.

Nang maibaba ko na,napansin ko naman ang sandaling paghinto ni Patrick sa paglalakad at tinitiganako nito. Habang papalayo na siya, napansin ko ang hawak niyang box na simbolo ng masakit na alaala atgusto ko ng ibaon sa limot.    

CrossroadsWhere stories live. Discover now