9 ♥

12 1 1
                                    

When there's nothing left to hold, it's better to let go.

Iyon na ang naging mantra ko simula nung magkahiwalay kami ni Patrick. Dalawang taon—sa loob ng panahong iyon, naniwala akong may pag-asa pa. Na kaya pang ayusin ang kung anuman ang nasira. Umasa sa pagkakataong may mababago... pero nabigo lang ako. Nagpakatanga lang sa isang taong hindi naman pala ako kayang panindigan—na kahit ilang ulit mo pa siyang ipaglaban, wala na talaga.

Minsan nga iniisip ko, bakit kailangan niya pang bumalik sa buhay ko? Mas mabuti pang hindi na lang ulit siya nagpakita sa akin, e. Oo, nadurog ako nang sobra nung nawala siya sa buhay ko... pero may mas ikadudurog pa pala ako ngayong nagbabalik na siyang muli.

Gusto kong malaman kung bakit sa loob ng matagal na panahon, ngayon lang siya bumalik. Gusto kong maintindihan kung bakit mas pinili niyang lumayo sa akin kaysa ayusin naming ang problema. Gusto kong ipaintindi sa sarili kong may eksplenasyon ang lahat nang nangyari. Kaso, natatakot ako sa maari niyang isagot sa akin. Natatakot akong masira ang pader ng emosyon na pinundasyunan ko sa loob ng ilang taon para lang bigyan siya ng dahilan ng pagkakataong makapasok muli sa buhay ko... para bigyan siya ng karapatang saktan ako.

Dalawang taon—dalawang taon akong umasa para sa pagdating ng pagkakataong ito. 'Yung pag-asang babalik muli siya sa buhay ko, kahit na alam kong imposible. Kahit na alam kong mas malabo pa sa tubig kanal 'yung iniisip ko. At heto na nga, nandito na siya sa harapan ko... 'yun nga lang hindi na kami pareho ng pahina na kinabibilangan. Tao lang ako, e. Dumating na ako sa puntong napagod na ako, nagsawa, nanghinayang sa mga oras na napalipas ko dahil lamang sa paghihintay sa isang taong walang kasiguraduhan ang pagdating.

Tapos... ayun! Heto na naman siya. Nagpaparamdam ulit. Gumaagawa ng paraan kung paano maayos ang mga bagay na matagal ng sira. Na akala mo isa lang iyong makinang kinalawang na nangangailangan lang ng langis, aandar na ulit. Buo na ulit at makakapagsimula muli siyang gumawa ng magagandang produkto. Kung ganoon lang siguro kasimple ang lahat, hindi sana kami pare-parehong nahihirapan ng ganito.

Kung siguro nasa punto pa ako na nagpapakatanga pa rin akong naghihintay, siguro magiging madali ang ito para sa akin. Siguro, mas maibibigay ko ang hinihingi niyang kapatawaran at ang pagbawi sa pagmamahal ko na para sa kanya. Siguro... puro walang kasiguraduhang bagay.

Hindi ko naman itinatanggi na mahal ko pa rin siya hanggang ngayon. Pero, mas lamang 'yung sakit, e. Mas lamang 'yung sakit at ang kagustuhan kong makaramdam ng saya. 'Yun bang binibigyan ko ng chance ang sarili kong makaramdam ng pagmamahal mula sa sarili ko rin mismo. Kaso ang hirap ng nasa ganitong sitwasyon. Iisa lang kami ng lugar na pinagtatrabahu-han, isang grupo ng kaibigan, at nasa iisang lugar kami ngayon para sa partikular na okasyon—ang kaarawan ko.

It's time to move on; even though I'm not ready.

I've got to be strong, and trust where you're heading.

Sumimsim ako ng kaunting wine mula sa aking baso bago pinaikot-ikot habang pinagmamasdan ang pagbabanggaan ng yelo mula roon. Wala akong balak magpakalasing ngayon. Gusto ko lang mahugasan nitong alak ang mga bagay na gumugulo sa isip ko. Kahit sandali lang, kahit ilang minuto lang.

Even though it's not easy (not easy),

Right now the right kind of love...

"Sai, samahan mo ako, kuha tayo ng pagkain sa kusina," pukaw sa atensyon ko ni Eri habang abalang tumutulong kay Tita na magligpit ng lamesa. Tumango na lamang ako sa kanya at tumayo na mula sa aking kinauupuan. Sumulyap akong sandali sa mga kalalakihan na ngayon ay nasa aming garden para mag-inuman habang si Jhen naman ay feel na feel ang pagkanta sa karaoke. Mas gusto niya raw iyon kaya hinayaan na naming sa kanya ang trono. Para siyang CD na kanina pa tumutugtog dahil sa ayaw nitong magpaawat sa kakanta.

Mukhang lahat sila ay natamaan na ng impluwensya ng alak. Nakakatuwa ang hitsura ni Renz, pulang-pula ang mukha nito na umaabot na sa kanyang tainga. Pinupupog pa nito ng halik si Jhen sa kanyang hubad na balikat na siya naman niyang ikinakainis. Iritado niyang itinutulak ang mukha ni Renz palayo sa kanya para hindi siya maantala sa kanyang pagkanta. Nakakatuwa talaga ang dalawang ito. Para silang mga teenager na in-love na in-love sa isa't isa. Si John naman ay nakatungo na sa table. Madali siyang naapektuhan ng alak dahil pagod na rin ito mula sa byahe. At si Patrick... na mula sa pagkakatingin sa bote ng kanyang alak ay lumipat ang tingin sa akin. Ilang segundo rin iyon bago niya binawi ang kanyang tingin. Ngumisi ito na para bang nakakaloko, umiling-iling, bago siya tumungo para guluhin ang kanyang buhok.

Is a love that lets go (go, go, go)...

"Sai, ano na? Lika na," muling pagtawag ni Eri. Humugot na lamang ako ng malalim na hininga, ngumiti ng tipid sa kanya at dumiretso na sa kusina.

Tama! Tama nga 'yung sabi sa kanta. Right now the right kind of love is a love that lets go.

***

"Eri, may tanong ako." Saglit na sumulyap si Eri sa akin bago ituon muli ang kanyang atensyon sa pagsasalok ng spaghetti sauce mula sa lalagyanan nito.

"Ano 'yun?" balik na tanong naman nito sa akin. Kumuha ako ng tag-isang bote ng San Mig light para sa aming dalawa. Binuksan ko iyon at iniabot ko sa kanya.

"Mukhang seryosong seryoso 'yang tanong mo at kailangan pa natin ang tulong nitong buddy mo. Tungkol ba 'to kay Patrick?" natatawang sabi nito bago sumimsim mula sa boteng iniabot ko sa kanya. Sa mga ganitong pagkakataon kasi namin napag-uusapan nang maayos ang kung anumang problema ang gusto naming sabihin para gumaan ang dinadala namin kahit paano. Kahit si Jhen ay ganoon rin, 'yun nga lang ang kanya ay sa pamamagitan ng pag-inom ng kape. Isang beses ko pa lang siya nakitang sobrang natamaan ng alak... at hindi maganda ang resulta noon.

"Masama ba akong tao kung pinipili kong maging masaya sa paraang alam ko?" tanong ko sa kanya.

Humugot siya ng malalim na hininga pagkatapos ay sumimsim muli sa bote ng alak na kanyang hawak

"Sai, nag-usap na ba kayo? Hindi kasi kayo magiging masaya kung pareho kayong ganyan... nabubuhay sa puro katanungan."

At some point ng ating buhay, darating tayo sa puntong magkakaroon tayo ng maraming katanungan. Mga katananungang pinipilit nating hanapan ng kasagutan at kung minsan... tinatakasan na lang para hindi na malaman ang kung anumang maaring sagot doon. Oh, alam ko iniisip mo, ah, ka-duwagan 'yun. Alam ko! Pero, minsan kasi matatakot ka na lang, e. 'Yun bang gusto mo na lang na hanggang ganun na lang. Hanggang tanong lang. Kahit hindi na dumating 'yung sagot.

"Alam mo, Sai. Hindi kayo magkakaintindihan kung lagi mo siyang iiwasan. Hindi mo maiintindihan kung bakit niya ginawa ang mga nagawa niya. Bigyan mo siya ng pagkakataong maayos ang kung ano pang natitira sa inyo." Nginitian niya ako ng tipid at inilagay ang ilang hibla ng aking buhok sa likod ng aking tainga. "Di naman sa nangingialam ako, pero hanggang kailan mob a balak maging matigas? Para matapos na 'yan, mas magandang mag-usap kayo... para mas maging maayos kung anuman ang gusto niyong tapusin at simulant pareho," dagdag pa nito.

"Bahala na."

Wala na akong ibang masagot kay Eri—wala akong mabigay na excuse para ma-justify ang mga dahilan ko. Sa ngayon, hahayaan ko na lang muna—sa ngayon pipiliin ko munang maging masaya sa paraang alam ko.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jun 15, 2018 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

CrossroadsWhere stories live. Discover now