PROLOGUE

161 5 7
                                    

Sa bawat araw na lumilipas, hindi mawawala sa buhay ng isang tao ang problema. Maari niya itong takasan, iwasan, hindi bigyan ng halaga, damdamin, solusyunan, o pabayaan na lang. Ang mga desisyong ginagawa natin ang magsasabi kung ano ang mangyayari sa atin sa hinaharap. Ngunit, papaano kung isang araw ay bigla mo na lang maisip na hindi mo na kaya? Na wala ng pag–asa? Wala ng magagawa ang mga desisyong gagawin mo at hindi mo na ito pinahahalagahan?

"Sachi! Open the door!" utos ni tita. Siya ang bagong asawa ni Papa na ngayo'y nasa abroad para mag-trabaho. Naging mabait naman siya sa akin pero si Papa, sinasaktan niya ako. Wala siyang pakialam sa nararamdaman ko. Hindi niya ako pinapakinggan sa kung ano ang gusto kong sabihin. Iniisip ko nga kung bakit kailangan niya pa akong kuhanin kay Mama para lang saktan ako. Ang sakit! Ang sakit–sakit.

"Sachi! Open the door! You're ruining your life. Don't be such a fool." Hindi ko na lang pinansin ang mga sinabi niya. Hinayaan ko lang siya roon na sabihin ang gusto niyang sabihin. Siguro naging manhid na rin ang tainga ko sa mga salitang lagi kong naririnig mula sa mga tao sa paligid ko.

"Tss... Stop acting as if you are concerned. Just cut the drama and let me do whatever I want," sigaw ko sa kanya mula sa loob ng kwarto habang i-pinagpapatuloy ang pag–inom. Gusto kong mapag–isa. Bakit ba hindi na lang nila ako hayaan? Bakit ba hindi nila ako maintindihan?

Hindi ko namalayan na nabuksan na pala niya ang pinto. Tsk! "Sachi," malungkot na tawag niya sa akin. Hah! As if naman na tatablan ako ng drama niya.

"Get out!" paunang sabi ko sa kanya bago pa man ito tuluyang makalapit sa akin. Hindi naman siya natinag bagkus tinitigan lamang ako nito. "I said, get out!" Mababakas sa mukha niya ang lungkot habang tinitignan niya ako—habang tinitignan niya kung gaano ako ka-miserable.

Ilang saglit pa ay lumabas na rin naman ito. Dali–dali kong i-sinara ang pinto nang padabog. Naiwan na naman ako sa apat na sulok ng kwarto na 'to kasama ang bagay na tanging nakakaintindi sa akin... ang alak.

Ipinagpatuloy ko ang pag – inom hanggang sa ako na mismo ang sumuko. Higit sa pisikal na pagod, hindi maalis ng bawat bote ng alak na ininom ko ang sakit ng nararamdaman ko. Ang hirap! Ang sakit. Sana, matapos na ang problema na 'to.

Isang malinaw na pangyayari mula sa aking alaala ang aking nakita. Ginawa ko ang lahat nang maari kong gawin upang maging isang mabuting tao at para mapasaya ang mga tao sa paligid ko. Sinubukan ko maging isang mabuting anak, kapatid, kaibigan, at kasintahan para sa mga taong mahahalaga para sa akin. Pero, bakit nga ba ganun ang mundo? Minsan hindi mo talaga maiintidihan kung bakit nangyari ang mga nangyayari sa buhay mo. Oo nga, siguro everything happens for a reason. Pero, kailangan ba talagang paulit–ulit mong maramdaman ang kalupitan ng mundo?

Kadalasan, may mga bagay tayong ginagawa na hindi naman napapahalagahan o wala naman talagang halaga para sa kanila—mga bagay na akala mo ay kapag naibigay mo o naibahagi sa iba, pahahalagahan kagaya ng pagpapahalaga mo. Ang mga paniniwalang ito ay nabubuhay sa salitang akala. Masakit isipin pero 'yun ang katotohanan.

Kailan ba ako magiging masaya? Kailan ko ba mararamdaman ang tunay na pagpapahalaga? Malas ba talaga akong matatawag dahil sa mga problemang kinahaharap ko?

Ako, si Sai Lauren Martinez, at ito ang aking kwento.

CrossroadsWhere stories live. Discover now