Fifth

64.5K 2.8K 299
                                    

I took photography as a hobby but I didn't think that I would actually earn from it. I became a wedding photographer. Kinaya ko na kasi. Kinaya ko nang makakita ng mga masasayang tao na ikinakasal. Hindi na ako bitter. I was able to be happy that they are happy... and I was able to capture every cherished moments of their weddings.

I was asked by a wedding planner to be a photographer of this wedding. I agreed, of course. December wedding ang magaganap. Sabi ko sa sarili ko, this will be the last wedding I'd photograph.

Next year, ako naman ang maghahanap ng lalaking maghaharap sa 'kin sa altar. Maybe a year after that, ako naman ang ikakasal. Who knows? Ilang taon na rin naman akong single.

Mas maganda raw kung magmamahal ka kung kailan kumpleto ka. No chunk of your heart is missing. Para kapag nagmahal ka, kaya mo ulit ibigay ang buong puso mo. Dati akala ko, kapag nasaktan ka na ng isang beses, hindi ka na dapat magmahal ulit. Nasaktan ka na e, hindi malabong masaktan ka ulit. Hindi malayong masaktan ka ng paulit-ulit.

Pero hindi pala. Dahil hindi mo alam kung ang susunod mong mamahalin ay ang taong mamahalin ka rin pabalik. You should always take the risk. Trial and error, yes. Masasaktan ka, I'm not gonna lie, it could only get worse or better. But if you're not willing to take your chances, how can you be happy... right?

I smiled at the thought and went to the wedding with a happy face. Sila ngayon, ako... someday. Maybe God would give me the love I truly deserve someday. 'Yung hindi ako sasaktan. May tiwala ako sa Diyos. Ibibigay Nya ang taong nararapat para sa akin sa takdang panahon.

Maganda ang ayos ng simbahan. White Christmas kasi ang theme. Imbes na red ang carpet na nakalatag sa gitna ng aisle, pristine white ang kulay ng carpet and there are man-made snowflakes na nakakalat. The bride looked like the ice queen with a blushing face.

And the groom? Well... it's him.

Noong una, pareho kaming nagulat. Akala ko nga kapangalan lang nya yung nasa invitation e. Sya na pala yun. Oh, who am I kidding? Of course, I knew it's him. 

I have almost forgotten what he looks like. Nabigla rin sya nang makita ako. Ang laki na raw ng ipinagbago ko. Gusto pa sana naming magkumustahan kaso nakakahiya naman sa bride kung kikwentuhin ko ang groom sa araw ng kasal nya.

At the reception, biniro nya pa ako na libre na raw yung bayad sa 'kin. Kumain na lang daw ako ng marami. Magdala pa raw ako ng isang kalderong ulam kung gusto ko. Magkaibigan daw naman kami dati. Gusto kong mailing dahil sa sinabi nya. Magkaibigan? Hindi ko na matandaan ang panahong naging magkaibigan kami. Were we friends? Hindi yata. 

I just laughed at his jokes and said that much as I want to do just that—nanghihinayang ako sa perang ibabayad nila.

After his dance with his new wife, he pulled me in the middle of the dance floor and slow danced with me. Ang ironic lang na ang unang sayaw naming dalawa ay naganap sa mismong araw ng kasal niya. Mabuti na lang at hindi awkward. I was feeling calm, no heartbeat out of place.

Wala na sa 'kin lahat. Nakawala na yung lahat ng bitterness na dinala nya sa buhay ko. Masaya na sya ngayon at masaya na rin ako... para sa sarili ko at para sa kanya.

We parted ways as friends.

Six Degrees Of Separation [HERS]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon