< ix >

15.8K 279 18
                                    

< ix > 




[MICKI's PoV] 


Dumating ang Lunes. 


Ayoko sanang pumasok sa school. Parang ang bigat ng katawan ko eh. Pakiramdam ko wala akong lakas dahil sa pag-iyak na ginawa ko magdamag. Pero no choice ako. Kailangan kong pumasok kasi finals week na. 


Sa dalawang subject lang kami nag-exam ngayon. At swerte na lang kung may maipasa ako sa mga yun. Lutang ba naman ako buong araw eh. 


Tulala, buntung-hininga, maluha-- yan ang drama ko mula paggising ko hanggang ngayon. Wala ngang maka-kausap sakin nang maayos at wala akong pakealam kung anumang meron o nangyayari sa paligid ko. 


Basta ang iniisip ko lang ay... masakit.. nagsisisi ako.. tanga ako.. at sana makausap ko pa ulit si Kiel.. 


Oo, sumuko na ko kahapon sa relasyon namin pero dumarating pa rin yung point na gusto ko ulit makipag-ayos sakanya. Kung makikita ko nga lang sya ngayon, lalapitan ko sya at kakausapin pero malas.. papauwi na ko eh at di ko pa nakikita ni anino nya.. 


Naisipan ko ring itext sya pero.. di ko na tinuloy.. Alam kong iisnabin nya lang ako at ayoko nun.. Ayoko nang madagdagan pa tong sakit na nararamdaman ko.. 


Natawa ko bigla. Puro na lang ako sakit, sakit, sakit. Aba, ngayon lang ako nagdamdam ng ganito ah? Haha.. Pag-ibig nga naman oh.. Kaleche.. 


Dahil sa pagtawa ko eh yung mukha kong walang expression kanina ay nagka-ngiti na. Half-smile nga lang. 


Ayun. Nagpatuloy ako sa paglakad palabas ng campus ng nakahalf smile hanggang sa yung lakad ko eh unti-unting bumagal. 


Naalala ko lang yung times na itetext ako ni Kiel para asarin pero nandun lagi yung tanong nya na 'asan ka?'. Tapos bigla na lang sya susulpot sa kung nasaan ako para mas asarin ako pero sa huli, ihahatid nya ko pauwi. 


Ngayon ko lang narealize na madalas nya pala yun gawin sakin? At.. sa ganung way pala nya pinaparamdam ang pagmamahal nya sakin pero di ko man lang yun napansin noon.. Ngayon lang..ngayon ko pa yun napansin kung kailan wala na kami.. 


Nakangiti pa rin ako pero di napigilan ng ngiti ko ang pamumuo ng mga luha ko. 


Sana naman kasi.. Sana bumalik pa kami sa dati.. Sana.. Sana maulit pa yung mga times na yun.. 


Tumigil na ko maglakad at pinunasan ang mga luha ko nang may biglang humatak sa braso ko. 


"Hoy, Micki." 


Lumingon ako sa lalaking humatak at tumawag sakin. Sus. Si Haji pala toh, yung bestfriend ko. 


"Oh.. Haji.." nginitian ko sya. 


"Kanina pa kita tinatawag pero di mo yata ko naririnig." reklamo nya. 


"Baka naman pabulong mo kong tinawag kaya di kita narinig." 


"Adik." natawa sya. Hindi naman kasi sya loud na tao at mahina talaga ang boses nya pag nagsasalita. Pero pag kumanta ang lalaking toh..naku.. Parang di sakanya galing yung boses.. 


"Bakit mo ba pala ko tinatawag?" tanong ko. 


"Makikisabay lang palabas." 


"Ganun.. Edi tara.." naglakad na kami ulit nang sabay. 


"Pauwi ka na ba? Hatid na kita." 


"Oo pero wag na.. Iniisip ko pa kung dadaan ako ng bookstore eh.." Bookstore? Kailangan ko nga bang pumunta dun? O iniiwasan ko lang tong kaibigan ko? 


Ganun na nga siguro.. Gusto ko munang mapag-isa eh.. 


Kwentuhan lang kami tungkol sa final exams namin habang naglalakad. Hanggang sa marating na namin yung gate kung saan maghihiwalay na kami ng daan. 


"Nga pala Micki." biglang humarap sakin si Haji. "Totoo ba yung kinwento ni Kiel sakin kagabi?" 


Nakaramdam ako ng kaba. May kinwento si Kiel sakanya kagabi? Ano naman yun? Yung break-up ba namin? At yung.. yung ginawa ko? 


"Kagabi kasi nagkita kami sa Sylveries at ayun.. Nakwento nya na.. na nagbreak na raw kayo.." 


Masakit na naman. Parang gusto ko na namang umiyak. Para kay Kiel, talagang wala na kami, talagang wala na syang balak na makipag-ayos sakin. Binalita ba naman nya agad-agad sa barkada namin ang paghihiwalay namin. 


"Saglit nga lang kami nakapagusap kagabi kasi kailangan ko ring umuwi agad. Pero parang ayaw ko maniwala sa kwento nya. Kayo, naghiwalay kasi nagsawa na kayo at wala na kayong nararamdaman para sa isa't isa? Eh ang sweet-sweet nyo nga kahit lagi kayong nagtatalo." 


Natigilan ako sa kwento ni Haji. Sabi raw ni Kiel, naghiwalay kami kasi nagsawa na kami at di na namin mahal ang isa't isa? 


"Ano na nga ba, Micki?" bumalik ang tingin ko kay Haji. "Break na nga ba talaga kayo ni Kiel?" 


Pilit akong napangiti sa tanong nya. Ayoko sanang umoo kasi napakasakit pa rin talaga na tanggapin nun pero yun ang totoo eh.. 


"Oo Haji.. Wala na kami.." 


Natahimik sya saglit tapos tumango sya at ibinulsa ang mga kamay nya. "Sayang.. Bagay pa naman kayo.." 


Mas napangiti ako sa sinabi nya pero mas nasaktan din ako. Bagay nga kami pero ano naman? Wala na kami ni Kiel at ayaw na nya sakin-- sa tulad kong man.. manloloko.. 

That BreakupWhere stories live. Discover now