< i >

31K 431 15
                                    

< i >

[MICKI's PoV]

Ang tahimik naman dito...

Tsk. Ano pa bang aasahan ko? Eh nasa library ako?

Sinara ko na itong librong binabasa ko at tumayo na. Di ko na kaya eh. Ang hirap mag-concentrate 'pag sobrang tahimik ng paligid tapos napakaseryoso pa ng pagmumukha ng mga taong nandito.

Kukunin ko na lang yung iba pang mga libro na kailangan ko tapos uuwi na ko. Sa bahay na lang ako mag-aaral.

BANG! BANG! CHIK-CHIK. BANG! BANG!

Napatigil ako sa narinig kong tunog ng pagputok at pagkasa ng baril--na message alert tone ko!

Hinawakan ko nang mahigpit ang cellphone ko na nakasabit sa dibdib ko para humina ang tunog nito pero huli na ang lahat. Pinagtinginan na ko ng mga tao dito!

"S-Sorry! He-he-he!" Sabi ko sa mga kapwa ko estudyante na nandito. Yung iba sa kanila natatawa. Meron ding nakataas ang mga kilay na para bang naiinis sila.

Madali kong kinuha ang librong binabasa ko kanina at sa ako tumakbo papunta sa pinaka-sulok nitong library.

Walang tao roon. Napasandal ako agad sa isang shelf sabay kawala ng isang buntung-hininga.

Grabe. Nakakahiya yun ah! Napaka-iskandaloso ng ringtone ko! Bakit ko ba kasi nalimutang i-silent 'toh?! At sino ba kasi 'tong nagtext?!

Pinanggigilan kong gamitin 'tong cellphone ko. Chineck ko yung text.

Oh... Si Kiel pala itong nagtext...

Okaaay. Medyo nabawasan pagkabadtrip ko. Naexcite din ako ng unti. Boyfriend ko ba naman itong nagtext eh.

I opened the text message and read it.

from: kieltot

Micks! Hahaha wala lang. Gusto lang kita inggitin kasi pupunta kami ni Haji sa Sylveries. Hahaha nom-nwnm time! Eh ikaw ba ha? Asan ka?

Napasimangot ako.

Naexcite pa akong basahin yung text niya tapos ganito lang? Nagtext lang siya kasi gusto niya lang akong inggitin sa pagpunta nila ng kaibigan naming si Haji sa isang bar para uminom?

Napakagaling talaga ng hinayupak na yun...

Nagtype ako ng reply ko.

Wow... Nainggit naman daw ako... Kayo iinom habang ako busy mag-aral dito sa library... Hahaha geh...Iinom mo na lng ako ah?

Pagkasend ng reply ko, dahan-dahan akong napaupo sa sahig. Nanatili akong nakasandal sa shelf habang yakap ko ang mga tuhod ko.

Nakakainis... Naiinis ako... Nakakainis ka, Kiel...

Mahal kita eh, sobra...

Pero ikaw, mahal mo rin ba talaga ko?

Napa-sniff at naluha ako. Ay naman!

Bakit ko na naman ba kasi tinatanong ang tanong na yun sa sarili ko?!

Tsk. Lechugas talaga ang Kiel na yun oh. Dahil sa kanya, nagkakaganito ako!

Pinunasan ko na ang namuong luha sa mga mata ko. Gusto ko nang tumayo pero... wag na muna. Dito muna ko.

Nagmuni-muni na lang ako at nag-isip ng kung anu-ano para makalimutan si Kiel.

Pero sa huli, siya pa rin ang naging laman nitong bwiset na utak ko.

Kami ni Kiel, magte-ten months na pala kami?

Biruin niyo yun, halos magwa-one year na kami. Tumagal pa kami ng ganito kahit parang nag-gagaguhan lang kami.

Kasi naman. Kami nga--boyfriend ko nga siya at girlfriend niya ko--pero yung relasyon namin, parang katulad pa rin nung magbarkada pa lang kami. Yung tipong nag-aasaran, nagsasakitan physically, mga ganun.

May time din naman na... err... nagyayakapan kami, holding hands at kiss. Pero ang lahat ng yun, parang... parang napipilitan nya lang gawin.

Napipilitan...

Napabuntung hininga ako.

Ganun na nga yun eh. Napipilitan lang talaga siya. Napilitan lang naman siya na maging kami in the first place.

Eh paano nga ba naging kami?

Well, nagsimula yun nung magparty ang barkada namin after our high school graduation. Syempre, may inuman non. And that time, hindi pa ako sanay uminom. Dahil dun, una kong sumuko sa inuman.

Lumabas ako non ng bahay ni Haji, yung kaibigan namin na siyang may-ari nung bahay na pinag-inuman namin.

Nagstay ako sa garahe nila at umupo sa sahig. Grabeng sakit kasi ng ulo ko non.

Nagulat na lang ako nang tumabi ng upo sakin si Kiel. Tumabi sya para lang naman asarin ako na weak.

Pero di lang yun. May dala rin siyang bote ng malamig na tubig non. Pinilit niya kong inumin yun kasi makakatulong daw yun para mabawasan ang hilo ko. Totoo naman. Effective.

After that, nagkwentuhan kami, mostly tungkol sa ubod ng gulo naming high school life. Nag-asarin rin kami. Di naman mawawala yun eh. Magaling kaya mang-asar ang hinayupak na yun.

At sa di malamang kadahilanan, yung asaran namin, nauwi sa... halikan.

His lips on mine, it felt so good and perfect. Nagpumiglas pa ko non pero sa huli, sinagot ko rin ang halik nya.

Di ko naman din naitanggi sa sarili ko, na kahit naiinis ako sa ugali niya, nahulog pa rin ang loob ko sa kanya. Na kahit magbarkada lang kami na laging nag-aaway, nagawa ko siyang mahalin nang pasimple.

Pag-ibig nga naman. Nakakatanga lang.

Yung halikan namin non, papalagpasin at kakalimutan na lang sana namin yun eh. Kaya nga lang, may nakakita pala sa'min habang ginagawa namin yun.

Nakita lang naman kami ng buong barkada.

Nung summer vacation tuloy, di nila kami tinantanang asarin ni Kiel. Kesyo maging kami na lang daw, bagay daw kami, may future daw kami. Ayun, hanggang narindi na si Kiel.

Bago magsimula ang klase, bago kami nagsimulang mag-college, bigla na lang sinabi ni Kiel sa buong barkada na kami na.

Wala man lang ligaw-ligaw eh noh. Kami na agad. Agad-agad.

Pinangatawanan naman namin yun. At ito, himalang tumagal kami ng 10 months--10 months and still counting-- kahit ba frustrated much na ko sa relasyon naming dalawa.

Napa-sniff at naluha na naman ako. Tsk. Tama na nga 'tong kadramahan ko! Di bagay eh.

Tinakpan ko ang mukha ko gamit ang dalawang kamay ko sabay kusot na sa mga mata ko. Tumayo na ko pagkatapos at hinanap na ang librong kailangan ko.

Nang mahanap ko na yung mga libro, dumaan ako sa librarian tsaka umalis.

Sa labas naman ng library, napahinto ako bigla sa pagbaba sa hagdan.

May nakita kasi akong lalaking nakaupo sa dulo at pinaka-ibabang step nitong hagdanan.

Napangiti ako. Kilala ko ang lalaking yun eh. Sa cap pa lang na suot-suot niya eh alam ko na at sigurado ako. Siguradong-sigurado ako na si Ezekiel Chua ang lalaking yun.

Pero dapat nasa Sylverie's siya at umiinom ah? So bakit kaya siya nandito?

oxoxoxTBC~

That BreakupTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon