< final >

25.7K 682 104
                                    

< final > 

[EZEKIEL's PoV] 

Di ko alam kung gaano na ba ko kalayo mula sa bahay ni Kristine. Lakad lang kasi ako nang lakad dito sa beach habang tumitingin sa paligid. 

Bukod sa mga bahay na karamihan ay beach house din, may nadadaanan din akong ilang resort na may nakabukas na bilihan ng pagkain. Di sila mga tipong high class kaya naman pumapasok ako sa mga yun para hanapin si Micki. Baka kasi napagtripan lang nyang kumain at uminom mag-isa. 

Nagtanung-tanong din ako sa mga taong nandun. Dinescribe ko sakanila si Micki kaso lahat sila, wala raw nakita. 

Tsk. 

Sinabunutan ko ang sarili ko pagkalabas ko sa huling resort na pinagtanungan ko. 

"Micki.. Asan ka na ba?" inis kong tanong sa sarili ko. 

Natatakot na ko. Di ko na mapigilang mag-isip ng kung ano. Di kaya may nangyari nang masama sakanya? 

Umiling ako at hilot ng ulo ko. 

Di yun pwede. Hindi ko mapapatawad ang sarili ko kung may mangyaring masama sakanya. 

Tinignan ko ang cellphone ko. Si Haji kaya, di pa nakikita si Micki? 

Ayoko sanang sya ang unang makakita kay Micki pero ngayon mas gusto kong magkita na sila.. mas gusto kong malaman na buhay si Micki at ligtas.. 

Pero di pa naman ako kinokontak ni Haji. Ibig sabihin, di pa sila nagkikita. Tinawagan nya kasi ako kanina at sabi nya, magtawagan na lang daw kami kung may balita na kami kay Micki. 

Muli kong sinabunutan ang sarili ko at huminga nang malalim. Nilabanan ko itong lumalalang takot sa loob ko. 

Di ito ang tamang oras para sumuko. Hahanapin ko pa rin si Micki. Kung wala pa sya sa susunod na resort na madadaanan ko.. siguro.. kailangan na naming humingi ng tulong sa mga pulis.. 

Naglakad na ko ulit hanggang sa marating ko ang isa pang resort. Pumasok ako dun. Wala masyadong tao. May nakabukas na parang snack bar dun at meron ding ilang grupo na kumakain at umiinom. 

"Excuse me po!" nagmamadali akong lumapit sa babaeng bantay nung snack bar. "May nakita po ba kayong babae na.. na kaedad ko lang? Maliit sya sakin ng unti tapos hanggang balikat yung buhok? Pero nakatali pala yung buhok nya ah! Uhm.. tsaka naka-itim syang tshirt!" 

Natulala sakin yung babae na para bang nahihirapan syang intindihin ang mga sinabi ko. 

"Ano na, miss?" naiirita kong tanong sa babae. 

"Uhh.. Wala eh?" potek! Wala pala pinatagal pa! 

Tinalikuran ko na sya agad. 

Pagkalabas ko, tuluyan na kong nilamon ng takot. 

Wala si Micki dito. Wala sya sa mga una kong nadaanan na mga resort. Di naman siguro sya pupunta sa malayo para lang kumain at uminom NANG MAG-ISA. 

Bumigat ang loob ko. Gusto ko pa sana syang hanapin pero masyado nang gabi. Masyado nang malayo itong naabot ko. Dapat bumalik na lang ako sa beach house at humingi ng tulong sa barkada namin. 

Tuliro at nanlalata akong naglakad pabalik ng beach house. Pinilit kong mag-isip ng positibo pero kahit anong isip ko, mas nangingibabaw na talaga sakin ang takot. 

Habang naglalakad ako, nagring ang cellphone ko. May tumatawag. Madali ko yung chineck. Nabuhayan ako ng loob kasi si Haji yun! 

Sana, nakita na nya si Micki. Sana. 

That BreakupWhere stories live. Discover now