< iv >

18.4K 316 12
                                    

< iv > 




"WOOOOH!" umalingawngaw ang hiyawan at palakpakan ng mga tao sa loob nitong bar nang matapos ang huling kanta na tinutugtog ng banda namin. 


Lumakas pa ang hiyawan nila nang nagpahabol si Jommel ng maiksi pero napakalupit na pagtugtog sa drums nya! 


Grabe.. Pitong kanta ang tinugtog namin at sobrang nakakatuwa isipin na sa lahat ng kanta na yun eh sinabayan kami ng mga tao dito. 


Tumingin ako sa table ng mga kabarkada ko. Kumakaway sina Candy at Andrea sakin. Buti kaway na lang. Eh kanina habang tumutugtog kami, lumalapit pa silang dalawa dito sa stage para hiwayan at picturan ako na para bang napakasikat ko na! Mga adik. >.< 


Yung iba sakanila, kahit nandun lang sa table eh kita kong nag-enjoy sa performance namin. 


Si Kiel din.. Nandun lang sya at talagang pinanood ako. Di ko nga alam kung inaalis nya ba ang tingin nya sakin? Kada tingin ko kasi sakanya, nakangiting nakatingin din sya sakin. Feeling ko nga hindi sya nakurap eh. >///< 


Hindi sa nagrereklamo ako pero..medyo hindi lang ako makapaniwala. Di ako makapaniwala na ang hinayupak kong boyfriend ay niregaluhan ako ng gitara tapos ayan, pinanood nya pa ko sa unang pagtugtog ko sa isang banda. 


Hindi talaga kapani-paniwala pero totoo ito eh. At masaya ako. Napaka-saya. :)) 


Pagbalik ng banda ko sa kwarto namin, nagbukas kami ng canned beers at nagtoast para sa successful debut ko sakanila. ^^ 


Pero nagpaalam din agad ako sakanila kasi gusto ko nang puntahan ang barkada ko. Nahiya pa ko pero ayos lang naman daw yun sakanila kaya tumuloy na ko. 


"Wait, Micki!" pinigilan ako ni Lou sa paglabas ng kwarto. 


"Bakit Lou?" 


"Uhm.. Mamaya ah, may duet pa tayo.. Baka malimutan mo.." nag-sad face sya. Awww. 


"Lou? Di ko yun pwede malimutan noh. Di bale, babalik ako dito bago tayo magperform para makapag-practice pa tayo kahit saglit." nag-wink ako sakanya. 


Ngumiti naman sya tsaka ko umalis. 


Pagdating ko naman sa barkada ko, pasigaw lang naman nila akong sinalubong! Nakipag-apir ako sakanilang lahat bukod kay Kiel, tapos binigyan nila ko ng isang shot ng alak. Ininom ko yun, BOTTOMS UP! 


After that, tinanong ko si Haji about sa performance ko. I need his feedback. May alam kasi toh sa music kahit papaano. 


"For a first timer na tumugtog kasama ang isang banda at sa harap pa ng maraming tao..hmm..masasabi kong magaling ang pinakita mo, Micki. Sabi ko naman sayo diba, may future ka talaga sa music." sabi ni Haji. 


Natawa naman ako. "SERYOSO YAN AH, HAJI!" 


"Oo naman." ngumiti sya. Sana lagi na lang syang ngumingiti. Mas bagay sakanya. "Si Kiel kaya, tanungin mo rin." 


Napatingin ako kay Kiel. Kausap sya ni Andrea pero parang di naman sya nakikinig. Tulala lang sya sa kawalan. 


"Sige, salamat Haji." tinapik ko sya sa balikat tapos umupo na ko sa tabi ni Kiel. 


"AYIEEEEE~" sigaw nina Andrea at Candy with matching takip sa bibig! Pag nagsama talaga ang dalawang toh.. =___= 


Napatingin na sakin si Kiel. Parang nagkagulatan pa kami. 


Nagkatinginan kami pero walang nagsalita samin. Hindi rin sya nakangiti. May problema ba? 


Tss. Kumuha na lang ako ng barbeque at kinain yun. Gutom na gutom na kaya ko! Hindi ako kumain kaninang break namin eh. 


"Tsk." rinig kong sabi ni Kiel. 


Napatingin ako sakanya. Pinunasan naman nya bigla ang gilid ng lips ko. 


"Kababaeng tao, ang baboy kumain." sabi nya. 


=///= 


"Sorry naman.." kumuha ko ng table napkin at pinunasan ang sarili ko. 


Busy ako magpunas nang mapansin ko si Kiel na nakangiti sakin. Ano ba toh. Kanina mukhang aburido, ngayon naman nakangiti. 


"Hmm.. Ang galing mo kanina.." mahina nyang sabi. 


Mahina lang yun pero ang lakas ng impact sa puso ko. 


"A-Ano yun?" kunwari pa ko na di ko narinig. Hehe. Okay lang, maingay naman masyado dito. 


Lumapit sya ng upo sakin. Umakbay sya sa sandalan ng upuan ko at nilapit ang mukha nya sa balikat ko. 


"Sabi ko, ang galing mo kanina." bulong nya sa tenga ko. 


Talagang inulit nya ah? 


"T-Totoo?" tanong ko sakanya. 


Nag-sigh sya. "Ay hindi. Hindi ka magaling. Yung mga ka-banda mo lang ang magaling. Tss-- AW!" sinapak ko sya sa braso nya. 


"Bwiset toh.." kumain ako ulit sabay tagay at inom. 


"Oi, oi, wag ka masyado uminom ah." pabulong nya pa ring suway. 


"Bakit naman? Kailangan ko icelebrate yung successful debut ko sa banda namin noh." =3= 


"Basta, wag ka masyado uminom." 


Tumingin ako sakanya. At dahil nasa balikat ko ang ulo nya, sobrang nagkalapit ang mga mukha namin. 

That BreakupWhere stories live. Discover now