< xii >

15.7K 274 12
                                    

< xii > 




[EZEKIEL's PoV] 


"KIEL! SAN KA PUPUNTA?!" sigaw ni Luke na nagpapalutang sa dagat kasama si Candy at si Haji. 


HAJI.. Tsk.. Ah, nandito nga pala kami sa may Rocky Edge. Mabatong parte toh nitong beach at meron ditong medyo mataas na bangin na kanina pa namin tinatalunan para magdive. Kasawa na nga eh. 


"MAGPAPAHINGA LANG AKO!" sigaw ko rin kay Luke. Tuluyan na kong umahon at nagpatuyo sa may pwesto namin. 


Doon, chineck ko ang oras sa cellphone ko. 5 na pala? 5 na pero wala pa sina Andrea, Kristine at.. at si Micki.. 


Bigla akong napatingin kay Haji nang maisip ko si Micki. 


Nandun sya sa dagat kasama yung magsyota at ang saya-saya nya ah.


Tsk.. Naiinis pa naman ako pag nakikita ko syang masaya.. lalo na pag kasama nya si Micki.. 


Di lang yun. Naiinis din ako pag inaasikaso nya si Micki. 


Naiinis ako pag NAG-NGINGITIAN sila. 


Naiinis ako sa ginawa nya kaninang pagbuhat kay Micki sa may dagat. 


Naiinis ako sa pagkanta nila nang sabay kanina bago kami nagtanghalian. 


AT NAIINIS AKO SA NARARAMDAMAN KONG TOH SAKANILA. 


"Bwiset.." inis kong bulong sabay sabunot sa sarili ko. 


Alam ko, NAGSESELOS ako. Pero wala sa lugar ang selos na toh eh. Oo, mahal ko pa rin si Micki pero mas nangingibabaw naman ang galit ko dahil sa ginawa nya sakin. Isa pa, wala na kami para magreklamo ako. Tsaka si Haji pa tong pinagseselosan ko-- si Haji na kaibigan namin, si Haji na natural nang maasikaso saming mga kaibigan nya, lalo na kay Micki na isa sa 'bestfriend' nya. 


Siguro hindi lang na ko sanay na ganyan sya kay Micki. Nang maging kami kasi ni Micki, pansin kong naglay-low sya. Parang, hinayaan nya na ako na ang gumawa ng pag-aasikasong ginagawa nya para kay Micki. At ngayong wala na kami.. ayan na naman sya.. at di ko yun nagugustuhan.. 


Hinilamos ko ang mga palad ko sa mukha ko. Gusto ko nang mawala ang bwisit na pagkainis na toh. Hindi tama eh. 


"Wui Kiel?" napahinto ako sa pagtawag na yun ni Andrea mula sa likuran ko. 


Si ANDREA.. Nandito na sya. Edi malamang, nandito na rin si Micki! 


Nilingunan ko sya at agad kong hinanap si Micki. Pero si Kristine lang ang nasa likuran nya-- si Kristine na nakataas ang isang kilay na para bang nawiweirduhan sya sakin. 


"Anong nangyayari sayo Kiel?" tanong ni Andrea. Lumuhod sya sa buhangin at inayos ang dala nyang shoulder bag na may laman na mga sandwich. 


"W-Wala ah.." sagot ko. Tumingin ako sa kaliwa kung saan sila galing. Tinignan ko kung may Micki ba na pasunod pero wala naman. Tsk. Asan na ba sya? Bakit di sya kasama nina Andrea? Tulog pa ba sya? 


"Si Micki hinahanap mo noh, Ezekiel?" tanong ni Kristine na naka-half ngisi. 


Gulat akong napatingin sakanya. Masyado ba kong halata? 


"Huh? Ah, hindi noh." nagmaang-maangan ako. Lumuhod ako sa tabi ni Andrea at kumuha ng sandwich na agad kong kinain. 


"Si Micki.." tumigil sa pag-aayos si Andrea at natulala. "May sakit sya kaya di sya nakasama.." 


Ako naman ang natigilan sa pag-kain at tumingin kay Andrea. "SAKIT? ANONG SAKIT?" 


Tumingin din sya sakin at kumurap. "Boses mo naman Kiel, parang may nakamamatay na sakit si Micki.. May lagnat lang yung tao noh.." O.o 


"A-Ah.. Tss.. Lagnat lang pala.." kumagat ako ulit sa kinakain kong sandwich at pilit na binalewala ang narinig ko na may sakit si Micki. Lagnat lang naman yun eh. 


Pilit ko nga yung binalewala pero.. hindi eh. May namuong pag-aalala sa loob-loob ko. Gusto ko syang makita. Gusto ko sya puntahan at alagaan. 


Kaya nga lang, ayokong umalis ngayon. Paniguradong pagdududahan at tutuksuhin ako ng dalawang toh pag gawin ko yun. Ayoko nun. 


Buti na lang, sinigawan nina Luke at Candy itong sina Andrea at Kristine para samahan sila dun sa dagat. Sumunod naman itong dalawa. Pumunta sila dun sa may bangin at tumalon at nagdive. 


Ayun, naging busy na sila kaya kinuha ko na ang pagkakataong toh para umalis. 


Nagbihis muna ko tsaka ko nagmadaling bumalik sa beach house. 


Tahimik doon nang makarating ako. Nakakakaba yung katahimikan. Kaya naman nagmadali ulit akong pumanhik sa taas. 


Isa-isa ko pang chineck yung mga kwarto roon. Ang dami naman kasi! 


Sa panglima at huling kwarto ko nakita si Micki. 


Nakahiga sya sa kanang kama, nakabalot ng kumot at tulog. Buti tulog sya. Di ko alam ang gagawin o idadahilan ko eh pag makita nyang nandito ako. 


Dahan-dahan akong lumapit sakanya at lumuhod sa gilid ng kama. 

That BreakupWhere stories live. Discover now