< xiii >

16.6K 283 13
                                    

[MICKI's PoV]

After dinner, tumuloy kami sa resto bar na pag-iinuman namin.

Nauna kami nina Andrea at Kristine doon. Naka-kotse kasi kami with Haji as our driver. Yung magboyfriend naman, ayun, naglakad lang kasama si.. Kiel..

Si Kiel, talagang iniiwasan ako.. :/

Pero di bale Micki! Masasanay ka rin! Makaka-move on ka rin! At sana, sya rin..

Sana mapatawad na nya ko at bumalik pa sa pagkakaibigan ang relasyon naming dalawa..

Medyo natawa ko sa huli kong naisip.

Kami ni Kiel? Babalik pa sa pagiging magkaibigan? Pagkatapos ng ginawa ko sakanya? Ha.

ASA PA KO.

"Okay guys, dito muna kayo. Asikasuhin ko lang yung foods and drinks natin." sabi ni Kristine na pinapwesto kaming tatlo sa isang corner-table tapos umalis na sya.

Buti na lang anak sya ng may-ari nitong resto bar at nakapagreserve sya ng table para samin kundi, wala na kaming mapupwestuhan ngayon sa dami ng taong nandito.

Ang mga taong nandito.. ang sasaya nila habang nakikipag-inuman at nakikipagkwentuhan.. Parang mga wala silang problema ah..

"Uy uy, teka lang ah, Haji at Micki!" tumayo si Andrea at inayos ang buhok nya pati ang suot nyang club dress. "Hihi. May pupuntahan lang ako dun!"

Wala pa kaming nasasagot sakanya ni Haji eh umalis na sya agad. Pumunta sya dun sa may counter at tumabi sa isang lalaki na mag-isang umiinom . Tss. Type nya ang lalaking yun kaya popormahan nya. Andrea talaga, ang harot. Palibhasa, single.

"Desperado na si Andrea." natatawang sabi ng katabi ko na si Haji.

Tumingin ako sakanya. Umiiling-iling sya na natatawa. Parang nahawa tuloy ako at natawa na rin. Sa aming magbabarkada kasi, si Andrea na lang ang walang 'experience' sa pakikipag-relasyon.

"Ikaw ba Micki, di ka pa maghahanap ng pamalit kay Kiel?" tanong bigla ni Haji. Pabiro ang tono nya pero malakas ang impact nun sakin. Natigilan tuloy ako sa pagtawa. Unti-unting nawala ang ngiti ko.

Pamalit daw kay Kiel..

Pero di ko kayang palitan si Kiel eh.. Mahal ko sya..

Tsaka parang ang kapal ko naman nun kung ako pa ang hahanap ng kapalit nya eh ako nga tong nangloko..

"Uh.. Hahaha.." pilit akong tumawa at ngumiti kay Haji. "Di na.. Ayoko pa.. Haha.. Ah Haji, iinom ako ng marami ngayong gabi ah!"

Di sya sumagot. Nakatitig lang sya sakin, emotionless. Para bang.. sinusubukan nyang basahin ang mga mata ko. Tumingin na lang ako sa malayo para iwasan ang tingin nya.

"Basta Haji, ikaw magbubuhat sakin pauwi pag nalasing ako, okay okay?! Hahaha" sabi ko pa habang nilalaro ng mga daliri ko yung table. Tsk. Kinakabahan ako eh. Yung tingin kasi ni Haji, alam ko, nagdududa na sya-- pinagdududahan na nya kami ni Kiel.

Naman oh. Kaninang tanghali, gusto ko nang sabihin sakanya ang tungkol sa sitwasyon namin ni Kiel. Tapos ngayon, ewan..natakot na ko. Pakiramdam ko kasi, parang magkakagulo pag malaman nya.

"Micki." kalmadong tawag ni Haji pero nakakatakot pa rin ang dating nun sakin.

"Ba.. Bakit?" sagot ko nang di tumitingin sakanya.

"Tumingin ka nga sakin."

Napapikit ako sa utos nya. Sigurado ako, nakaramdam na sya.

"Micki." tawag nya ulit.

That BreakupTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon