Chapter 63 ♬ Unspoken Truth

39.9K 738 68
                                    

Chapter 63

(Revised & Edited... medjo okay na kasi sya sa akin eh. LOL)

 

 "Serene!" si Niel, kasama si Nathan na kapapasok lang sa pintuan ng kwarto ni Jace.

"Halika na kailangan na nating umalis dito." 

Hawak ang kaliwang balikat ko tinulungan akong tumayo ni Niel sa kinauupuan ko. Pinilit kong magpumiglas pero nanatiling mahigpit ang pagkakahawak nya sa akin.

"Teka teka sandali lang Niel! Bakit ba?"

Lalabas na sana kami pero bago pa man mangyari yun biglang sumarang muli ng napakalakas ang pinto. Napatingin kami sa may gawa nito at nakita si Jace na nakaangat ang kamay mula sa pagkakasara nito. 

"Niel. Bitawan mo si Serene." 

"Jace kung talagang mahal mo si Serene aalis ka sa pinto at padadaanin kami. Ayaw namin ng gulo."

Nagkatitigan sila ng mansinsinan pero agad ding napawi yun matapos kaming makarinig ng yabag ng mga paa at sumunod dun ay ang sunod sunod na katok sa pintuan.

"Boss, nakakuha na po kami ng lead tungkol sa pinapahanap nyo. Kailangan na po nating umalis dahil madami pa kayong pupuntahan at pipirmahan. Nakaschedule na rin po ang meeting nyo with 'The Highest' ngayong hapon."

 

B-boss? T-the H-highest? Di ba yun yung--

"Serene. I'm a gangster..." mga katagang binigkas nya bago pa man pumasok sila Niel kanina. 

Hindi naman siguro di ba? Maraming gangster dito sa mundo at posibleng nagkataon lang na 'Boss' din ang tawag kay Jace. Kung gangster sya tulad ko ibig sabihin maiintindihan nya ang sikreto ko dahil magkaparehas lang naman kami.

Pero sana hindi. Sana mali ang iniisip ko. 

Mas lalong humigpit ang hawak sa akin ni Niel habang tuloy pa rin ang masinsinan nyang titig kay Jace. Naramdaman ko rin ang biglang pagkapal ng hangin sa paligid kasabay ng naaalarmang tingin sa akin ni Jace. 

"Boss?" patuloy na pagkatok sa labas "Nanjan pa po ba kayo?" 

Sa pagkakarinig ng pagbubukas ng doorknob, naging mas tense pa ang pagkakatayo ni Niel bago ako agarang hinila sa direksyon kung nasaan ang bintana. 

"Hindi maganda 'to, trap tayo." napatingin ako sa ngayon lang nagsalitang Nathan. Pareho sila ni Niel na hindi mapakali sa kinatatayuan nila, nagpupuntahan sa bawat bintana o kahit saang butas na makita nilang maaaring labasan.

 "Serene kahit anong mangyari wag kang bibitaw sa akin ah?"

 "Niel wag mong sabihing tatalon tayo jan?" 

Tumango sya sa akin. Sasabihin ko pa sanang nagbibiro lang sya pero nakita ko ang kaseryosohan sa kanyang mga mata. What the hell! three storey itong palapag ng kwarto na kinatatayuan namin. Hibang na ba sya? Napatingin ako sa baba at nakita na may truck na nakaparking kaya ok pa rin ang paglapag namin lalo na't natrain na kami sa mga sitwasyong ganito. Pero wag ka ah! tatlong palapag pa rin ang babagsakan namin!

Listen To My SongTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon