Chapter 55 ♬ Answered Puzzles

44.5K 744 70
                                    

Chapter 55

(Revised & Edited.)

 

Jace's POV

Matindi ang naramdaman kong kaba matapos malaman na gagawin nilang patibong si Serene laban sa akin. Pero mas matinding kaba ang naramdaman ko ng may marinig na pagpunit ng damit. 

Hindi pwede...

Ayokong mawala sya sa akin...

Hindi ko kaya.

"Serene!" mabilis na lumapit si Niel sa kanya. Bigla syang ikinulong sa mga bisig nito at dahan dahan na inilayo papalayo sa amin.

Wala akong ibang magawa kundi manuod dahil nakita ko sa mata nya ang galit at lungkot na nakapagpapako sa mga paa ko. Kaya ba niyakap sya ni Niel para ilihis ang tingin nya sa tinititigang tattoo? Muli akong napatingin sa tinitingnan nya at nakita ang tattoo na dragon ni Pietr sa may bandang likod. Parehas na parehas ng sa likod ko since nasa iisang gang lang naman kami. Isa rin itong simbolo para sa susunod na magiging pinuno.

"Master we need to go."

"Leave me alone Aries!" 


May biglang sumulpot na nakaitim na damit sa tabi ni Pietr. Tinutulungan sya nitong tumayo ngunit ayaw nyang magpatulong. Maya't maya may dumating pang isa at narinig kong tinawag nya itong 'Lynx'. Wala pang ilang sandali nawala na sila sa paningin ko dahil sa mabilis nilang paggalaw.

Hindi ko damit ang napunit at mas lalong hindi ang tattoo ko ang nakita nya pero ang pakiramdam ko akin mismo ang nakita nya at hindi kay Pietr. Pakiramdam ko rin, ito ang isa sa mga bagay na hindi nya dapat nakita pa.

Serene's POV

 

"Yung dragon na tattoo... yun yung..." bulong ko sa sarili ko. Kahit anong gawin ko hindi ko matapos tapos... hindi ko masabi ng malakas... na ang dragon na tattoo na yun isa sa mga palatandaan ko nung araw na mawala si kuya. 

 "Ssshhh...taha na, ayokong nakikita kang umiiyak." nagulat na lang ako ng may pinunasan syang luha sa mga mata ko. Sa sobrang dami ng iniisip ko ni hindi ko namalayan na lumuluha na pala ako. 

"Sino sila Niel? Saan gang sila galing?"

Iniwas nya lang ang tingin nya sa akin.

"Niel sabihin mo! Karapatan kong malaman yun!" hindi ko napigilan ang sarili ko at napasigaw. Dala na rin siguro ng galit na kanina ko pa pinipigilan na lumabas. Hinawakan ko ng napakahigpit ang damit nya pero kahit anong gawin ko ayaw nya akong tingnan sa mata. 

"I'm sorry Serene pero hindi ko pwedeng sabihin sayo."

"Bakit? Alam mo bang matagal na namin silang pinaghahanap ng gang ko sa Canada? Niel mahalaga 'to sa akin kaya please naman o, wag mo ng ipagkait sa akin na malaman ko ang totoo." 


All this years, si Pietr lang pala ang magiging susi sa paghahanap namin sa kanila. Bakit hindi nila sinabi 'to sa akin agad? Bakit kailangan pa nila itago ang totoo sa akin na kilala naman pala nila ang gang na pumatay kay kuya? Ang masakit pa roon, sa lalaki pa na minahal ko ng lubos noon.

Listen To My SongTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon