Chapter 10 ♬ He's Strange

67.4K 1.2K 82
                                    

CHAPTER 10 – HE'S STRANGE

SERENE

Nagbasa lang ako saglit ng libro pero hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako. Saktong 4:30 ng hapon noong magising ako. Noong una ayaw pa nitong magsink-in sa utak ko ngunit noong tinitigan ko ito nang matagal at pumatak na nga ang panibagong minuto, tuluyan nang nanlaki ang aking mga mata.

Magsisimula na ang Music Camp at narito pa rin ako!

Halos kumaripas ako ng takbo palabas ng kwarto ko nang may nanlalaking mga mata. Wala nang hila-hilamos. Wala nang suklay-suklay. Tumakbo ako roon sa hallway na akala mo may humahabol sa aking mga zombies at dito nakasalalay ang buhay ko.

Tumunog ang cellphone sa aking kamay. Muntik pa itong tumalon mula sa mga kamay ko dahil sa gulat.

"Serene, nasaan ka na? Kanina ka pa namin hinahanap." Boses ni Niel mula sa kabilang linya. May naririnig akong sigawan at palapakan sa likod niya. Naku po, huli na nga ako!

"Ito na, ito na. Tumatakbo na ako papunta riyan!"

"Tumatakbo? Teka? Have you just woke-up?" Narinig ko ang pagtawa niya. Naramdaman ko ang pamumula ng aking mukha dahil sa hiya.

"Hindi ah!" tanggi ko pa kunwari, pilit na isinasalba ang sarili.

"No wonder you're not picking your phone. Kanina pa kita tinatawagan."

Sandali kong sinulyapan ang cellphone ko at nakita ang mga text at notifications doon na ngayon ko lang napansin. Sandali akong napahilamos ng mukha.

"Galit ba si Mr. Valdez sa pagiging missing in action ko?"

"Slight. I guess?"

"Niel naman, huwag ka namang manakot!"

Mas lalo siyang tumawa. "I was just teasing. Hindi. Hindi siya galit. Nagtataka lang siguro. Akala nga niya nagback-out ka na."

"Sa layo ba naman nito. Anong sasakyan ko pauwi ng Manila?"

"Ayun nga ang sabi ko sa kanya—Ha? Yes, yes. I'm actually talking to her now." Kasabay ng pagsasalita ng isang kausap ay ang narinig kong anunsyo ng isang taong nagsasalita sa mikropono, sunod ay ang panibagong palakpakan sa kabilang linya. Binilisan ko lalo ang paglakad-takbo. "Ah Serene. Sabi pala ni dad dalian mo raw. We actually saved a seat for you already. Punuan na ang tao rito sa main camp. Kaya dalian mo."

"Oo ito na. Malapit na ako." Nakarating na ako sa sinasabi niya pero tama nga siya, sobrang dami ng tao! Doon malapit sa may dalampasigan ay ang tinayo na katamtamang laki na stage. Sa harap nito ay may mga nakaupong judges at sa likod ay ang mga estudyanteng nakaupo sa buhanginan upang panoorin ang mga susunod na mangyayari.

"Welcome to our Music Camp 2011! Are you guys excited for today? Yes, of course I'm sure you do. Lalo na at nandito na ang ating mga bigating panauhin na talaga namang pinakaabang-abangan ng lahat..." Inilapit ko lalo sa tenga ang cellphone dahil hindi ko na siya marinig sa gitna ng sigawan ng mga tao. "Saan kayo banda?"

"Ha? Hindi kita marinig Serene!"

Tinakpan ko ang mga labi ko at nilakasan ang boses. "Sabi ko nasaan kayo!" Nagbiro ang announcer sa likod ko kaya biglang nagsitawanan ang mga tao sa paligid.

"Nandito kami malapit sa harap. Malapit doon sa tabi ng isang puno ng mangga." Sabi niya sa akin kaya nagpalinga-linga ako sa paligid.

"Sobrang daming mangga rito sa paligid Niel. Puwede bang tumayo ka na lang para makita kita?"

"Oo sige. Sandali."

Pilit na hinanap ng mga mata ko si Niel sa gitna ng kumpulang mga tao ngunit hindi ko talaga siya makita. Bukod kasi sa maraming nakaupo ay marami ring nakatayo. "Nakita mo na ako? Ako 'yung nakakulay pula na may stripes ng white ang shirt. Kumakaway-kaway pa ako ngayon."

Listen To My SongTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon