Chapter 21 ♬ Blow Gun Twins

63K 1.1K 46
                                    

CHAPTER 21 - BLOW GUN TWINS

SERENE


May dalawa akong tao na nakilala noon. Dalawa sa mga taong hinding-hindi ko makakalimutan.

"Oh my, look who's here?" wika ng isang babaeng may pinaiikot-ikot na baril sa daliri. Dahan-dahan siyang naglakad papalapit sa akin at agad na huminto sa isa pang babae na siyang sumipa sa akin kanina.

Sabay na humarap at ngumisi sa akin ang mga ito. Kung hindi ko talaga kilala ang dalawang taong nasa harapan ko ngayon, mahihirapan talaga akong sabihin kung sino ang isa sa dalawa. Maikling itim na buhok at mga matang kulay tsokolate. Parehas na parehas sila kahit saang direksyon at anggulo mo tingnan.

The famous Blow Gun twins are in front of me.

"How sweet of you two to pay me a visit here." sarkastiko kong sambit habang dahan-dahang tumatayo. Pinagpag ko pa ang damit dahil nadumihan ako sa pagkakatumba. Hindi ko na inabalang tingnan pa ang sugat ko. Bahala na lang mamaya.

"You never really change. Same old G-Clef. So sarcastic." Sabi ng babaeng may hawak ng baril na may kasamang pag-iling.

"Glad you're still alive. Isang karangalan na ang gang namin ang makakapagpatumba sa'yo." dagdag pa ng kasama niya na unang sumugod sa akin kanina. Mabilis siyang tumakbo sa direksyon ko bago ako inambangan ng suntok.

Mabilis man siyang kumilos, nahawakan ko pa rin ang kanyang kamao gamit ang isa kong kamay bago pa man ito makalapit sa akin.

"Your strategies never change... Blow." Umiling-iling ako sa harap niya. Halatang dismayado dahil sa napili niyang taktika upang patumbahin ako. Bukod pa roon, diniinan ko talaga ang pagkakasambit sa huling linya na binitawan ko. Hindi niya naman siguro napalagpas ang seryosong tinig ko roon.

Tumawa lamang ng napakalakas ang kasama niya sa likod. Hawak-hawak pa rin nito ang baril na akala mo isa lamang laruan sa mga kamay niya.

"Impressive G-Clef. Your sharp memory never failed us down."

"Why would I not?" tanong ko sabay ilag sa isa pang atake ni Blow nasa harapan ko ngayon.

"Ikaw nga ang tunay na G-Clef. One of the only few people na nakakaalam kung sino si Blow at si Gun sa aming dalawa." Ngumiti siya akin. Kung hindi ko lang siguro siya kilala, nahulog na ako sa patibong ng matamis na ngiti na 'yun. Tumabi sya sa kakambal. Her aura speaks calmness. Ibang-iba sa kakambal niyang si Blow na kanina pa iritable.

Paano ko nga naman makakalimutan ang dalawang tao na nasa harapan ko ngayon? Ang sikat na Sharp Shooter Princesses ng Ace Gang walang iba kundi ang Blow Gun Twins.

Madalas silang napagbabaliktad dahil magkamukhang-mukha talaga sila. Mula sa mata, ilong, mga labi at kahit pa sa buhok— mahirap talagang malaman kung sino nga ba ang isa sa dalawa. Gayunpaman, dahil sa tagal ko na rin silang nakasama noon, alam ko na kung sino si Gun at Blow sa kanilang dalawa. Sikat dahil sa angking ganda at galing sa pakikipaglaban. Kambal nga sila at magkamukhang magkamukha sa pisikal na anyo ngunit ibang-iba naman pagdating sa ugali.

Si Blow ang laging sugod ng sugod ng hindi pinag-iisipang mabuti ang ginagawa. Samantalang si Gun naman sa ikalawang banda ay ang laging kalmado at pag-iisipang mabuti ang gagawin bago isasakatuparan ang mga pinaplano.

Parehas silang magaling at batikan lalo na sa paggamit ng baril. Sa oras na itinapat nila ang baril sa'yo sabay kalabit ng gatilyo, kahit gaano pa man kataas o gaano kalayo, siguradong wala pang ilang minuto... wala ka na rito sa mundo.

Listen To My SongTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon